Prologue

30 1 0
                                    

Third Person Point of View

Sa simbahan ng San Sebastian, sa harapan ng altar.
"Sister pwede po bang mag kwento Naman kayo tungkol sa pag ibig na nabuo dito sa Simbahan?" Ani ng isang batang babaeng sakristan.
"Kayo talagang mga kabataan puro pag ibig Ang nasa isipan"
Natatawa nitong sambit
"O siya sige Ang kwento na mula pa noong chapel pa lang itong simbahan"

"Noon Hindi pa ganito kalaki at kataas Ang ating simbahan at puro lalake pa lang Ang pwedeng maging sakristan"

Taong 1969
"Inang bakit po ba laging may mga lalake na tumutungo dito sa ating palayan gayong Hindi Naman sila magsasaka?" Tanong ng batang babae sa kanyang nanay na nagsisiga
"Estrella, anak Bata ka pa para maintindihan Ang nangyayare"

"Ngunit inay Nakita Kong sinisigawan niya si itay"
"Narinig mo Ang usapan nila? Naku ka talagang Bata ka"
"Narinig ko po inay patawad po"
Nang Gabi ding iyon habang payapang natutulog Ang mag anak may kumatok ng napaka lakas na dahilan ng pagkalabog ng kanilang kubo.

"Inay ano pong nangyayare?" Nagising  Ang  batang babae sa ingay pati na rin Ang kanyang apat na kapatid, umiiyak na rin Ang sanggol na hawak hawak ng kanilang inay.
"Dito lang kayo! Itago mo Ang mga Bata tere" mahinang sambit ng kanilang ama.agad Naman silang itinago ng kanilang Ina sa isang malaking aparador na gawa sa kahoy maliit lamang Ang kanilang kwarto may maliit na butas sa aparador na Ito kahit na medyo malaki Ang aparador ay Hindi sila nagkasya apat lamang sila sa loob nito Ang dalawang nakakatanda niyang kapatid na babae at bunsong nilang limang buwang taong gulang pa lamang at Ang siyam na taong gulang na si Estrella sumama Ang panganay na lalake sa kanyang Ina ngunit bago pa maisara Ang aparador ay nahuli na sila ng tatlong lalakeng may hawak na itak.

May saksak sa braso at tagiliran Ang kanilang ama na pinipigilan na makalapit Ang tatlong lalake sa kanyang magiina ngunit Hindi na nito nagawa sa mabilis na pagsaksak pagtaga at paghila sa kanyang mga kapatid Isa lamang Ang nakaligtas at natira sa loob ng aparador.

Ang kanyang bunsong kapatid Ang kanyang inay,itay kuya at dalawang babae ay nakahiga na sa lapag puno ng dugo Ang katawan, Wala ng buhay nais lumabas ni Estrella  ngunit sinesenyasan siya ng kanyang ama na magtago muna hanggat di pa lumalabas Ang tatlong lalake.

Matapos Ang ilang minutong pagtatago at pagtangis ng walang ingay lumabas na Ang batang babae at  nasaksihan niya Ang karumaldumal na pagpatay sa kanyang pamilya. Hindi na niya naabutan Ang paghahabol ng hininga ng kanyang ama ni Hindi na niya narinig Ang pagiyak ng kanyang mga kapatid. Wala sa sariling umiiyak ang batang babae katabi ng bangkay ng kanyang buong pamilya, ni Hindi na niya nararamdaman Ang init na bumabalot sa nasusunog nilang tahanan. Nais na niyang masunog na lamang kasama Ang walang buhay niyang pamilya.

Dahil ano nga ba Ang saysay ng buhay kung Wala na Ang dahilan ng iyong paggising sa Umaga?

Pilit na gumalaw Ang kanyang kuya na nakahundasay sa sahig katabi ng kanilang Ina. "Es teng u-umalis ka n-na pa-para samin pa-parang a-www" Hindi na natapos na kanyang kuya Ang sasabihin dahil naubos na Ang lakas nito nakamulat pa Ang kanyang kuya ng mawalan Ito ng buhay. Hinawakan nito Ang mukha ng kanyang kuya upang pumikit Ito at tinakpan ng kumot Ang bangkay ng kanyang pamilya, Hindi nararamdaman ni Estrella Ang init at sakit ng mga tumatamang kahoy sa kanyang katawan.

Sa gitna ng dilim tumatakbo lang ng tumatakbo si esteng ng walang patutunguhan walang Plano at walang Alam na pupuntahan sa Di kalayuan ay tanaw Ang bahay nilang tinutupok ng apoy.

Napaluhod siya sa kakaiyak at naubusan ng lakas hanggang sa Di niya namalayan na nakatulog na siya sa gitna ng talahiban sa ibabaw ng maliwanag na buwan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Church do us ApartWhere stories live. Discover now