Chapter 12 💍

756 20 0
                                    

Spencer's POV

Andito kami ngayon sa gym. Morning practice kami ngayon. Sa ngayon, nakaupo ako ngayon habang ang iba ay nagpapractice game.

"Pre, papawis ka naman" sabi ni Marco.

Inilahad ko sa kanya ang towel. Kinuha niya ito at nagpunas. Silang lahat pawis na. Ako pa lang ang hindi.

"Bro palitan mo na si Lawrence oh. Ang pawis na niya." Sabi ni Chua na pawis na pawis na rin rin.

"May problema ka ba Hawkins Pre?" Tanong ni Chua. Bumuntong hininga ako.

"Si Raven kasi..." Napahinto ako sa pagsasalita.

"Anong si Raven Pre?" Tanong ni Anderson. Nakalapit na silang lahat.

"Nag away na naman kayo?" Tanong ni Stanford.

"Inaway mo na naman ang asawa mo?" Tanong ni Chen.

"Nagselos ka na naman?" Tanong ni Marco.

"Sino na naman ang pinagselosan mo?" Tanong ni Samson.

"may bago ka naman bang pinagselosan?" Tanong ni Lou.

"Iwasan mo ngang magsungit sa asawa mo pre" Sabi ni Lawrence.

"Kababati niyo lang ni Raven diba?" Sabi ni Arellano.

"Aba Hawkins. Nagiging pala away kana sa asawa mo ah. Gusto mo atang mapalo kita" sabi ni Hilton. Ang ingay ng mga ito. Mabuti pa si Scherzinger at Captain tahimik lang.

"Ano ang tungkol kay Raven bat ganyan ka?" Tanong ni Scherzinger. Bumuntong hininga ako.

"Kagabi pa kasi siya parang may iniisip at napapansin kong may gusto siyang sabihin o itanong sa akin pero di naman niya tinutuloy. Balisa at parang may gusto siyang malaman na kung ano. Ewan." Sabi ko.

"Baka naman pre, gusto lang malaman ni Raven kung virgin ka pa ba? Hhahahah" sabi ni Hilton. Binato ko siya ng bottle of mineral water.

"Di ka nakakatulong " inis kong sabi. Napatahimik naman siya sa kakatawa pati ang ibang lions except kay Scherzinger at Captain na seryoso lang ang mukha.

"May ginawa ka ba?" Tanong ni Lou.

"Anong ginawa?" Takang tanong ko.

"Pre, mag asawa kayo. Okey lang na may gawin ka sa kanya" sabi ni Arellano.

"Oo nga pre basta di labag sa gusto ni Raven.  Basta wag mong eh rape ang asawa mo ha" sabi ni Anderson. Binato ko rin siya ng bottle of mineral water.

"Gago, di ko gagawin yan sa asawa ko" sabi ko.

"Oy Mr. Goodboy saan ka naman natuto niyan?" Tanong ni Lawrence.

"Yun naman talaga ang totoo eh. Kung kasal na kayo. S*x is a part of relationship specially in marriage. But ang s*x sa mag asawa ay magagawa lang ito pag gusto ng  isat isa. Pero kung labag sa gusto ng isa na hindi muna gagawin ito ay rerespituhin mo dahil asawa mo man ito. Babae parin ito at di dapat abusuhin."

"Paano nagkaroon ng rape eh mag asawa sila?" Tanong ni Hilton.

"Yes, kasal nga pero matatawag parin itong rape paghinarass ng lalaki o pinilit na makipags*x ang asawa na labag sa gusto nito . Na kahit asawa at kasal sila ay pwede itong magawang kaso at ito ay isang rape. Di niyo alam. Isa na ito sa Law na nagpoprotekta sa mga babae." Explain ni Anderson.

"Wow! Bro. Bat di mag law?" Sabi ni Chua at inakbayan siya. Ngumiti naman siya.

"Shift ka nalang ng course bro." Sang ayun ni Samson.

Husband & Wife, for real?Where stories live. Discover now