Kabanata 18

611 34 1
                                    


"Hays nakakapagod."

Pasandig na umupo si Shanaya sa mahabang sofa pagdating nila sa loob ng mansyon. Yumuko siya at sinimulang alisin ang bakyang suot. Pinatong niyang kasunod ang mga paa sa ibabaw ng sofa pagkaalis niyon.

"Sarap sa pakiramdam." kumportable na ang kaniyang pakiramdam.

"Akin na mga paa mo, hihilutin ko." bulong ni Andrew na umupo din sa kaniyang tabi. "Pasensiya na napagod kita."

Kinuha ang kaniyang mga paa at  sinimulan nang masahehin kahit hindi pa siya sumasagot.

"Ano ka ba. Ayos lang kahit pagod, sulit naman." saad niyang nakapikit, dinadama ang bawat haplos ng lalaki sa kaniyang paa.

Ngunit kasabay niyon ay ang paghikab niya. Gabi na at  maghapon silang namasyal sa kabilang bayan kaya 'di malayong antukin agad siya.

"Kakain ka pa ba ng hapunan o magpapahinga na? Dito kana rin matulog, hahatid na lamang kita sa inyo bukas ng umaga."

Nagmulat siya ng mata. "Hmm, magpapahinga pero dito muna tayo. At sa kwarto mo ako matutulog mamaya, ha." paninigurado niya.

Panandaliang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Ngunit sandali ay narinig nila ang tagaktak ng ulan sa labas at paglamig lalo ng hangin. Lalo tuloy siyang tinamad na tumayo.

"Nasaan pala si kuting, baka hindi pa iyon kumakain?" tanong niya nang maalala ang pusa.

"Baka natutulog na. Huwag kang mag-alala, iniwanan ko siya ng pagkain bago tayo umalis kanina." Tumatango siya.

Umayos siya ng upo pagkababa ni Andrew ng kaniyang paa sa carpet. Ilang minuto pa silang nanatili doon ng  siya na mismo ang umaya sa lalaking pumunta sa kwarto.

Kakatayo pa lamang nila nang makarinig sila ng kalabog mula sa kusina. Sa kaniyang pagkagulat ay napahawak siya sa braso ng lalaki.

"Ano 'yon." kinakabahan tanong niya.

"Wag kang matakot baka 'yong pusa lang iyon." kalmado nitong sabi.

"Pero sabi mo natutulog na si kuting."

"Baka lang naman. Tingnan natin."

Lumakad sila patungo sa kusina ngunit nakatago siya sa likod ng lalaki.

Kung hindi 'yon pusa baka multo. Sa lahat ng bagay na nakakatakot, multo talaga ang pinakakaayaw niya. Paano kung dugo-dugo pa ang katawan niyon at may hawak na kutsilo. Gustong patayin sila.

Nagtaasan ang kaniyang balahibo sa braso dahil sa iniisip.

Binuhay ni Andrew ang ilaw para lumiwanag sa loob. Tahimik na ang kusina ng pumasok sila. Umalis siya sa pagkakahawak sa lalaki at nagmasid sa paligid. Isang kaldero ang kaniyang nakita na nasa sahig. Nilapitan niya iyon at kinuha bago inilagay sa mismong ayos. Patalikod na siya nang may tumalon mula sa kaniyang likuran pababa sa sahig.

"Ahhhh!!" sigaw niya, napahawak sa dibdib. Huli nang mapagtanto niyang pusa pala 'yon.

Dahil sa kaniyang sigaw ay napalapit ang kaniyang kasama sa kaniya.

"Okay ka lang?" tanong nito na may pag-aalala.

"O-oo, nagulat lang ako kay kuting." at tiningnan ang pusang nasa paanan niya na.

"Meow." naglalambing na humiga ito sa kaniyang paanan.

Kinuha niya ang pusa at nilagay sa kaniyang mga bisig. "Tama na ang laro. Matulog na."

"Tara na para makapagpahinga ka na rin." sabat ng lalaki. At hinawakan siya sa baywang.

"Mauna ka nang gumamit ng banyo." ani Adrew namg makarating sila sa kwarto .

Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon