January 14 ; Park
Nash's POV
*click!*
"hindi ka ba nagsasawang magpa-picture saken o kaya manlang ay nasisilawan na sa flash netong instax na pinagipunan nating dalawa?" sabi ko sa bestfriend-slash-girlfriend ko na si Sharlene
"nope!" kinuha niya saken yung instax at nagpicture ulit kaming dalawa
"bakit naman?" sabi ko sakanya
"malalaman mo din yun! tara!" hinila niya ako at nagpatuloy kami sa pagppicture
**
"bukas na pala yung araw kung kelan tayo naging magbestfriends at magsyota noh? ano bang gusto mong gawin bukas?" sabi ko sakanya
"hmm.. gusto ko magpicture tayo ng masaya ah! atsaka ayoko ng malungkot bukas ah? walang iyakan dapat ah! kundi mumultuhin kita kapag namatay ako!" panakot niya saken
"aysows, bakit ka naman mamatay bukas? atsaka isa pa kung ano-ano ang pinagiisip mong babae ka kaya mas mabuting matulog ka na kasi gabing-gabi na" tiningnan ko yung orasan at 10:31pm na pala kaya hiniga ko na si Sharlene sa kama niya sapagkat nanghina siya bigla at pinaglaruan ko ang buhok niya pero nabigla ako kasi biglang nanlagas yung buhok niyang hawak hawak ko kaya tinigil ko nalang.
"basta tandaan mo na mahal na mahal kita ng sobra pa sa sobra! kaya kahit mawala na ako sa mundong ito, pumapayag ako na paltan mo ako sa babaeng kaya kang pasayahin pa kesa saken" nalilito na ako sa mga pinagsasabi niya, may tanan ba ang buhay niya at bukas na siya mamamatay kaya siya nagsasabi ng kung ano-ano katulad neto? pero sa pagkakaalam ko wala naman eh.
Nung december, sobra yung pagpapawis niya lalo na sa gabi kahit naka-aircon siya, minsan din nanghihina siya at parang forever na sila ng kama niya pero tumatayo siya at pumupunta kami kung saan at nagppicture kami gamit ang instax na pinagipunan naming dalawa, napansin ko na napayat siya kahit ang takaw-takaw niya naman tapos minsan nagkaka-red spots siya sa balat niya pero sabi niya rashes lang daw yun.
"matulog ka na nga lang" ngumiti siya saken at pumikit na
"sana buhay pa rin ako hanggang bukas ng gabi." rinig kong bulong niya pero hindi ko masyadong maintindihan
Itatanong ko pa sana kung ano yung binulong niya pero nakatulog na siya kaya tumayo na ako at lumabas na ng kwarto niya't dumiretso na ako sa bahay namin na katabi lang ng bahay nina Sharlene.