<He's POV>
Mag-aala una ng tanghali, ang cafeteria siksikan.
Nagkakagulo ang mga tao. siksikan sa mga stalls. Akala mo lahat hindi makakakain. Nagsisingitan sa pila. Halos magkapalitan na nga ng mga sarili sa sobrang siksikan. May nagkakabungguan, may ilang nagkakasagian na sa sobrang siksikan.
kung hindi lang ako naghahabol ng oras, nakng.... di ako dito kakain. Ang kaso isang oras na lang magsisimula na ang sunod kong klase. Monday kasi at panghapon ang klase ko kaya naman gantong oras ang break time.
tiyak na mahuhuli ako sa klase kapag naginarte pa ako. Wala naman pake ang mga prof kung mahuli ka, ayoko nga lang mahuli sa kung anong lessons.
Naghihintay na saakin ang mga kaibigan ko sa classroom, hindi ako nakasabay. Hindi ako pwedeng mahuli, usapan na ng tropa na medyo aga-agahan ang dating para makapagkwentuhan. Baka ako nanaman ang pagtripan kapag nagkataon. Hindi na nga ako nakakasama kapag tapos ng klase dahil sa layo ng uuwian ko.
Tumutulo ang pawis ko kahit na naka-aircon nnaman dito sa cafeteria, sadyang marami lang talagang tao kaya hindi malamig ang lugar. limitado ang galaw, dahil sa sobrang daming tao. Nakakagutom na ang amoy ng mga pagkain na naghalo halo sa buong lugar. Dahil sa sobrang tao at siksikan pa, bawat dumadaan na malapit saakin amoy na amoy kung anong putahe.
Pasulyap sulayap ako sa isang mesa sa loob ng cafeteria. Nakakainggit naman ang grupong to. Nakuha na nila yung order nila, samantalang ako heto naghihintay pa sa order ko.
Galing pa ako sa library, may hinanap lang sglit na libro. Buti pa nga doon malamig, pero talaga nga namang nakakamatay dito sa mapua. yung tipong vacant mo na sana at pachill chill ka hindi mo magawa kasi pati vacant mo kinakain ng mga schoolworks mo.
Napatuwid lang ako ng tayo ng tinawag na ang number na hawak ko. may nagkabungguan pa nga paglapit ko dahil sa dalawang taong nagtatawanan, nagbibiruan ata.
hindi ko na sila pinansin at patuloy na lumapit sa may counter para kunin ang order ko. at sa pagatras ko para umalis hindi ko inaasahan na may makakabunggo ako.
"ay sorry po....." napatitig ako sa mukha ng babaeng nakabangga ko. pero mabilis din siyang nawala matapos namin magkabungguan. hindi ko gaanong matandaan ang itsura niya kahit na panandalian akong napatitig. sa tantya ko, may kaliitan ito, itim na itim at unat na unat ang buhok nito base sa pagkakalugay. Kaso medyo hindi ko napansin ang kanyang mukha ng mabuti.
Kunot-noo akong nakatitig pa rin sa direksyon kung saan siya naglaho sa dami ng mga tao. Tumingin ako sa iba direksyon baka sakaling makita ko siya ulit pero hinde. Kung hindi lang muntik na matabig ang dala dala ko hindi pa sana ako babalik sa realidad. nakng... kakaiba ang babaeng yun.
Bahala na. hindi ko na ulit makikita yun kaya hindi ko na iisipin pa.
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na palabas ng cafeteria. Nagmadali na ako dahil kung magmamabagal pa ako baka hindi na ako makakain, sayang ang binili ko.
Ilang araw ang lumipas, thursday na. medyo maluwag ang oras ngayon, ayos lang magchill chill lang dahil wala naman gaanong gagawin.Kakatapos lang ng P.E namin. Masyadong nakakapagod ang match namin sa basketball ngayon, hindi ako marunong pero kaya naman makasunod para matuto. Nagyaya ng umalis ang tropa pagkatapos ng laro. Nagutom daw sila sa naging laro namin, sabagay nakakagutom nga naman kasi. Nagdiretso kami sa cafeteria, gutom daw talaga sila, kaya naman heto kami naghahanap ng mauupuan para makakain at makapagpahinga saglit bago umakyat para sa sunod na klase.
Nang makakita ng mauupuan, napalinga linga ako sa kung saan saan para magtingin kung anong gusto kong bilhin. Nahagip ng mata ang likod ng isang babae, naalala ko yung nakabunguan ko nung nakaraan. Napangiti ako ng hindi ko alam.
Lalapit na sana ako para doon din bumili pero bigla itong humarap. Medyo nawalan ako ng gana mali pala hindi siya... Hindi ko man gaanong maalala ang mukha niya pero nasisigurado kong hindi siya to, pareho lang sila kapag nakatalikod. Itim at unat na unat ang buhok.
Napailing na lang ako dahil sa dismaya. Napasalubong ang kilay ko dahil sa malalim na kakaisip sa babaeng nakabungguan ko nung nakaraan.
Isinawalang bahala ko na lang tutal ay wala ng pag-asa na makita ko siya ulit. sa lawak ba naman ng mapua, baka nagkataon nga lang talaga ang lahat.
Pero alam kong hindi ko maiiwasan na hindi siya maisip. May kung ano sa sistema ko na nabubuhayan kapag may nakikita akong kagaya ng likod at buhok niya. para bang hinahanap hanap ko siya kahit pa mali kasi hindi ko naman talaga siya kilala.
Grabe yung impact sakin ng bungguan namin, para bang naging dahilan pa yun para unti unti akong macurious sa buong university. maaring makita ko siya, hindi man direktang hinanap baka malay ko bigla ko na lang siya makasalubong sa hallway ng hindi inaasahan. o kaya naman kapag nakatambay kami sa rooftop or library bigla ko siya ulit makita. maraming maaring mangyari para lang magtagpo ulit ang landas namin.
Sana pala di na lang ako nacurious....hindi nagpadala sa kung anong nais ng damdamin...dahil...hindi na pala ako makakabaahon sa pagkakahulog...
I coudn't believe that a simple tragic story could make me deeply drown with it.
YOU ARE READING
Fall for you
RandomNagkabungguan ng di inaasahan Yung tipong pahulog ka na Pero mali ng huhulugan Imbes na sa sahig Sakanya.