Chapter 01

17 1 0
                                    

CHAPTER 01

~

The letter bothered me the whole week. Lutang ako papunta sa school at mas lutang pauwi. My head hurts sa dami ng iniisip. Dagdagan pa ng training na sobrang sakit sa katawan.

Kung bakit pa kasi sumali sali ako sa game na 'yon. Pero I didn't regret joining. Kine-kwestyon ko lang kasi bakit ako nabobother masyado sa letter na 'yon.

And that Drace Lauderdale Casagrande. His name is so familiar. I just can't remember kung saan ko ba 'yon nabasa o narinig.

I tried searching his name on social media but I found nothing. Is that even possible? How come at this age and time, wala siyang social media accounts?

I sighed. I'm sure there's a reason behind that. Mas lalo lang tuloy ako nagaganahan na ipanalo ang laro. Humanda siya sa akin.

Maayos kong nai-park ang sasakyan sa parking space ko bago lumabas at dumiretso sa elevator. Alas diyes na ng gabi. Mukha akong zombie na ewan pagkatapos ay may duty pa ako sa club.

Jusmeyo. Goodluck sa akin.

Huminto ang elevator sa ika-labing dalawang palapag at lumabas na ako.

"Hey," Malamya kong bati sa nakasalubong na kapitbahay.

"Hey," Huminto siya sa paglalakad para tingnan ako. "You look-" Hindi ko siya pinatapos at ako na ang dumugtong.

"Like shit," I rolled my eyes.

I heard him chuckle. "Tired." He continued.

"Obvious ba?" Pagtataray ko bago siya nilampasan at binangga pa sa balikat.

Yes. Gano'n ako ka feeling close.

I heard him laugh before I heard the elevator's 'ting' sound. I entered my unit and did my routine. Late na ako kaya lip and cheek tint lang ang aura ko. Maganda pa rin naman. C'mon let's not lose confidence.

I wore my uniform. Itim na long-sleeved polo shirt with our Fancy Lights logo on the back and denim shorts. Hindi naman kami strict pagdating sa dressing code ng employees as long as suot ang polo shirt na kami mismo ang nag-provide.

I paired my clothes with a pair of white sneakers. I tied my hair into a high ponytail before leaving.

Halos alas onse na ako nakarating sa Club. Lumabas ako sa kotse pagkatapos mag park at pumasok sa main entrance. Dapat sa likod dumadaan ang employees pati ang may-ari pero tinatamad talaga ako.

Pinapasok naman ako ng bouncer. Nagreklamo pa yung mga naka-pila sa labas kasi bakit daw ako pina-una.

I just told the employee who's in charge there na bilisan ang pag check ng mga gamit para mapapasok na iyong mga nag-reklamo na girls. They look like they want to get wasted. Well, they're always welcome here.

Dumiretso ako sa staff room bago pumasok sa office at tiningnan ang mga paper works. Wala namang masyadong trabaho dito. Order lang ng supplies and some financial stuffs na kailangang permahan. May manager naman.

After doing what I needed to do, I went out to check on the costumers. Alam kong marami akong kilala na nandito ngayon. Friday night kasi.

"Casmy!" Kararating ko lang sa table ng mga ka-blockmates ko, tinatawag na ako sa kabila. They're my sister's friends.

"Sorry guys. I need to go na." Pagpapaalam ko at pumunta sa tumawag sa akin.

My sister is a social butterfly. I am also friendly pero hindi talaga sa level niya. Kaya confident talaga 'yon na di mawawalan ng costumers itong club na pinamana sa amin ni Papa.

END GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon