DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
---
"Hoy Hope! Dito muna tayo! Katamad na maglakad e!" Inis na sabi ni Yael at kamot pa sa ulo, tapos tinuro niya yung uupuan namin dito sa may tabing dagat. Kanina pa nga naman kami pauli-uli at puro kwentuhan lang naman.
Siya si Yael, 8 years ko na siyang bestfriend. Lagi siyang nandiyan pag may kailangan ako, like kelangan may magcheer-up mga ganon basta madami na siyang naibigay sakin o kahit naitulong sa akin.
At parang naging kapatid ko na rin. 'Di ba halos naman lahat ng nagiging bestfriend natin, parang kapatid na rin?
"Nakapagpropose na 'ko sa kanyaa! Akalain mo 'yon, crush ko lang dati nung high school, papakasalan ko na ngayon." Tuwa pa niyang sabi habang nakatingin sa ganda ng pag-alon ng tubig.
'Di ko man lang alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil ikakasal na siya. Sa walong taon naming pagsasama as bestfriend, pitong taon ko itinago ang nararamdaman ko para sa kanya.
Syempre, proud rin naman ako sa kanya dahil pangarap niya 'yon eh. Nakakatuwa lang dahil, nandito pa rin siya sa tabi ko kahit mag-aasawa na siya. Tapos ako dito, wala nganga.
Oo nga, sa walong taon na 'yon, pitong taon ako nagkagusto rin sa kanya.
Bakit ko sasabihin, eh baka pagsisihan ko kasi kaibigan lang din naman ang tingin niya sa akin. Atsaka, baka mawala ang pagiging magkaibigan namin kaya 'di ko na din naisip aminin. Gusto ko lang na, nandito lang kami, magkasama kahit magkaibigan lang.
"Ang bilis naman. Napag-iwanan na 'ko. Akala ko ba sabay tayo?" Pabiro kong sabi at sabay napatingin sa kanya medyo tumatawa pa.
"Wala eh, ang bagal mo!" Biro niya sabay tulak ng mahina sa may balikat ko, nakangiti.
"Ang tagal ni the one eh. Atsaka, 'di naman paunahan 'to ah! Wag kang mayabang." Sabay irap ko sa kanya ng makita kong nakatingin siya sa akin. "Ay by the way, kelan kayo ikakasal?"
Kahit ang sakit malaman, pinilit ko pa din. Dahil iyon ang mapapasaya sa kanya. Hahayaan ko na lang siya sa gusto niya.
Marami pa namang iba diyan, di siya nag-iisa.
Pero siya yung pinaka gusto ko. Pero ayon wala na, mag-aasawa na.
"'Di ko alam eh, wala pa kaming pinaplano." Tumingin siya sa baba at sinwing niya ang mga paa niya. "Ikaw, kailan ka magpapakasal?" At tumingin naman siya sa akin. Mukang seryoso siya.
"Wala nga akong boyfriend, tapos kasal pa kaya? Niloloko mo ba 'ko ha?" Sinamaan ko naman siya ng tingin ngayon, inirapan ko pa.
"Medyo hehe." Tumingin naman siya sa pagbaba ng araw. "Ganda ng sunset oh." Sabay turo niya sa sunset. "Siguro, pag nakailang ahon na yan, andiyan lang yung si the one mo sa tabi-tabi, bigla na lang susulpot."
Hays.
"Pero wag kang mag alala, siguro kinabukasan, sasaya ka rin, makakahanap ka ng lalaking, magmamahal sayo, mag-aalaga, lahat ibibigay sayo. Hirap na humanap ng lalaking seryoso. Pero nandito pa rin naman ako para sa 'yo. Pwede mo naman ako tawagan. Basta pag niloko ka, tara resbakan natin!" Masigla niyang sabi.
Sana nga ganong kadali makahanap.
"Hayaan mo na. Ang dami pang araw oh, wag pagmadaliin merong bukas para gawin." Napatingin naman ako sa sunset. "Speaking of sunset, tanga! Maggagabi na! Uuwi na 'ko, kita na lang tayo sa kasal mo. Ingat!" At nagpaalam na din siya sa akin.
--- The night before the wedding.
"Calix! I'm so happy for youu. Bukas na agad kasal mo. Parang ang bilis!" Tumakbo ako papalapit sa kanya nang makita ko siyang nakaupo mag-isa sa may upuan malapit sa garden nila. Parang malungkot, na ewan?
Ikakasal na nga tapos, malungkot pa, luh.
"Ang bilis nga. Pero kahit anong bilis, 'di ko pa din makalimutan." Malungkot na sabi niya sa akin.
"Ha? Makalimutan alin?" Tanong ko sa kanya. At makita ko na may tumulo ng luha sa mata niya.
Hirap siyang makitang umiiyak. Ngayon ko lang siyang umiiyak ng ganto.
"'Di mo ba ramdam? 'Di mo alam? Pitong taon ko 'yon tinago sa'yo, wala ka pa ding nararamdaman?" Tumuloy na yung mga luha, na kahit ako naiiyak na.
Hays. Pitong taon, pitong taon na 'di ko alam kung anong gagawin ko para makalimutan ko nararamdaman ko sa kanya. Pitong taon ko sinikreto sa kanya, tapos parehas lang kami ng naranasan?
Pitong taon ako nag-isip kung pa'no ititigil yung feelings ko sa kanya.
Pitong taon kong pinilit magmove on, pero di talaga kaya.
Sa sobrang close namin, kaya siguro nagkaganito.
"Ha? Bakit?" Tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan. "Ang hirap, pitong taon din ako nagtago sayo, ganon din pala feelings mo?"
"'Di ko alam kung pano ko sasabihin eh. Baka mawala ka lang sakin. Baka mawala lang din mga pinagsamahan natin. Hays ang hirap."
Ang sakit makita na umiiyak siya, dahil sakin, dahil samin.
I was scared to lose you then
But secrets turn into regrets."Nakakapanghina, nakakapangsisi." Nakatingin lang siya sa baba, tinatakpan ng mga kamay niya ang kanyang mukha dahil sa 'di mapigilan na pag-iyak. "Wala na tayong magagawa."
"Wala na talaga, bukas na yung pinakahihintay mong ganap sa life mo. 'Di ka pa ba masaya?" Nakatingin pa din ako sa kanya habang nakahawak ako sa likod niya.
"Masaya. pero alam mo? Iniisip ko dati na, ano na kayang mangyayari sa 'kin kung makita kitang may kasamang iba? Iniisip ko kung pa'no ka sumaya. Tapos ngayon, ngayon lang tayo nag-sabihan?" Napatayo siya at medyo mamula-mula pa ang mata niya. Humihikbi pa.
Was there a lifetime waiting for us
in a world where I was yours?"I- I'm so s-sorry." Nauutal kong sabi.
"Ayoko nang makita kang umiiyak dahil sakin. Ayoko na suko na 'ko." Napaluhod na siya at napayayap sa akin. "Gusto ko na lang na, sumaya ka, gaya nung sabi ko sa 'yo, hanapin mo yung lalaking papasayahin ka, bpibibigay sa 'yo lahat. Tupadin mo 'yon ha?" Humihikbi pa siya, at nakayap pa rin sa akin.
Was it the wrong time,
what if we tried giving in a little more
To the warmth we had before?"Tama na ang drama. Gusto kitang nakangiti bukas. Tutuparin ko 'yon lahat para sa 'yo. Kalimutan mo na 'yon. Be happy, nandiyan na siya para sa 'yo. Para sa buong buhay mo. Kaya ingatan mo." Tinaggal na niya ang yakap sa akin at tiningnan niya akong nakangiti. Parang walang nangyari.
"Okay na, tara na do'n baka hinahanap tayo." Tumayo na kami at hinawakan niya ang kamay ko papunta sa sa loob ng bahay nila.
------
hii, thank youu for reading this one shot storyy! Hope you like the storyy of Hope and Yael! It's just a short story, but it gives a lot if meaning.
Don't be scared to confess, just try but don't deny.
--Hoping and dreaming! xoxo
BINABASA MO ANG
Lifetime | (One Shot Story)
Non-Fictionthis story is inspired by the song, Lifetime by Ben&Ben. It is about two bestfriends (boy and girl) who fall inlove with each other, but they aren't confessing their feelings to each other until...