"Ate, kailan ang alis ninyo?"
"After ng New Year Celebration Andeng." Malungkot kong tugon sa aking kapatid. After ng party ay nagkani-kaniyang uwi na ang mga bisita ng Kuya Altis. Nagpaalam sa akin sina Luna at Vera. Iniwan nila ang kaniya-kaniyang CP number para matawagan ko sila kung nais ko raw nang kausap. Si Don Nick ay maghihintay daw sa aking pagdating sa mansion ng mga Monteclaro sa Manila. Si Neith ay hindi ko na nakita after kaming ipakilalang engaged sa party.
Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring inaarok kung ano talaga ang nangyari noon sa party. Bakit humantong sa ganuong bagay ang pagpapakilala lang dapat ni lolo Jandro sa akin bilang kaniyang Apo. Being a Monteclaro is like a burden to carry! Gumanda ba ang buhay ko? Ito ba ang masaganang buhay na sinasabi ng senyor sa akin? Ito ba ang mga bagay na ikakasaya at ikaliligaya ko? Kung isa man itong bangungot sana naman ay sampalin na ako nang ako ay magising!
Handa na ba akong mag-asawa? Si Neith, handa na ba siyang tanggapin na ako ang magiging bride niya at hindi si Velma na kaniyang girlfriend. Nakita ko sa kilos ni Neith na napipilitan lamang ito, natatakot ako sa mangyayari? Magpapakasal ang isang tulad ni Neith sa isang simpleng tulad ko? Oo nga't isa na akong Monteclaro pero hindi maikakaila na una akong nanggaling sa putikan. Ikakasal kaming walang pagmamahalan na namamagitan..
Alam ko sa sarili ko na may munting paghanga sa puso ko para kay Neith. Pero sapat na ba iyon? Oo gusto ko si Neith, gusto ko siyang nakikita nang madalas. Gusto kong naririnig ang buo at baritono niyang boses. Kinagigiliwan kong titigan ang tamad at malamig niyang tingin. Gusto kong malaman ang mga bagay tungkol sa kaniya at makilala pa siya nang lubusan, pero masasabi ko na ba na mahal ko siya? At kung tunay nga na mahal ko na siya, anong matatawag sa magiging relasyon namin? One sided love story?
Pinagbigyan ako ng Don na makasama ang aking ina at kapatid kaya naman mula noong pasko ay dito na ako namalagi sa aming munting tahanan at kasama ko rin sa pagsalubong sa Bagong taon ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. Alam na ng aking ina at kapatid ang engagement na nangyari sa party. Muli nakita ko ang hinagpis ng aking ina. Nasasaktan ito para sa akin, alam niya na sa loob-loob ko ako'y lumuluha. Pilit akong nagpapakatatag, ayoko nang makitang nasasaktan si naynay sa kinasadlakan ng buhay ko.
"Nay gagawa ako mamya ng rice cake. Dadamihan ko ng gata at hahaluan ng pulot para tama lang ang tamis." Nakangiti kong turan.
"Malamang natatakam si tatay sa langit sa gagawin mong rice cake ate."
"Naku, namimiss din nun ang pag inom ng lambanog!" natatawang buska ko.
Nabigla kami sa pagbunghalit na iyak ng aking ina! Dali-dali kaming magkapatid na tinungo ang naynay at sabay na yumakap sa kaniya.
"Diyos ko! Bakit ang anak ko?" mula nang namalagi ako dito ay bigla na lang iiyak at ngangawa nang malakas ang aking ina. Sinabihan ko pa nga siya noong una na nakakapangit ang pag iyak.
"Nay, anu ka ba? Hindi ako mamamatay." Mahina kong tawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman ni naynay.
"Oo nga naman nay, ikakasal lang ang ate. Gwapo kaya ni Neith." Napipilitang biro din ni Andeng.
"Ang bata bata mo pa Sandeng, ang dami dami mo pang pangarap sa buhay."
"Nay, kaya ko ito! Anu pa't naging ina ko si Maria Kassandra Gamueda kung hindi ko makukuha ang katapangan nito!" bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Naynay naman, magbabagong taon na, nagdadrama pa tayo!" pakwelang bigkas ng kapatid ko.
"Nay hindi ko naman hahayaang api-apihin ako ng mga tao sa paligid ko, tayong mga Gamueda ay tunay na magaganda at matatapang. Kaya huwag kang mag-alala sa akin!" "Mata lang nila ang walang latay!"
Nailing na naiiyak ang naynay. Mahigpit kong iniyakap ang aking sarili sa dalawang taong nagbibigay sa akin ngayon ng lakas ng loob. Kakayanin mo to Ma. Alezandra! Kasal lang yan! Si Neith lang yun! Oh God, I may look tough in the outside but slowly I want to give up. Help me please. I am not prepared to die inside.
"3, 2,1!!! Happy New Year!!!!!!" kakalimutan ko muna lahat nang bigat na dala-dalahin ko! Ilalaan ko ang buong atensyon ko sa aking ina at kapatid. Ibabalik ko kahit ngayon lang ang dating Sandeng na masiyahin! Madaling matuwa sa mga simpleng bagay sa aking paligid. Yung Sandeng na hindi iniisip ang anomang sasabihin o bilin ng Senyor Jandro! Yung Sandeng na isang Gamueda at hindi isang Moteclaro!
"Happy New Year Andeng!" sabay yakap sa kapatid ko ng mahigpit! Sobrang higpit din ang isinukling yakap nito sa akin. Parang takot na takot ito na mawala ako bigla.
"Happy New Year Ate!
"Happy New Year Naynay!" binigyan ko siya nang isang matunog na halik sa pisngi at mainit na yakap na tinugunan din ng aking lumuluhang ina. Ang pagmamahal ng mga ito ang magiging baon ko upang palagiang maging malakas at maging matibay sa bagong hamon na susuungin ko sa buhay.
------
"Nasaan ang Naynay?"
"Nanduon sa kumedor ate, nagliligpit, pinaalis niya ako roon para manuod ng mga kwitis dito sa labas."
"Andeng, ipangako mo sa akin na hindi mo iiwan at pababayaan ang naynay?" naluluha ko na namang turan sa aking kapatid.
"Ate?" kagat labing nagpipigil na naman ito ng iyak.
"Hindi na tulad ng dati ang buhay natin. Kaya simula ngayon ipangako mo na ikaw na muna ang tatayo sa lugar ko."
"May ibinigay sa akin ang Senyor na atm card, allowance ko daw. Buwanan kitang padadalhan upang magamit mo sa pag aaral." "huwag na huwag mong sasabihin ito kay naynay." Tango lang isinukli sa akin ni Andeng.
"Hindi ko alam kung kalian ako makakabalik muli dito sa atin, pero pipilitin kong makauwi." "Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon upang walang masabi ang Don at mapagbigyan ang aking hiling."
"Huwag ka munang mag-aasawa ha?" biglang garalgal ng boses ko. "Huwag mo akong gagayahin" "Si naynay baka mapaano na kapag ikaw naman ang mawawala sa kanya." Hagulhol kong iyak.
"Bukas na ang alis namin. Bukas haharapin ko na ang buhay ng isang Monteclaro."
"Mahal na mahal ko kayo ni Naynay! Kung nagkulang man ako bilang isang anak at bilang iyong ate, pilitin mo itong punuan Andeng."
"Kahit malayo ako, hinding hindi ko kayo pababayaan ni naynay." Sabay kong hinila palapit sa umiiyak na si Andeng at mahigpit itong niyakap.
___________________________
magdrama muna tayo ngayon, sa susunog mga after 2 chapter eh medyo sexy na ang usapan!! kayanin ko sanang masulat ang sexy time nina Neith at Sandeng!!!
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Aktuelle LiteraturPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...