-05

12 1 6
                                    



Yziel's POV

Pagkahila niya sa akin ay unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Kaya agad naman akong lumayo.

Tila natauhan siya sa aking paglayo. Kaya naman sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking braso ng naramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Bitaw na, President Cyd." Saad ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Dyan lang." Sagot ko.

"Saan naman aabot yang sagot mong dyan lang?" Tanongulit niya.

"Basta dyan lang." Sagot ko ulit.

"Sama ako." Saad niya.

"Bawal nga." Sagot ko naman.

"Hambog na president please wala akong oras makipaggaguhan ngayon." Nagmamakaawa kong saad.

"Saan ka nga pupunta?" Tanong niya.

"Pakawalan mo na kase ako. May kailangan akong puntahan!" Naiinis ko ng sigaw.

"Saan ka nga pupunta?!" Inis na din niyang tanong sa akin.

"Sa hospital, nahospital ang mama ko. Happy ka na?" Tanong ko.

"Halika na. Puntahan na natin ang mama mo." Aya niya sa akin.

"Ako lang ang pupunta." Saad ko.

"Sasama ako." Pilit niya.

"Bawal nga!" Inis na sigaw ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Bulag ka ba? Tingnan mo nga yung mga estudyanteng ang sama ng tingin sakin dahil sa mga sinasabi mo." Inis na saad ko.

"Wala akong pake sa kanila." Saad niya.

Tatakbo na sana ako ng bigla nanaman niyang higitin ang braso ko at binuhat ako na parang sako ng bigas. Kaya napatili ako. Pashnea.

"Ibaba mo ko!" Sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.

"Hindi kita ibababa kaya manahimik ka dyan." Saad niya.

"Cyd ibaba mo kong hambog ka!" Sigaw ko at pinagpapalo ang kanyang likuran.

"Lakasan mo naman ang pagpalo mo, parang kagat lang ng langgam yang ginagawa mo." Pang-aasar niya sa akin.

Nang papunta na kami sa parking area ng school ay mas lalo akong nahiya. Ang daming estudyante ang nakatingin sa amin.

"Cyd ibaba mo na ako!" Sigaw ko.

"Hindi nga kita ibababa!" Sigaw din niya.

"Please?" Pagmamakaawa ko.

"No." Sagot niya.

Nahihilo ako sa pwesto ko. Kapag talaga lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko, malilintikan talaga ang hambog na to.

Papaluin ko ulit sana ang likuran niya ng nahagip ng mata ko ang dalawang kaibigan ni Cyd. Kaya lalo akong nahiya.

"Cyd, andyan na ang mga kaibigan mo baka pwedeng ibaba mo na ako hehe." Saad ko.

"Ano naman kung andyan ang mga kaibigan ko?" Tanong niya kinurot ko na lang siya.

"Isang himala ito!" Sigaw ni Zendrick.

"Gago lubayan niyo ko." Sigaw ni Cyd sa mga kaibigan nila.

"Baby Zen come here, tayo na lang ata ang walang jowa. Baka tayo talaga para sa isa't isa mwuah!" Saad ni Miguel kay Zendrick at niyakap niya ito. Tinulak naman siya ni Zendrick.

"Aalis na kami Migz, Zen." Paalam ni Cyd.

Nakarating na kami sa kotse niya kaya naman ibinaba na niya ako. Pagkababa ko ay lumapit ako sa balikat niya at kinagat ang balikat niya.

"Argh! Aray!" Daing niya.

"Sabi mo kanina parang kagat lang ng langgam yung pagpalo ko sayo. Ngayon anong kagat naman ang kagat ko?" Nakangiting tanong ko.

"Parang dragon!" Sigaw ni Cyd at tumakbo na papunta sa kabilang parte ng kotse at pumasok na.

Pumasok na rin ako at pinagtawanan nanaman niya ako. Nang papunta na kami sa hospital ay bumalik nanaman ang kaba na nararamdaman ko kanina.

Kamusta kaya si Mama? Sana ayos lang siya. Sana simpleng sakit na lang yun.

Nang makarating kami sa hospital ay pinark muna ni Cyd ang kotse niya at pumunta na agad kami sa front desk ng hospital.

"Saan po ang room ni Yasmine Torres?" Tanong ko.

"Room 203 po." Sagot niya.

Nagmadali kaming sumakay sa elevator ni Cyd. Siya na ang pumindot ng button kung saang floor kami. Dahil napansin niyang nanlalamig ang kamay ko.

*Ting!*

Lumabas agad kami ng elevator at hinawakan niya ang kamay ko. Nagukat ako roon pero bahala na.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Mama at nakita ko si Mama na nakahiga si Tita Nelia naman ay palakad-lakad sa gilid ng kama ni Mama.

"Tita." Tawag ko sa kanya.

"Buti naman at nakarating ka, Yziel." Saad ni Tita.

"Kamusta si Mama?" Tanong ko.

"Ayos naman si Ate Yasmine." Sagot niya.

"Sino itong kasama mo?" Tanong ni Tita.

"Siya nga po pala si Cyd Alcantara. Anak ng may-ari ng pinapasukan kong paaralan." Sagot ko.

"Ako po si Cyd Alcantara. Hinatid ko po rito si Yziel." Magalang na pakilala ni Cyd.

"Ako naman ang Tita Nelia ni Yziel." Saad naman ni Tita.

"Ano pong sabi ng doctor?" Tanong ni Cyd. Sa tingin ko ay ngayon pa lang masasagot ang tanong ni Cyd dahil biglang pumasok ang doctor.

"Magandang araw, kaano-ano kayo ng pasyente?" Tanong ng doctor.

"Anak po ako." Sagot ko.

"Ilang araw ng sumusuka ng dugo ang nanay mo?" Tanong niya.

"Mag-iisang linggo na po." Sagot ko.

"Ilang araw na ang pag-ubo ng nanay mo na may lumalabas na dugo?" Tanong niya ulit.

"Mag-iisang buwan na po." Sagot ko.

"Tsk, tsk, dapat matagal niyo nang dinala dito ang nanay mo. Yan ang pagkakamali niyo. May sakit ang nanay mo. Stomach cancer. Dahil sa anemia, pagkapagod at pagkahina kaya nagkakaroon ng ganon ang isang tao." Saad ng doctor.

"Ano po pwedeng gawin?" Tanong ko.

"Pwedeng ikamatay ng nanay mo ang sakit na meron siya." Saad ng doctor.

"Gawin mo ang lahat, ako ang magbabayad." Saad ni Cyd.

"Hindi pwede!" Sigaw ko.

"Magtatrabaho ako sa cafeteria ng school para magkapera ako. Kaya di mo kailangan magbayad para sa nanay ko Cyd." Saad ko.

Di nagtagal ay umalis na ang doctor. Lumapit ako kay mama at hinawakan ang kamay niya.

"Ma, wag mo muna ako iwan ha. Wag ka muna sumunod kay papa. Susunod din ako kapag nangyari yun." Bulong ko kay Mama.

Di nagtagal ay pinauwi ko na si Cyd. Nung una ay ayaw pa niyang umuwi. Pero umuwi rin naman na.

Baliw ata iyon. Sa susunod dadalhin ko na iyon sa mental hospital. Yung hambog na lalaki na yon.

Hiding My Own FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon