Mark's POV
Habang nag lalakad ako papuntang classroom ko ay marami akong naririnig na mga babaeng bulong ng bulong. What's their problem? Hindi ko nalang sila pinansin since they don't matter.
"Mark!"
Sino naman kaya 'to?
"Mark!"
"What?!"
"Easy pare! Anong problema at mukha kang kakain ng tao?"
"Kasi naman, ang daming bulong ng bulong dyan sa tabi tabi! Sino ba namang hindi magagalit nun Patrick?"
"Eh di wow! Hahaha! Joke lang! Wag mo na kasing pansinin! Mga KSP lang yan."
"Yeah I know."
"Talagang tinuloy mo yung dare ng barkada ha."
"Di naman kasi mahirap gawin kaya ginawa ko na. And besides, they'll buy me an Xbox when I win. Kaya quits lang."
"Kung sabagay. Mahal nga ang Xbox kaya okay nga lang siguro."
"Sige na. Lalayas na ko. Susunduin ko lang girlfriend ko. Hahahaha!"
"Gago! Loko loko ka talaga Mark hahaha!"
Odette's POV
Baka ma-late ako! Susunduin pa naman ako ni Mark ngayon! Bakit ba kasi ako nakatulog? Bwisit na math kasi yan eh. Ang kelangan lang naman dyan yung addition, subtraction, multiplication at division! Bakit pa hinaluan ng letters! Hay. Anyway kelangan ko na pumunta sa gate. Pagkadating ko doon nakita ko na si Mark. Kinawayan ko na siya. Buti naman napansin niya ko.
"Sorry nalate ako. Nakatulog kasi ako sa klase eh hahaha."
"Tulog ka kasi ng tulog eh hahaha." Tapos ginulo niya buhok ko.
"Wag kasi yung buhok ko hahaha. Mukha na nga kong baliw eh haha." Sabi ko naman habang naka pout.
"Kahit mukha kang baliw maganda ka parin sa paningin ko syempre." Sabi ni Mark sabay kindat.
"Bolero! Tsk!"
"Hahaha maka bolero ka ah. Bakit? Hindi ka maganda?"
"Aba aba! Maganda ako no! May problema ka dun?" Tanong ko sakanya habang nakataas yung isa kong kilay.
"Yun naman pala eh. Maganda ka. Syempre wala akong problema sa kagandahan ng mahal ko!"
"Bolero talaga!" Sigaw ko sabay kiliti sakanya sa tagiliran. Kinamalasmalasan wala siyang kiliti.
"Kala mo may kiliti ako no? Hahaha! Patay ka sakin ngayon! Bwahahaha!" May pa evil evil laugh pa siya ah!
"Baka mahuli mo ko? Hahaha kahit ganito ako mabilis ako tumakbo!" Pag yayabang ko naman. Nakakainis! Ang yabang ko hahaha!
"Teka teka! Sino ba pangbato natin sa track racing? Diba ako?" Sabi ni Mark na naka smirk.
Shit bakit di ko naalala? Kayabangan mo kasi Odette eh! Ang yabang yabang mo tapos wala ka pang binatbat sa huli! Kalokohan ka talaga!
"Oo nga no? H-hehehe sorry! Peace na tayo?" Siomai! Malakas pa naman kiliti ko sa tagiliran! Patay kang babae ka!
"Takbo na. Bibigyan kita ng 5 seconds para makatakbo."
Tinignan ko muna yung kapaligiran. Buti nalang may cr ng mga babae! Bwahahaha! Tignan lang natin Mark kung makakapasok ka dun bwahahaha!
"5."
"Wait!"
"4."
Takbo na ko kagad ng mabilis na mabilis.
"3."
"2."
Malapit na ko! Malapit na!
"1!"
Yes! Nakaabot ako sa cr! Bwahaha!
"Ang daya mo Odette! Bawal dyan!" Sigaw ni Mark habang naka pout. Hahaha! Ang cute niya!
"Bleeeehhh! Talo ka no? Hahaha!"
"Bahala ka. Hindi ka naman forever dyan sa cr eh. Lalabas at lalabas ka rin dyan bwahahaha!" Confident na confident ang lolo niyo!
"Pano kung hindi?" Paghahamon ko pa.
"Siguraduhin mong hindi ka lalabas dyan ha? Pag ikaw lumabas, you're dead meat Odette." Sabi naman ni Mark.
Odette naman kasi eh bakit ang yabang yabang mo? Ayan tuloy. Patay ka mamaya.
"Lalabas ka dyan o lalabas ka dyan?" Tanong ni Mark. Aba! Loko 'to ah! Pinapili niya pa ko!
"O nalang sagot ko hahaha!"
"Tatawa na ko nyan?" Sabi ni Mark habang nakataas yung kilay.
"Kung gusto mo lang naman." Di ka nalang sumakay eh no?
"Sorry na. Nakasimangot ka na eh." Sabi ni Mark.
"Bleeeh!"
"Ay ang bad. Inaaway mo ko."
"Ako pa talaga yung nang aaway ah."
"Oo kaya! Sinusuyo na nga kita ganyan ka pa." Sabi ni Mark habang naka pout.
"Sorry na."
"Dapat may kiss para bati na tayo." Hiling naman ni mokong.
T-teka?! K-kiss?! Hindi pwede! Kaso mag tatampo naman si Mark. Anong gagawin ko?! No choice! Kikiss ko nalang siya sa cheeks. Tinignan ko si Mark na naka pout parin hanggang ngayon. Ang cute niya talaga! Kaya hindi ko na natiis at pumunta ako sa harap niya at hinalikan ko siya sa cheeks.
"Bwahahaha! Huli ka Odette! Bwahahaha!"
Lumaki yung mga mata ko. Oo nga no?! Patay talaga ako! Huhuhuhu!
"Sorry na! Hindi k-ko na uulitin! Spare me oh great one!"
"Hindi gagana yan sakin Odette! Bwahaha!"
"Uuuwwwaaaahhhh!!! Sorry na Mark! Di na ko mag mamayabang! Promise! Please pakawalan mo ko huhuhuhu!"
"One condition."
"Ano yun?"
"Kiss sa lips." Sabi ni Mark habang tinuturo niya yung lips niyang naka pout.
"Kahit ano wag lang yan!"
"Ayaw mo ko ikiss? Ayaw mo sakin?"
"Hindi naman sa ganun! Ano kasi ehh aahh... Ano.... Basta! Bawal eh."
"Bawal? Weeeehhh?"
"O-oo nga!"
"Bakit namumutla ka?" Sabi ni Mark habang naka taas yung kilay.
"B-basta nga kasi! Ang kulit!" Hala baka malaman niya yung sikreto ko!
"Siguro hindi ka marunong mag-"
"Hep hep hep! Wag mo matuloy tuloy yang sasabihin mo kung hindi masisira kinabukasan mo Mark!"
"Kaya mong sirain ang kinabukasan ko? Paano aber?"
"Aba ingat ingatan mo yang alaga mo dyan. Baka may maka sipa dyan ng malakas!"
"Walang ganyanan Odette! Masakit yun! As in!"
"Oh? Ngayon ganyan ka? Hay nako! Wala ka pala eh!"
"Anong wala? Iba yung sitwasyon mo no!"
"Oy hindi ah!"
"Oo kaya! Sakin oral sayo physical!"
"Odette!" Biglang may tumawag sakin nakita ko si Josh. Papunta saming dalawa ni Mark. Bigla akong hinila Mark at hinalikan.
H-huh?! Wait! H-hinalikan?! Anyareh?! Tapos nakita ko si Josh na lumalakad paalis. Bakit parang kinakabahan ako dahil nakita kong paalis si Josh? Nakita ba niya yung kiss?
~End of Chapter~
Guys! Sorry late UD at maikli pa. Bawi ako sa susunod! Promise! Ngayon lang ako mag rerequest nito! Kelangan ko po ng at least 7 votes and 4 comments :) please po pag bigyan niyo na ko XD
-Author D

BINABASA MO ANG
You and Me Best friends Forever
Teen FictionPlease read my story!! :D pafollow na din po, follow ko din po kayo ASAP :D ^_^