LEAH NIKKA SHANEL FLORENCE

24 1 2
                                    

Dedicated to Aleheiii. HAPI BORTDEY sis!

"Hoy Khalt!" Sino kaya yun at anong problema niya? Hayyst.

Lumingon ako at nakita ko si Leah. Leah Nikka Shanel Florence. Grade 7 ko pa kaklase to e. Pero noong grade 8 lang kami naging mas close. Noong grade 9 at 10 naman di kami mag kaklase. Ngayong senior kaklase ko nanaman siya.

Kakatawa lang. Matagal ko na siyang gusto e, ang kaso noong grade 8 kami naging sila nung isa kong bespren na huwag na lang pangalanan. Kaya ayun takbuhan niya lang ako noon nung iniyakan niya yun.

Pareho rin kaming nag wawattpad kaya ko siya naging close friend. Alam ninyo yung Wattpad? May series of story nga akong binabasa e; Multiverse series, kaso nasa first story palang at antagal pa mag update ni author. Grabehan yan.

Anyways balik kay Leah, malapit na nga pala ang birthday niya, ngayong October 4 na, one week from now. Same kasi kami na October pinanganak, actually mas matanda siya sa akin ng ilang araw. Hahaha gurang.

Etong si Leah pag tinignan mo ay parang parating galit sa mundo, pero ganiyan lang talaga siya, sa totoo mabait naman yan at hindi po nangangagat.

Medyo hindi naman siya pinalad sa usapang height. Pero bawimbawi sa utakan yan. Isa siya sa mga idolo ko sa pag iisip, matalino ang ate mong pandak, laging nasa qualifiers at with honor.

"Bakit pandak?" Sagot ko sa kaniya.

Kunot noo niyang pinakitaan ako ng mahiwagang daliri na siyang tinawanan ko lamang. Sanay na ako sa kaniya, lagi akong minumura niyan tuwing kinakausap o kakausapin.

"Namoka talaga." Sambit pa niya.

Ang kyot.

"Ano ba kasi yun? Miss mo na ko? Araw araw naman tayong nagkikita dito sa school ah." Pang aasar ko sa kaniya.

"Baliw." Sagot niya. Saket ah. "'De kasi diba malapit na birthday ko?"

"Ay shet weh? Kelan?" Kunot noong pag tatanong ko, that earned me a punch. Aray. Sakit manuntok ng mga babae pag minsan ah.

"Gago. Nakakaasar ka taon taon na lang ah." Nagtatampong tinig niya.

Tinawanan ko siya. "Alam mo namang mahina ako mag kabisa ng mga araw eh." Pero hindi ko nalilimutan ang araw niya. "Oh ano ba kasing meron?" Tanong kong muli.

"Oh heto." Sabi niya sabay abot ng invitation para sa debut niya.

THE PRINCESS IS NOW A QUEEN!
COME CELEBRATE WITH US

It's Leah's 18th

OCTOBER 4 2020|5PM

Aba syempre pupunta ako riyan. "Ge. Tatry ko." Sabi ko sabay talikod. Dirediretso lang ako ng lakad patungong cr. Pag pasok ko sa cr ay todo sayaw ako sa kilig at tuwa.

"Huy!" Panggugulat sa akin.

"Ano ba yun?!" Tanong ko.

"Anong ano ba yun? I was just pissing here man. Bigla kang nabaliw dyan." Sabi ni Dexus.

Dexus Sebastian Virturo. Transfer student last year na naging best friend ko narin. Mala foreigner yan kasi sa Libya ipinanganak at lumaki.

Ow shit. Oo nga pala.

"Ah wala." Sagot ko.

"Pupunta ka rin ba sa debut ni Leah?" Gusto nga rin pala ni Dexus si Leah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MULTIVERSE SERIES: DedicationsWhere stories live. Discover now