"Ayos ka na ba diyan? Wala ka na bang ibang kailangan?" nag-aalalang tanong ni Shanaya sa lalaki na ngayon ay nakahiga sa sahig ng kwarto niya.Tumingala ito sa kaniya at nginitian siya. "Oo naman. Pasalamat pa nga ako na dito ako pinatulog ng ama mo kaysa sa labas." sagot nito na dinugtungan nang pagtawa.
Nasa kwarto ng babae silang dalawa. Katulad nang sinabi ng ama ni Shanaya ay dito nila pinagpalipas ng gabi ang lalaki. Pinakain na din ito kanina para mabawi ang lakas dahil sa mga nangyari sa abandunadong bahay.
"Sayang lang at hindi kita mahalikan." sunod na sabi ni Andrew.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Shanaya.
"Nasa bahay niyo tayo. Baka mahuli tayo ng ama mo, malalagot ako."
Napatawa ng mahina si Shanaya. Alam niya kung bakit nasabi iyon ng lalaki. Nasa bahay nila sila kung nasaan ang mga magulang.
"Pwede mo naman akong halikan, wag lang tayong mag-iingay para hindi magising sina ama." pilya niyang sabi.
Napatawa din si Andrew sa pagiging pilya ng babae. Tumayo siya sa sahig at sumampa sa kama ng babae. Umusod si Shanaya sa unahan ng kama upang mabigyan ng espasyo sa pag-upo ang lalaki.
"Talaga mahal?"
Tumango si Shanaya. Hindi inaalis ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. Hindi niya inakala na darating pala silang dalawa ni Andrew sa ganitong sitwasyon. Na ipagtatanggol siya ng lalaki kahit kapalit niyon ay sarili nitong buhay. At ang dating pinapangarap niya lang na mahalin siya nito ay nangyari na nga. At ngayon nga ay masayang magsasama sa kabila ng mga pinagdaanan nila sa buhay.
Naglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa magdugtong ang kanilang mga labi. Tinugon ang halik ng bawat isa na may kasamang pagmamahal.
"Magpakasal na tayo Shanaya." saad ni Andrew pagkahiwalay ng kanilang mga labi.
Siya naman ay gulat na tumitig sa lalaki. Kanina lang sila nagkaaminan, ngayon ay inaaya na siya nito na magpakasal.
"Andrew, kakaamin lang natin kanina sa isa't-isa at ngayon ay inaaya mo na akong magpakasal. Hindi ba parang masyado kang nagmamadali." sabi niya.
"Shanaya, alam kong alam mo na may nararamdaman ako sa'yo matagal na, at ganun ka din sakin. Hindi lang natin agad iyon maamin dahil parehas tayong natatakot kaya bakit pa natin papatagalin. Pero kung ayaw mo pa talaga ay hindi kita pipilitin. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal para sa'yo, mahal." malambing na ani ni Andrew.
Niyakap niya ang lalaki. "Payag ako. Payag akong magpakasal sa'yo, Andrew." bulong niya. "Ang kinababahala ko lamang ay sina ama. Paano kung hindi pa sila pumayag sa gagawin natin. Ayaw ko silang magalit sa'tin."
Kumalas ng yakap si Andrew at hinawakan ang kaniyang mukha. "Huwag kang mag-alala. Bukas na bukas din ay kakausapin ko sila sa balak natin pagpapakasal, mahal ko."
Doon lang napanatag ang kaniyang kalooban. "Maraming salamat, mahal ko."
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik na si Andrew sa higaan niyang nasa sahig. Bago tuluyang humiga ay nag-iwan pa ito ng isang mensahe sa kaniya na ikinainit ng kaniyang pisngi. Kagat ang ibabang labi na humiga si Shanaya sa sarili niyang kama at pinilit na matulog habang dala sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang mahal.
------
Sa tulong nang tiktalaok ng manok ay nagising si Shanaya ng umagang iyon. Umupo siya sa kaniyang ama at hinanap agad ng kaniyang mga mata ang lalaki.
Ngunit malinis na sahig ang kaniyang nakita nang tumingin siya sa ibaba. Wala na ang bakas ng lalaki na natulog doon. Ang mga pinanggamitan naman nito sa pagtulog ay maayos na nakasalansan sa may gilid, ang unan at kumot.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao (Completed)
FantasyIsang makisig na lalaki sa gitna ng gubat ang natagpuan ng dalagang nagngangalang Shanaya. Anyo nito na pumukaw sa mata at hinangaan agad ng babae. Anyo na walang ibang kawangis at madaling makahalina. Paano kung sa anyong iyon ay may kumukubli pa...