January 10..
[JACE's POV]
"Brad, pwede ko na bang tanggalin piring ko sa mata?" tanong ko kay Seb. Hanggang ngayon naglalakad pa rin kami wala ata tong sense of direction tong taong to.
"Manahimik ka nga Lee. Malapit na oh."
"Makipag-usap ka sakin parang may nakikita ako. Langya ka."
Bigla siyang huminto at dahan dahang tinggal ang piring ko.
*0*
"Para sakin lahat yan?" tanong ko kay Seb.
"Oo. Bigay nga mga istudyante at staffs ng school."
Tumingin ako ulit sa mga cake na nasa mesa. Wow. Yung iba may larawan ko pa. Astig.
"Hatiin na natin to lahat. Yung iba ipamigay natin sa mga bata dyan sa kalye. Yung iba, kainin natin lahat dito sa school."
Tumango lang si Seb sakin saka binilang ang cake lahat. "40 cakes lahat. Ang dami Lee."
"Pffft, mahal nila ako Seb. 25 cakes dito sa school. Dalawa yung iuuwi natin sa bahay. Yung 17 cakes naman sa lahat ng bata dyan sa kalye." tumango ulit si Seb sakin. Gusto ko lang ishare tsaka di naman namin kayang ubusin ang 40 cakes. Nakita kong may tinawagan si Seb.
"Kailangan na nating bumalik sa gym Lee. Magsisimula na daw yung program." tumango ao sa kanya saka lumabas ng faculty room. Doon kasi nilagay lahat ng cakes may aircon kasi.
.
.
.
[ALY's POV]
Thank you sa POV nay. :3
Well, papasok na kami ng Academy. Ang sarap sa feeling bumalik dito. "My queen, are you excited?" napalingon ako sa napakagwapong lalaki na nagmamaneho ngayon. Tumango ako sa kanya habang nakangiti. "Yes my king. Ngayon ko lang sila ulit makikita. Naeexcite na kinakabahan." sabay hawak sa kamay ko. He's really sweet pero wala pa ring tatapat sa kasweetan ni Kyle kay Sue. Para kang nanunood ng koreanovela na livestream. :3
Pagkapark namin ng kotse ni Brylle agad kaming lumuabas ng kotse. "Aly?" napalingon ako sa taong tumawag sakin. "Cass? Cassandra Evangelista right?" tumango siya.
Agad ko siyang niyakap. "Cass its you."
"Hindi kaya Aly, I'm Sandra. Pffft. Oh Brylle baby, kayo ha. :3"
"Cass.." sabi ni Brylle with his warning tone. Pffft, nagtago si Cass sa likod ko. Parang aso't pusa kasi sila noong colege pa kami. Walang araw na di sila nag-aaway.
"Cass?"
Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. "SUE!!!" patakbong lumapit kay Sue saka niyakap ito ng mahigpit. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila. Pinulupot ni Brylle ang kamay niya sa bewang ko saka sinabin, "Mabuti naman nagawa mo na yung dapat mong gawin my queen." lumingon ako sa kanya. "Masaya na ako para sa kanila my king. Masaya naman din ako kasi andito ka kasama ko. Thank you." saka niya hinalikan ang pisngi ko.
[KYLE's POV]
"Mahal ko, bat ba ang ikli niyang suot mo. Alam mo namang di ko gustong may ibang tumitingin sayo. Dapat ako lang, AKO LANG mahal."
"Awtsu, possessive as ever mahal. Matatakpan naman to eh."
Psh, may dalawang rason naman ako kung bakit ayaw kong nagsusuot siya ng maikli. Una, ayokong may ibang tumitingin sa kanya. Pangalawa at huli, naaakit ako eh. Baka di ko mapigilan sarili ko. -_-
Kung di lang kami yung MC, binalot ko na siya sa mga bisig ko este ng kumot. "Ngayon lang yan mahal na magsusuot ka niyan."
"Oo na po mahal ko." saka niyahinalikan ang noo ko. Yan yung namimiss ko sa kanya. Lagi akong may halik sa noo. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. "Tara na mahal. Magsisimula na daw." aya sakin ng pinakamamahal ko. Pero bago kami lumabas ng backstage, hinila ko siya palapit sakin at hinalikan sa labi. "Nakakagigil ka mahal. Tara na nga baka di ako makapagpigil baka iuwi kita samin." nakita ko siyang bahagyang namula. Ngumiti lag ako sa kanya saka siya hinila palabas ng backstage.
.
.
.
[DYLAN's POV]
"Tol, opening ng bago mong bar ngayon di ba? Anong oras ba?" -Tristan
"5pm." tipid na sagot ko sa kanya. Yeah, I have my own bar. G-bar for Goddess Bar. My dad gave that space para daw may pag kaabalahan ako habang nagaaral. Hindi naman mahanap sakin.
"Awarding na ng Homecoming King and Queen. Sino kaya yung mananalo."
Psh, buti nalang di ako sumali sa nga ganyan. "Balik nako dun tol."
"Sunod ako maya-maya." tumango siya saka naglakad pabalik ng gym.
"And now, the winner for our Homecoming King is none other than.... Mr. Francis Dylan Rodriguez!" literal na napalaki ang mata ko. Ako? Eh di naman ako sumali ah. Naglakd nalang ako paakyat ng stage. Fvck, sino ba kasing nagsali sakin.
"And for the Homecoming Queen, you're very lucky Ms. Shunzie Aiamie Zykael Park. Come up on stage and join your partner."
Si Amie?
(Amie, yan na yung bagong tawag ni Ancis sa kanya.)
Nakitang kong nagulat din siya nung tinawag ang pangalan niya. Umakyat nalang rin siya ng stage. Tumabi siya sakin saka ako kinalabit, "Alam mo ba to?" umiling ako sa kanya.
"Congrats Dylan and Lil sis." bungad ni Kyle samin habng sinusuot ang mga korona samin. Di nalang ako umangal andyan na eh. Iba talaga pag gwapo ka. Kusa na ibang tao magnonominate sayo.
"That's the end of our program! See you again after 3 years everyone! Goodnight!" sabi ni Ate Sue sabay kaway kaway sa mga tao sa gym.
Well see you guys this coming March. May aalis na sa bahay namin nito. :)
-------------
A/N: Last 1 chapter then epilogue na and then the end na! :3
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)