Alas ocho ng gabi tandang-tanda ko pa nasa likod kami ng aming paaralan, kasalukuyang nakaupo habang pinagmamasdan ang mga bituing kumikislap sa madilim na kalangitan, habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat at siya naman ay nakaakbay sakin. Tahimik lang kami tanging ihip lang ng hangin ang naririnig sa kinauupuan namin maliban sa ingay ng musika na tumutugtog sa classroom.
Ang sarap isipin na sa wakas ay nakagraduate na kami ng elementary ngunit kasama roon ang kalungkutan sa bahagi ng puso ko. Dahil bukas ay aalis nako sa lugar na nakagisnan ko, upang mag-aral sa Manila. Ewan ko ba sa parents ko.
"Andie" tawag sakin ni Nathan, siya tong lalaking katabi ko ngayon. Ansarap pakinggan ng boses niya parang musika lang.
"Hmmm?"
"Huwag mo kaming kakalimutan huh. Bumalik ka" napatingin ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin ito. Seryoso lang siyang nakatingin sa kalangitan
"Oo naman" nakangiti kong sabi at hiniga muli ang aking ulo sa balikat niya. Ambango niya talaga mamimiss kotong lalaking to
"Ipangako mo sakin na babalik ka"
"Pangako po" pagninigurado ko. "Basta huwag kang magsasawang antayin ako huh" pagpapatuloy ko
Iniharap niya ako sa kanya at tinignan sa mga mata habang nakangiti "kailan bako nagsawa pagdating sayo?" Pagkasabi niya noon ay agad niya kong hinalikan sa noon:D
Hindi ako agad nakapagsalita sa ginawa niya. Nakatingin lang ako sa mukha niyang nakangiti, hinaplos ko ito saglit at agad din namang tinanggal dahil pakiramdam ko hindi ko na kaya, sobrang nag-iinit ang mga pisngi ko>//
"Pagbalik mo, hindi lang kita sa noo hahalikan" sabay kindat niya na lalong nagpainit ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
A Promise of Yesterday (short-story)
Romancelove back andy nathan kiss promise heart