Thorns between dreams

28 2 0
                                    

"Anong gusto mo paglaki Josh?"

"Gusto ko pong magkaruon ng maraming pera mama para po may handaan na sa tuwing birthday ko po!"

Ito ang palaging tanong ni mama saakin tuwing birthday ko pagkatapos naming  magsisimba sa Saint Cathedral Church kasama Iang mga kapatid ko at si mama at yan ang tanong niya saakin at yan rin palagi ang sagot ko.

Every since naisilang ako sa mundong ito ay nakagisnan kona ang hirap sa buhay. Si mama lang ang tumataguyod saaming magkakapatid. Hiwalay na sina mama't papa at kay mama kami napuntang magkakapatid, wala narin akong balita kay papa sa tagal ng wala si papa ay di kona natatandaan ang mukha nito. Kaya kaming magkakapatid at tinutulungan namin si mama sa gawaing bahay sa halip na laro ang inaatupag namin ay gawaing bahay ang kinababahalaan at pag-aaral namin.

"Hoy! Josh!"

Agad naman nahinto ang pagdadaydream ko. Shek. Sakit non ah!  nilingon ko naman si luis na kasalukoyang nasalikuran ko sinamaan ko ito ng tingin at ningisihan lang ako nito. 

"Ano ba?" Iritang tanong ko sakanya

"Hoy! Kanina kapa tinawatag ni Kuya John noh!" Sagot nito at tinuro si Kuya John na nasaaming harapan.

Ay tae. Oo nga pala andito ako ngayun sa comshop kung saan ako nagtatrabaho.

"Ah, Kuya John! Ano po yun?" Masigla kung tanong kay sakanya.

" Tsk. Tsk. Aga mong mag daydream Josh! Si Sarah nanaman yang inisip mo noh?" Tanong nito saakin.

Sarah? Sino yun? Aaayts. Sarah pala pangalan nun? Oresco lang alam ko nun eh. Sarah Celestine Elly Oresco ang napagandang babae saaking paningin. Ang Ganda ng kanyang mga mata, makinis at katamtaman rin ang tangkad nito. Ang kanyang mahabang kulot na buhok ay siyang nagpatinag saakin. Oo tama kayo. May Crush na crush ko yung Sarah nayun. Hehehehe

" Nako di ah, may naisip lang. Ano po bayun kuya?" Pang iiba ko ng topic hhehe baka kako san namapunta ang usapan.

" Ahm, sus kung alam ko lang nililigawan mo nayun saisipan mo Hahahahha maiba ako may lakad kaba mamaya? Samahan mokong mag ayos sa parts sa Tarlac mamaya"

" Wala naman po kuya. Sige po sasama po ako" agad ko namang sagot sakanya.

Sa tagal ko nang namamasukan kina Kuya John ay para narin ko siyang kuya. Sa pamilyang Cajeana ay siya ang close ko. Sa kanila rin ako nakatira simula nung namamasukan ako sakanila bilang boy nila.

"Josh diba Birthday mo ngayun?" Tanong ni Tita Joan, mama ni Kuya John . Andito kami ngayun sa hapag kainan pagkatapos nmin pumunta sa Tarlac kanina.

"Po? Ah ganon na nga po hehehe" ngisi kung sagot kang ante, nagdadalawang taon na akong naninirahan sa kanila at apat na taon naring simula nung umalis ako sa bahay. Sa loob nang dalawang taon ay parang pamilya narin ko sila at tinuturing narin akong isa sa pamilya nila.

"Ilang taon kana ulit?" Tanong naman ni Kuya John saakin

" 19 na kuya" nakangising sagot ko sa kanya

" Magcocollage kana why don't you take a marine gaya ni Kuya John mo" suggestion naman ni Tito Eric saakin

Marine? Ayoko! iba ang gusto. At ang layo ng Marine sa gusto ko

"Ahh tito, gusto ko po kasing kumuha ng psychology" sagot ko naman

"Ahh ganon ba?" Sagot naman nito

Pagkatapos ng usapang iyun ay dina rin naulit ang usapang pagco-collage ko naging masilan narin ang pakikipagtungo ni Tito Eric saakin minsan narin kaming mag-usap ngunit ukol lang ito sa comshop at wala ng iba, alam ko kung bat naging ganito si tito saakin. alam kung nadismaya ko siya. alam kung masama ang loob nito saakin. Pero anong magagawa ko? Malayo talaga sa puso ko ang pagiging Sea-man. Pinag-aral ako nila, pina kain kaya laking pasasalamat ko sakanilang pamilya. Ngunit yung tipong papasukin nila ang pangarap ko ay iba na ang usapan nayon.

Thorns between DreamsWhere stories live. Discover now