Sobrang papawis lang at parang wala ng bukas ang pag work out. Ok lang kahit laging me training. Kahit saglit, makasama ka lang.
"Jovs di ka pa rin tapos?" sigaw ni Aly mula sa locker room. "Nakaligo na ako. Kala ko ba sasabay ka?" dugtong nya.
"Eto na po, anjan na" sagot ko. Bakit kasi halos dalawang oras na akong ngwowork out, d man lang sumipot. Pangako laging napapako. Eh bakit ba kelangang asahan ko pa yun. E wala namang dapat asahan dahil walang patutunguhan. Dumiretso na ako sa shower room at nagmadaling buksan ang shower ng biglang...
"Hi aly, dito ka pala? D ako nakahabol. Si Jovs?" Bati nito ke aly.
"Oh ate chel, kanina ka pa naming inaantay. Nasa shower na si Jovs" sagot naman ni aly.
Pagkadinig ko sa kanilang pag-uusap, nagmadali na ako at hinablot ang towel ko.
"O tapos ka na pala, tara breakfast tayo. Si Chris nasa labas." Biglang aya ni ate chel.
"Wow, sige basta treat nyo!" singit ni aly
Haiz naman. Gusto ko sanang tadyakan si aly para hindi sumama kaso bigla itong tumalikod at inayos ang gamit nyang ngkalat sa sahig. Di nalang ako umimik at tumango nalang ako. Kung pwede ko lang sana bawiin kesa magmukang OP lang ako sa harap nila. Kilala ko naman si Chris, masugid na manliligaw ni ate chel. Madalas din kaming mgkasama dahil lagi ngang buntot ni ate chel kahit saan kami magpunta. Dati okey lang pero ngaun parang d ko na feel na makitang magkasama silang dalawa. Ewan ko ba basta ayaw ko na.
"Girls tara, pancake house tau" ngiti ni Chris sabay bukas ng pinto ng sasakyan nya.
"Dun na kami ni aly sa car nya." Sagot ko biglang hatak sa kamay ni aly para di na umalma pa. "Oo, susunod kami sa inyo"
"Ha?... ..eh..sige" sabi ni ate chel na nabigla sa sinabi ko. Kaya hinatak ko na si aly papalayo sa kanila.
Habang palayo na kami, hawak ko pa rin kamay ni aly ng bigla na siyang ngpumiglas, "Teka nga, bakit di pa tayo sumabay dun?" tanong ni aly. "Dati naman nakikipag unahan ka pang sumakay sa magarang sasakyan ni Chris e bakit ngaun ayaw mo na"
Tahimik lang ako sa paglalakad habang patuloy lang sa pagsunod sa akin si aly, "Aha alam ko na! Dahil alam mong malapit ng sagutin ni ate chel si Chris, umiiwas ka na? Dahil??? Dahil me gusto ka sa kanya? D ba? Tama ako? O ano?" Sabay hawak sa braso ko para tumigil ako sa paglalakad.
"Ano bang sinasabi mo? Baliw ka talaga! Ako me gusto ke Chris? Wala kaya" Biglang pinihit ko ulo ko para di nya makita reaksyon ko.
"Hahahaha" Tawa ni aly ng pagkalakas lakas. "Ano ka aba, di naman si Chris?"
Di ko maintindihan kung ano talaga tinutumbok ni aly pero bigla rin akong natigilan. Feeling ko namula mukha ko na d ko maiwasang d mapakita sa kanya. Simula nga ng lagi ng mgkasama si ate chel at Chris, d ko mapigilan ung ganitong pakiramdam. Na parang nagseselos ako. Pero kanino? Sinong pinagseselosan ko at bakit ko kelangang magselos.
" O bakit ang pula mo?" tanong nito. Me sasabihin pa sana siya pero bigla din itong natigilan. "O cya di na kita kakantyawan pa. Ramdam kita fren." Paliwanag nya sabay akbay sakin patungo sa sasakyan nyang nakapark malapit sa gate.
Buti nalang at umayon ang sitwasyon sa kagustuhan ko. Pagkarating naming sa pancake house, sya naman pagdating ni Coach Roger at tinawag kami ni Aly para dumiretso na sa training venue. As usual, eat and run ang ngyari. Di na rin kami nakapagkwentuhan ni Chris gawa ng pinamamadali na kaming sumunod sa gym para simulan ang try out sa U23 Volleyball. Mabuti at nakikisama ang mga ganitong pangyayari sa nararamdaman ko.
Lumingon ako ng bahagya para masilayan lang siya kahit saglit.. Alam kong nakatingin din siya at me nais ipahiwatig pero hindi ko lang maintindihan kung para sa akin ba talaga ang mga titig na yun o namamalikmata lang ako. Na sadyang nagpatigil ng pagtakbo ng mundo ko. Parang me humagip na hangin sa tenga ko ang mga salitang "Jovs, hintayin mo ko".