ika-dalawampu't limang Kabanata

156 6 1
                                    

This Love

------------

         May koneksyon? Hnn, ano bang tingin mo sa akin pipityuging "May Koneksyon?" Kung alam mo lang na ginagawa ko ang pagpapangaap na mahina dahil iyon ang utos ni Uno sa akin ay baka magkapatayan lang tayong dalawa. Pero dahil na rin sa utos hindi kita papakialaman isa pa kung ano man ang hinagpis na nararamdaman mo tingin ko hindi ko rin mapapantayan yun kaya bahala ka na... Yohan Sandoval.

------------

Aldrin's PoV 

Monday nanaman so it means more on kulitan with Rhianna ang gagawin ko. Palagi kaming may She & Him time. Oh, bakit ganyan kayo makatingin? Oo na lakas maka Be careful w/ my heart ang ginagawa namin ni Rhea pero iba ito kina sir Chief at Maya ang trip namin ni Rhea ay maglaro ng chess at lumabas sa field para magbatuhan ng waterbaloon hanggang sa may sumuko.

Sadista ako at ito ang tunay na ako. Yung tipong nananakit talaga kaya nagtataka na lang si Ro kung bakit palaging may pasa si Rhianna. Wala kaming romatic scene dahil ayaw ko pa at bawal pa sya. Hindi ko rin hahayaang mapunta sa ganoon ng walang kasal tama na ang kulitan at batusan konting kurutan at syempre ang hindi mawawalang ka-corn(y)ihan.

Pero anak ng walang kwentang council ng Veco binigyan ako ng misyong ayaw ko naman talagang gawin. Mantakin mo tol, Byarnes lang ng mahikit ako ng isang wirdong babae na sobrang lakas ng aura tapos nalaman ko kinagabihan kay Wendyl na lalaki pala yun.

Okay, mali ako. Na gay pala sya. Wala naman kaming masamang tingin doon ni Wendyl. Si Dos kasi ay narinig naming may nakilala daw na bagong transferie sa NY kung saan sya nag-aaral and it turns out the transferie is a guy. Makikita ko ulit yung matchong yun sa susunod na meeting buset ang tanga pa ng pagkakataon dahil nagkaroon ako ng misyon.

Si Uno ang nagsabi sa akin na bantayan ang babaeng--lalaking si Yohan. Oh, aminin na natin na mukha talaga syang babae sa dami ng nadesign kong damit at nakita kong mga kliyente ng kapatid ko ngayon lang ako nagoyo ng ganito. Oh well, si Alter(Alter ni Aldrin ang mahinang Aldrin) naman talaga ang nakakakita pero dahil sa kapangyarihan kong makakita ng mga aurah alam ko kung ano nga talaga sila kahit ano pang pagpapanggap nila.

Nagoyo lang ata ako nitong si Yohan dahil sa balot na balot ng paghhiganti ang pagkatao nya. Anu man ang nakaraan nya wala na akong kinalaman doon. Hindi ko sya huhusgahan kahit na gustuhin ko pa man dahil ang mga may ganoong kaitim na aura ay minamahal lamang hindi sinasaktan dahil kung sasaktan mo sila lalo lang silang matatapon sa kadiliman.

Mabalik sa misyon. Ang misyon ko ay ang inisin sya para maipakita nya ang tunay nyang kakayahan at the same time kailangan kong magpanggap na mahina. Yun pa naman ang pinaka-ayaw ko. Ang alter ko ay mahina na kaya bakit pa ako babalik doon. Pero dahil nga kinarir na ng katawan ko ang pagiging drama club presedent biglaan na lang itong gumagalaw sa iba't-ibang reaksyon.

Nagkita kami kahapon ni Uno. Isa syang babae na mahaba ang buhok at parang snow sa puti ang balat. Sya si Antonnette Nicole Truffles o mas kilala namin sa tawag na Col. Nagkita kami sa isang maliit na coffee shop sa labas ng school walang masyadong tao dito at tahimik para sa mga mafia bosses. Si Lan daw ang may ari nito. Isa sa mga Guardian nya.

"Kamusta ka na Sinko?" tanong nya sa akin sa eleganteng paraan.

"Huwag mo nga akong paandaran ng kayamanan mo Langgam." Agad kong sinabi na tinawanan niya.

"Kahit kailan talga bunso hindi kita magawang lokohin. Ang cute mo."

"Bunso YUR PEys! Hindi porket pang lima ako wala ng pang anim at hindi porket una ka panganay ka na. Mas matanda pa kaya sayo si Dos at si Dos ang mas maraming experience sa ating lahat dahil tamad ka!" lahat ng inis ko sa pagkikita naming ito ibinunton ko na sa kanya.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon