Gertrude's POV
Marahan akong napamulat ako dahil sa malakas na pagkulo ng tiyan ko. Gutom na gutom na pala ako, kahapon pa ako hindi kumakain dahil nakatulog ako kaagad sa kotse ni boss.
Napainat ako sa ilalim ng kumot at tinignan ang kwartong kinaroroonan ko. Biglang nanlaki ang mata ko no'ng marealize kong hindi ko kwarto 'to. 'Kwarto ni boss 'to, kama rin niya 'tong hinihigaan ko!' Madali kong naiangat ang kumot para tignan ang sarili ko. Kaagad naman akong napanatag no'ng makita kong naka damit ako kahit papaano, kaso hindi ko 'to damit.
Hinawi ko ang kumot na nakatakip sa kataawan ko. Nagulat ako dahil nakasako ang katawan ko, para akong nabalot ng sako dahil suot ko ang malaki, mahaba na tshirt niya. Umaabot ito sa tuhod ko, at ang sa braso naman, lumampas na sa siko ko. Ang laki ng damit niya tapos ang liit ng katawan ko, para akong nailagay sa itim na sako.
Napabuntong hininga na lang ako at 'di na pinansin ang ibang bagay. Kumukulo ang tiyan ko, pagkain ang gusto ko. Hindi ko na inayos ang sarili ko, hindi na rin ako nagsuot ng tsinelas at lumabas na ako ng kwarto deretso sa baba papunta sa kusina. Sa hagdan pa lang, naamoy ko na ang mabangong amoy ng pagkain na sa tinging ko ay kasalukuyang kumukulo sa kaldero.
Wala na akong inaksayang panahon at tumakbo papasok sa kusina deretso sa may lutuan. Nakita kong may kasalukuyang nag pla-play na cooking tutorial sa laptop na nakalapag sa working table. Nilapitan ko ang kaldero at sinilip kung ano yung naluluto. Bigla akong natakam no'ng makita ko, 'bulalo.' Gusto kong kumain, gustong gusto ko.
Inamoy-amoy ko pa yung ulam bago ko napagdesisyonang kumuha ng mangkok. Ini-off ko yung kalan at tinanggal ang takip ng kaldero. Do'n na umalingasaw ang mabango at masarap na amoy ng ulam. Malapad ang aking ngiti dahil sa wakas makakain na ako. Masiyado akong na-stress sa nangyari kahapon, muntik ng may mangyari sa akin.
Masaya akong sinimulan ang pagsandok sa karne, pero napatigil ako dahil biglang may tumikhim mula sa likuran ko.
"Ehem,"
Kaagad akong tumalikod at halos malaglag ang panga dahil sa nakikita ko. Dibdib, abs, muscles, gwapong mukha ang isang tatlong dangkal lang mula sa mukha ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko at napanganga na lang ako sa gulat. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kasabay ng paglunok ko ng libo-libong laway.
Si boss, wala siyang pang-itaas, at tumutulo ang mga patak ng pawis mula sa buhok niya. Nakatingin siya sa akin pababa, at malapad ang mga ngiti. 'A-ang h-h-ot n-niya,' saad ko sa isip ko. Pagpapawisan ata ako ng yelo sa lamig dahil sa lapit ng katawan naming dalawa. Ang lakas ng kabog ng puso ko, kinakabahan ako na parang ano. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano huminga dahil sa posisyon namin, nadadala akong mapatitig sa masculado niyang katawan.
Inilapag ni boss ang hawak niyang saucer na naglalaman ng isang slice ng cake at hinawakan ang aking pisngi para mas mailapit pa niya ako sa kaniya. "Good moring, beautifu~"
"What a pleasant surprise to see you, like this," singit ng isang malinis, at mahinhin na boses mula pintuan ng kusina.
Sabay kaming napalingon ni boss para tignan kung sino 'yon, at halos mapatalon ako sa gulat no'ng makita kung sino siya. 'Ang m-ma-mama ni b-boss.' Agad kong naitulak si boss papalayo at hinarap ang ina ni boss na ngayo'y iba ang tingin sa akin. Bakas ang anticipation at pagtataka sa kaniyang mukha habang naglalakad papalapit sa amin.
Natahimik kaming tatlo, at tanging ang tunog ng takong ni Na'am Astriea ang naririnig. Mas lalo naman akong kinabahan kaya minabuti kong yumuko na lang at hindi salabungin ang kaniyang mga tingin.
"What are you doing here, Astriea?" Malamig na saad ni boss sa kaniyang ina at sumandal sa sink.
"Visiting my son, but I am quite surprised to see you with this lady, and in this conditi~"
BINABASA MO ANG
The Bachelor
RomanceSa hindi inaasahan, muling nagtagpo ang landas ng dalawang taong may isang gabing nakaraan na nagbunga ng isang biyaya. Nagtagpo sa opisina, kung saan, siya ang boss at siya ang sekretarya, magkasamang numuhay sa iisang bubong sa ibang bansa. Mahuhu...