"You what?!" Nakakabinging sigaw sakin ni Kuya Brixz. I knew it. I knew it in the first place na magiging ganto ang reaksyon nya. What if malaman to nila mama? Damn it.
"Kuya......"
"What are you thinking Autumn?! Are you out of your mind?! Do you think matutuwa sila mama pag nalaman to?! Bakit ba hindi ka nag iiisip Autumn! Bakit!" Galit na galit na sabi sakin ni Kuya Brixz. Galit talaga sya lalo na Autumn ang tinawag nya sakin.
"Kuya wag mong sabihin kina mama please. Hayaan mo na. Kaya ko to kuya basta para sainyo. Konting tiis nalang kuya. Mailalabas na natin si papa" Umiiyak na tugon ko sakanya. Galit ang mga mata nyang humarap sakin. I saw his tears for the first time. Ngayon ko pang sya nakitang ganito. Umiiyak. Kahit pagkabata ay hindi ko sya nakitang umiyak.
"Bakit kailangan mo tong gawin Reyn?! Bakit kailangan mong sirain ang buhay mo! Bakit?! Tangina! Tangina paano mo to nagawa ha!? Diba sabi ko gagawa ako ng paraan?! Putangina Reyn! Putangina!"
"Kasi kuya wala na akong choice! Hindi ko kayang makita na nasa ganoong situwasyon si papa! Hindi ko kaya kuya! Hindi ko kaya!"
"Sana nagtiwala ka sakin Reyn! Sana nagtiwala ka sakin!" Malakas na sabi ni kuya dahilan para mapatigil ako sa paghikbi. "Kasi gagawan ko ng paraan diba?! Bakit hindi mo ako hinintay Reyn? Bakit hindi? Sana tinanong mo muna ako! Sana kinunsulta mo muna ako!"
"Sorry kuya. Sorry. Patawarin mo ako kuya. Patawarin mo ako" umiiyak na sabi ko sakanya. Niyakap nya naman ako ng mahigpit saka tiningnan sa mata.
"Kayanin mo ngayon ha? Gagawa ng paraan si Kuya para makuha kita. Tiis lang Reyn. Gagawa ako ng paraan" sabi nya saka ako hinalikan sa noo at saka ako tinalikuran.
"Patawarin mo ako kuya..." mahinang sabi ko bago ako pumasok sa loob ng mansion.
#MHPROLOGUE
I want to hear your tweets Vieyhuners! #MHPROLOGUE and don't forget to mention me alryt? @rvieyhun that's all i love youu yhuners!
YOU ARE READING
MANIPULATING HER (LEVRIOZO SERIES)
Romance"You're mine remember? Even your soul. You are mine. Only MINE. In and OUT you are mine"