-Two-

25 3 0
                                    

{"//" are start of flashbacks;
"///" are end of flashbacks}

6:21 AM





*ding dong*

Wew. Ang aga naman neto.

"Trishaaa, bukaaaaaaas." sigaw ni Leo.

"Buksan mo na! Alam mo naman passcode eh!" sigaw ko pabalik.

"Sus, tamad ka lang buksan," pahabol niyang asar bago buksan yung pinto.

Inirapan ko nalang siya. Totoo nga naman, katamad niya nga talagang pagbuksan ng pinto.

Pagpasok niya, dumiretso agad siya sa kusina kung saan nagluluto ako.

"Anong breakfast natin diyan?" Bungad niya pakalapag niya ng sling bag niya sa tabi ng bar table.

"Sabi na nga ba kaya maaga ka eh. Hay nako, Leo Nolen Benitez Asuncion, wala ka bang bahay at nakikikain ka sa condo ko?"

Tumawa lang siya at kumuha ng bottled water sa ref, saka umupo sa bar area ng kitchen.

"Para saan pa't magsasayang ako ng oras magluto kung alam ko namang may makakainan akong masarap," sabay tawa nang malakas.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Hampasin ko 'tong sandok eh.

Tinigil niya yung pagtawa at umubo nang kaunti.

"Kidding. What, so I'm not allowed to joke anymore?" He raised his brow and casually straightened up from his seat. I just rolled my eyes at him. Napaka talaga.

"Che. Oh eto na pagkain mo," sabay lapag ko ng fried rice, sunny-side up at tortang talong na paborito niya

"Ayon, ayos ka talaga Doctora Rodriguez!" sabay wink at pacute pa. Napaka moody talaga.

Ang sungit sungit nito kagabi. Maganda ata tulog pati gising.

Ngumiti na lang ako at nakikain na din. We shared work stories while we were eating breakfast. As an engineer, he would interest me with home ideas. I was planning on moving out from this condo and getting a house of my own. Matagal tagal na 'rin ako dito and sabi ng mom ko, investment ang pagkakaroon ng sariling lupa at bahay. Not now but, soon, once I'm done with my residency training, and I'm financially stable... with or without a family.

He would also tell me how he's been adjusting as their firm's newly appointed head engineer slash project manager. Nakaka proud siya actually. It was such a big step up for his career. It's only been a couple of years since he started on that firm yet, he's already a boss man.

I would also catch him up with my work. He's into kids, so he's interested in hearing my stories. Minsan lang ako makameet ng lalaki na mahilig sa bata. Considering our age, may commitment issues o kaya naman fear na ang mga lalaki pagdating sa mga ganitong usapan dala ng pressure ng edad at career. Pero when it comes to Leo, every time I would describe some of my patients sa ward, nakikinig siya na tipong siya yung mga magulang nun. Which made me think...











Why can't he just take a woman seriously, get married, and start a family already?









"By the way, carpooling ba ngayon?"

"Oo ata, Tuesday eh."

"Oh? Asan si Yandro? Mag 8 na kaya," pagtaka ko.

Kadalasan 6:30 AM andito na yun. Minsan kakagising ko lang nakaabang na sa kusina, nauuna pa yun kaysa kay Leo.

"Onga 'no? Nabanggit niya ba sayo kagabi kung saan sya matutulog?" tanong ni Leo habang busy kumain.

"Hindi. Basta pagbaba ko ng kotse mo, umakyat na 'ko agad dito, tapos siya pumunta na sa kotse niya. Tsk. Tawagan ko nga, male-late tayo neto eh"

Exes and MatchWhere stories live. Discover now