Palayain ka ang tama
Mali man para sa paningin ng iba
Pero para sa akin ito ang tama.
Tamang pasayahin ka kapag nalulungkot ka.
Tamang damayan ka kapag may problema ka.
Tamang tulungan ka kapag nangangailangan ka
At lalong Tamang palayain ka kapag ayaw mo na,
Kapag nakahanap ka ng iba,
At kapag hindi mo na ramdam yung saya.Mahal kita simula pa nung una.
Lahat ginawa ko na upang hindi ka maghanap ng iba
Pero sadyang mapaglaro ang sinasabi nilang tadhana
Tignan mo pati tayo'y kanyang biniktima.
Tayo'y kanyang pinagtagpo para pasayahin ang isa't isa
At hindi para buoin ang pusong durog na.
Masakit man para sakin
Pero ito ang tamang gawin.
Yung taong akala ko ay bubuo sa akin
Kailangan ko na palang palayain.
Isa lang naman ang aking hiling
Sana maging masaya ka sa bago mong kapiling.