''How are you feeling today? May nafe-feel ka ba na hindi maganda?'' tanong ng Doctor ni Hazel.
Nandito ang isa sa mga Doctor ni Hazel na hindi pa nakakapunta dito nuong mga nakaraang linggo. Apat kasi ang Doctor niya tapos tatlo na ang pumunta dito. Si Doc. Felixiano, Dra. Arkanghel and Doc. Tirol. Isang Doctor nalang ang hindi namin nakikita but he'll come here next week. Bago operahan si Hazel.
''I'm okay po'' sagot ni Hazel kay Doc. Tirol.
Tumango-tango si Doc. ''Well, that's good. Mukhang may magiging masaya pag gumaling na'' sabi ni Doc at tumingin sa amin ni Sais.
Magkatabi kami ni Sais habang nakatingin kay Hazel na ino-obserbahan.
Napangiti ako.
I'm excited kasi isang linggo nalang, ooperahan na si Hazel. My daughter will be free again.
''They should be'' komento naman ni Dra. Arkanghel. Si Diane.
Tumingin ito sa amin at ibinaling kaagad kay Hazel ang tingin.
''Baby, pwede ba nating gupitan ang buhok mo?'' tanong Dra.
Hazel pouted. Napag-usapan na namin ito ni Diane at okay lang sa akin pero ang akin lang ay baka hindi pumayag si Hazel. Lumapit ako sa anak ko at umupo sa tabi niya. I touched her hair.
''Anak, Mamay will also cut her hair para same tayo'' kombinsi ko sa anak ko. Paparating na si Raney dito at siya ang gugupit sa buhok namin ni Hazel.
Nawala ang lungkot sa mukha ni Hazel. ''Really, Mamay? Magpapa cut ka like me?'' tanong niya sa akin.
Hope in her eyes. Ngnitian ko siya at tinanguan.
I don't want my children to feel she's different from others. Ayaw kong malungkot siya kaya sasamahan ko siya. I will be there for my children.
''Sayang, Mamay. Ang taas na ng hair mo. Waist na siya oh, because of me you will be needing to cut it off. Am I bad for you Mamay?'' she gave me teary eyes. Agad kong sinakop ang mukha niya at umiling.
''No, anak. You're not bad for Mamay. Gusto rin kasi ni Mamay na putulin ang buhok niya kasi naiinitan na ako'' I reasoned out.
''Talaga ba, Mamay?'' tanong niya pa.
Hinalikan ko siya sa noo. ''Oo anak'' sagot ko.
Hinintay namin lahat si Raney. Nasa loob kami ng kwarto ni Hazel. Issa is in school. Hinatid siya kanina ni Sais. Ako naman ang naiwan. Nakaupo ako sa kama ni Hazel habang ito a natutulog. Maaga kasi siyang nagising kaya nakatulog din kaagad.
''Short hair will fit on you'' biglang nagsalita si Diane. Nakaupo siya sa couch katabi si Sais. May pinag-uusapan kasi sila tungkol kay Hazel. Si Diane kasi ang na assign for Hazel's body examination. Siya ang tumitingin sa epekto ng gamot sa katawan ni Hazel. They will be the ones who'll operate my daughter and I'm glad that they are good.
Napabaling ako kay Sais na nakatingin sa amin ni Hazel. Nag-iwas ako ng tingin. Dalawang linggo niya na akong hindi pinapansin at ganuon din ako. Mas maganda na itong nag-iiwasan kami.
''Hindi pa kita nakitang short hair. Nagpa short hair ka na ba?'' tanong ni Diane sa akin.
I nodded. ''Noong pinagbubuntis ko si Hazel at si Issa. Naiinis kasi ako buhok ko nuon'' sabi ko pa.
Napatawa si Diane.
''How's Lauro? Do you know he's part of the Club ?'' tanong ni Diane sa akin.
Yep. Lauro is part of the Billionaires' Club.
''Yes, he is, until now'' sagot ko.
Kaya hindi rin kami nahirapan na itago si Hazel at kay Issa nuon kay Sais dahil makapangyarihan din si Lauro. He's also a Billionaire.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.