Dear Diary,
Parang ang corny naman kung diary lang ang itatawag ko sayo. Mas corny rin naman kung Dear Journal, ewan. Basta.
Anyways, back to school na kanina. Finally, 3rd year high school na ako at one year nalang graduate na ako sa high school. Kaya gusto ko nang samantalahin 'tong High School life ko.
Alam ng lahat na magta-transfer na ako sa ibang school. Kahit ako. Biglaan lang talaga yung pag-enroll ko dyan sa Carrie Nation High School.
Actually, nakatira na kami sa Cavite noong bakasyon at nakapag entrance exam na nga ako sa school na lilipatan ko sa Tagaytay eh. Kaso biglang nag-bago ang isip ng parents ko kaya bumalik kami ulit dito sa Manila at inenroll na nila ako.
Sinikreto sa lahat, especially sa mga bestfriends ko ang pagbabalik ko dito sa school. I want to surprise them.
Pagpasok ko palang ng gate sa school namin, feel na feel ko ang paglalakad. Parang balik-bayan lang ampeg ko.
Sinadya kong magpa-late kanina para mas nakaka-surprise yung pagpasok ko sa classroom.
Buti nalang wala pa yung first teacher namin. Kaya pagpasok ko palang sa classroom, sumiklab ang matinding katahimikan sa loob ng classroom. Lahat sila naka tingin sakin. Tinignan ako ng mabuti. Sa tingin siguro nila, namamalik mata lang sila.
Pero hindi.
Agad tumakbo sina Micah, Aira at Peneloppe palapit sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit.
Hindi nasayang ang excitement ko ngayong araw. Ang saya-saya ko. Akala ko hindi ko na makikita bestfriend forevs ko.