Spencer's POV
Ito ako nakahiga na sa kama habang nakatingin sa pinto ng bathroom. Nasa loob pa ang asawa ko. Nasagi naman sa isip ko ang usapan nila ni Manang kanina.
"Wag mong isipin na may babae siya. Di naman siguro niya magagawa saiyo. Sa akin lang. Siguro unti unti na siyang nagkakagusto sa iyo ma'am."
"Ha? Ano ba yang sinasabi niyo manang."
"Bakit ma'am. Ano ba para sa inyo ang ibig sabihin pag ang lalaki ay nagseselos sa ibang lalaki dahil sa babae. Di ba yun selos? Eh ano pag nag selos. Ibig sabihin, may gusto siya sa iyo."
"Di ko yan alam manang. Sa totoo lang rin. Except kay Yeye at sa driver ko doon sa taiwan. Ngayon lang ako nakaencounter ng ibang mga lalaki. Sa totoo lang wala akong alam sa selos na yan. Wala pa akong nagiging boyfriend eh. Di rin ako nakaranas ng may nangligaw."
"Bakit po ma'am eh maganda naman kayu?"
"Salamat manang pero kasi doon sa taiwan. Kailanngan kong magkaroon ng private life para iwas issue, iwas sa media, iwas sa mga stalker, at iwas sa mga taong di maganda ang intention sa akin. Mahirap rin maging apo ng isang mayamang businessman." Sabi ko. Tumango naman si Manang.
"Gaya mo rin si Sir Spencer. Wala yang ibang kaibigan kundi ang mga ka team niya sa basketball kasi umiiwas rin sila sa ibang tao."
"Eh manang. Pwede magtanung ulit"
"Si Spencer ba po. Mapagkakatiwalaan na tao?"
"Gusto mong magtiwala sa kanya?"
"Kasi naalala ko ang sinabi ng yaya ko sa taiwan. Pinay rin po siya. Ang sabi niya. Buksan ko lang raw ang tenga at mata ko at pagkatiwalaan ang magiging asawa ko."
"Tama, kasi pag may tiwala ang bawat isa sa inyo. Magiging matatag ang relasyon niyo. Pag may tiwala. Iwas away. Naku ma'am di ko to sinasabi kasi amo ko si Sir Spencer pero, sinasabi ko lang ito kasi ako gusto ko rin na magtiwala ka kay Sir, Ma'am. Pero bago ka magtiwala. Hayaan mo siyang makilala ka at sa gayon makilala mo rin kung ano siya."
"Minsan kasi Manang. Pag nagseselos siya at nag aaway kami. Ayaw kong magalit sa kanya at magsungit pero ginagalit ko nalang ang sarili ko kasi pag nagseselos siya. Minsan sinisigawan niya ako. Nakakatakot kaya siyang magalit. Seryoso na nga siya doble pag galit siya."
"Naku Ma'am ikaw naman may asawa na maganda. Tiyak na magseselos talaga si Sir. Ayaw lang niya na maagaw ka. Sure ako may gusto na sa inyo si Sir. Kayo ba Ma'am wala paba kayong gusto kay Sir?"
Nakita ko reaction niya na nagulat siya sa tanong ni Manang. Naghintay ako sa sagot niya pero ewan nag iisip ba siya kung ano ang isasagot niya o di niya alam ang sagot. Ako kasi ito, mabubuang ako nung sinabi ni Captain na baka nga nasakal ko na siya ki bago pa lang naming kasal. Baka lalayo siya sa akin. Parang gusto ko na siya eh. Ah hindi, gusto ko na talaga ang asawa ko.
"Can you please don't come to me again. Can't you understand that I'm married."
Pagkasabi niya non ng akala niyang ako yung lalaking iyon. Biglang bumilis ang tibok ang puso ko. Gustong gusto kong ngumiti ng malawak non. Totoo nga ang sabi ng Lions. I just need to trust my wife. Napangiti rin ako kanina ng sinabi niyang gusto niya akong pagkatiwalaan. I'll show her that she can trust me because right now. I'm starting to trust her also.
Napalakas ang tibok ng puso ko ng bumukas ang pinto sa bathroom at lumabas si Raven. Nakabihis na siya ng pajama ko at tshirt ko. Huminto siya sa pagpupunas ng buhok niya at tumingin sa akin at tumingin sa suot niya.