Pag naririnig mo ang salitang "Kailan...?" sigurado kong may pagkakataon sa buhay mo na bumabalik sa isipan mo. At malamang tungkol 'to sa mga "FirstTime" mo.
Pero pano kung dugtungan ko ang kailan ng "Kailan mo huling...?"
Naaalala mo pa ba?
Masagot mo pa kaya ang tanong na para sayo ay di naman ganun kahalaga?
Madalaas iniisip ng marami na mas maganda kapag ikaw ang FIRST, gaya ng First Love, First Dance, First Hug at First Kiss.
Pero... ... ...
Mas maganda pa rin siguro ang LAST, yun bang ikaw ang pang-Finale. Mas masarap yun sa pakiramdam, pero hindi ganung LAST ang ibig kong sabihin.
Teka at dudugtungan ko pa ang tanong ko
"Kailan mo huling pinakita ang pagmamahal mo sa mga kapatid at magulang mo?"
Ang hirap sagutin diba? Dahil ang naaalala mo ay kung kailan ka huling niyakap at hinalikan ng bf/gf mo
"Kailan mo huling sinabihan ng I Love You ang mga kapatid at magulang mo?"
Mas mahirap sagutin dahil pag sa magulang mo hindi ka verbal pero pag sa syota mo halos minu-minuto ang paglalambingan nyo
Masaklap pero yan ang katotohanan
Ano nga bang magagawa ko para baguhin ang isip nila, isa lang naman akong kabataan na gustong magpaalala.
Magpaalala na:
"Maiksi lang ang buhay ng tao, ang una maari pang masundan pero paano kung di mo alam na ayun na pala ang hangganan? Paano mo pa 'to madudugtungan? Diba dapat na nating agapan? Bago pa mapawi ang hinininga ng iyong mga kapamilya sabihin mo na ang inyong nararamdaman para sa kanila"
BINABASA MO ANG
Kailan?
RandomSigurado ko may naaalala ka pag naririnig mo ang salitang 'to. Puwedeng tungkol sa Love, Family, & Friends.