"Its Nikolo Pablo Oliveros, iha. I am your lolo's bestfriend. Neith is my grandson" naguguluhan akong napatingin kay Neith at muling napabaling kay Tatang Nick.
"Enough for this day, you've been through a lot. Luna, Vera bring Alezandra to her room." Utos ni Senyor Jandro.
Hinawakan ako ni Luna at inalalayan na akyatin sa ikalawang palapag ang silid na ipinaayos para sa akin. Muli kong tinapunan ng tingin sina naynay at ang kapatid ko. Tinanguan lang nila ako at sabay ding tumalikod sa akin.
Pagkapasok sa loob ng kwarto ay inalalayan nila akong umupo sa dulo ng kama. Wala sa sariling inilibot ko ang laman ng silid. Napakarangya, walang wala sa itsura ng simpleng kwarto namin ni Andeng. May sariling wardrobe closet, banyo, may 55 inches smart tv at split type aircon. May sarili din itong coffee table at sofa set, a queen size bed fit for a princess. Ang mga paintings na nakadikit sa wall ay mukhang mga kilalang pintor ang may gawa. Hindi ko pinangarap ang ganito, ipinalangin ko lang nuon na maging maginhawa ang pamumuhay naming mag iina. Ni sa hinagap ay wala sa aking isipan ang marangyang buhay na nakikita at malalasap ko ngayon.
"Are you okey ate?" tanong ng magandang babaeng may sky blue na mata at curly long hair sa akin.
"I don't think so Vera." Tugon ni Luna
"By the way, Im Nica Vera Oliveros, the beautiful sister of Neith the horrible snob." She smiled at me sweetly.
"I think the designers are here. They had their couture with them".
"Yeah, they will also going to get your body size. Sila na rin ang bahala about all your clothes, accessories and undies, plus your foot wears."
"Tita Andie's glam team is also assigned for your make over."
Ano daw? Couture? Designer? Glam team! Kanina pa masakit ang ulo ko, dinagdagan pa ng dalawang kaharap ko.
Nabigla ako nang tapikin ni Luna ang aking balikat. "Masasanay ka rin." She whispered at me.
At unti-unting dumami ang tao sa silid na iyon. From the designers na kinuha ang body size ko at pinasukat lahat ng mga dresses and accessories na dala dala nila, plus giving me some points on how to bring and wear the right one for every occasions. To the glam team of Mamang Andie, they trimmed and blow dry my long straight hair and they gave me a good volume of bangs. I don't know what they put into my hair but may hair makes more voluminous, shiny and soft. They also gave me a full body massage plus did a gorgeous manicure and pedicure. And lastly they gave some lectures on how to put light make up on my face. Tango lang ako nang tango sa mga pinagsasabi nila, pero wala naman pumapasok sa utak ko.
Naubos ang buong araw sa pinaggagagawa ng mga taong pumapasok sa aking silid. Sometimes Luna will visit and bring food for me. Sabi nila every woman's dream daw itong nararanasan ko ngayon, well I am not happy!
Mag isa ko na lang dito sa room. I am wearing a light yellow floral dress paired with cream flat sandals. I look at myself on the vanity mirror inside this closet. I can't see the old Sandeng anymore. Ibang-iba na ang itsura ko. Kahit ako di ko na makilala ang babaeng nakatingin sa akin sa salamin. Gusto ko na naman umiyak pero biglang may kumatok at pumasok si Luna.
"Geez, so lovely!" She exclaimed. "Lets go, everyone is waiting for you. Let's have our dinner."
Napilitan na akong sumunod kay Luna, nakita kong naghihintay na silang lahat sa hapag, ang mga bisita ni Altis ay mukhang natuwa at may paghanga sa nakikita nilang pagbabago ng itsura ko, I also heard Vera gasps and say "Gorgeous Zandy." Parehong nasa dulo ng lamesa nakaupo ang dalawang matanda, sa kanang bahagi ni Don Jandro nakaupo si Altis at sa kaliwang bahagi naman nito ako inalalayan ni Luna na umupo. Nakita kong tumabi na sa akin si Luna. Nakayuko pa rin ako.
"Look up straight Alezandra! Walang Monteclaro ang yumuyuko!" Don Jandro exclaimed. Lahat kami ay natigalgal. I looked at him and the people around me. Altis, Monti And Kaide just smiled at me. Tinanguan naman ako nina Nero at Alpha. I look at Neith, he is busy drinking his wine.
"Maganda talaga ang lahi ninyo panyero!" Don Nick chuckled to lighten the mood.
"Soon panyero this house will be full of good looking grand sons at daughters."
"Soon panyero, I can't wait."
Naguguluhan man sa usapan ng dalawang matanda, wala naman nang nagsalita sa amin, pulos sina Don Jandro at Don Nick ang nagpapalitan ng usapan, diskusyon about sa kani-kanilang business. Tahimik naman kaming lahat. Kahit yata kalampag ng mga kubyertos ay ayaw mag ingay para hindi maistorbo ang dalawang Don sa pagkukwentuhan. Hindi ko alam kung paano natapos ang hapunang pinagsaluhan namin, hindi ko nga rin alam kung paano ako kumain nang hindi man lang nalasahan ang mga pagkain sa plato ko.
Nasa terasa kami sa ikalawang palapag nina Luna at Vera, ang mga kalalakihan ay nasa sala sa baba, may mga seryosong pinag uusapan sa trabaho.
"Nasaan ang aking ina at kapatid?"
"I heard from Sir Jandro na pinahinto muna niya ang iyong ina at kapatid na magpunta punta dito sa mansyon." "I'm sorry Zandy, I know what it feels to be like this. I hope you will cope up easily. Be strong." Ani Luna
"Hey, smile ate Zandy. Ang ganda ganda mo pero napaka dark ng aura mo." Vera cheered "Kamukha mo na tuloy si kuya na pinaglihi sa kasungitan." She gigly added
"Ladies, Can I talk to Zandy?" malumanay na sambit ni Don Nick na bigla na lang dumating ng hindi ko namamalayan. Tahimik lang na umalis ang dalawang dilag dito sa balcony.
"Sir Nick, paano pong naging bestfriend kayo ni Lolo?" naguguluhan kong tanong sa matandang pinahalagahan at itinuring na kapamilya.
"It's a long story iha, It wont be long, you will know all the reasons why I did that thing." "I just want to say thank you for all the things that you did to me. Never kong naranas sa mga apo ko ang mga ginawa mo sa akin. Never silang naging at ease, nakipagkwentuhan at nakipagtawanan sa akin," malamlam na bigkas ng matanda.
"Mula nang namatay ang mga magulang nina Neith, I endure the loneliness alone. Iniwasan na ako ng mga apo ko. Nasasaktan ako sa pagiging cold nila sa akin, I can't blame them. I become over protective, I let them do all the things I want them to do. Neith hated me so much. At sa huling gagawin ko, I know he will hate me more." Naguguluhan at wala na akong maintindihan sa pag oopen ni sir Nick sa akin. Ang alam ko lang ay malungkot ang lolo ni Neith.
"I only want the best for my apo iha, you will help me. Whatever will going to happen, huwag na huwag kang bibitiw. Don't leave me. Don't leave us. Don't leave him. Bare with us. I like you iha. I want you to be part of us."
Ano daw? Hindi ba parang sobra sobra na ang nangyayari sa buhay ko sa araw na ito? Jampacked na! punong puno na ako! My God, parang lahat na lang binubuhat ko sa balikat ko. Hindi ko namalayan na umalis na sa aking harapan ang Don.
I went back at my room. I need to sleep. I need to rest. I need to mute my self around. My life is so full, full of sh!T.
_____________________________________
another UD for this day, subukan ko mamya kung makakapag UD ulit ako. focus muna ang inyong lingkod sa work, baka wala akong sahurin, pumayat na lang ako bigla neto.
ingat-ingat lang mga diwata, alam ninyo naman si covid, traydor!
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Ficción GeneralPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...