Sa wakas ay sa kanila sunod na bumaling ang tingin ko. He's still handsome. Looking younger than his age. Sa tabi niya ay naroon ang isang matangkad na babae. Ito 'yong sikat na commercial model in Japan.
"Anyway, ang mama Monika mo nga pala," pakilala ni Daddy sa bago niyang asawa.
"It's nice to finally meet you, Monika-sama," paggalang ko na lamang sa halip na tawagin itong 'mama'.
Nag-vow si Monika bilang tugon kaya napa-vow na rin ako.
Wari'y sinadya naman ni Ace ang pag-ubo kaya doon ko lang napansin ang presence niya. Sabay-sabay tuloy kami napatingin dito.
"Kasama ko nga po pala ang boyfriend ni Bela."
"It's nice to meet you again, Ninong," bati ni Ace at biglang nag-bless sa kamay ni Dad.
"Aba'y napakagalang mo namang bata, Ijo! Kaawaan ka ng Diyos. Teka nga, nasaan na ba ang kasintahan mong si Bela?
"Susunod na lang daw po siya sa venue. Pinasok po kasi ng virus 'yong website nila kaya hindi siya nakasama rito," paliwanag ni Ace.
Hindi ko alam na na-contact na pala nito si Bela. Mabuti naman work related lamang ang problema at walang nangyaring masama sa kapatid ko.
***
Isang simpleng Welcome Party ang dinaraos ngayon sa Function Hall ng Hoshizora Incorporation kung saan maliban sa kamag-anak ay mga empleyado at kasosyo sa kompanya lamang ang imbitado. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang kompanya namin para pagkaguluhan ng media. We're just an independent I. T company that provides hardware and software development services.
"Ace, ingatan mo ang anak ko, ha! Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan si Bela dahil hinding-hindi talaga kita mapapatawad. Magkakasolian kami ng kandila ng mama mo, sige ka!" pagbabanta pa ni Daddy sa kalagitnaan nang mahabang hapag-kainan.
"Ninong, wala sa lahi ng mga Castillo ang manloloko."
Halos mabulunan naman ako sa sinagot ni Ace. Pareho na silang lasing ni Daddy kaya puro kayabangan na ang mga sumunod kong narinig.
Nakapagtataka na maliban sa 'min ay hindi ko makita sa party sila Lola at ang mga kapatid ko na sila pa namang pinakaimportanteng bisita.
Kanina ko pa tinatawagan si Bela pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot. Basta ang sabi lang nito ay nagkaroon 'daw' ng emergency sa trabaho. Gusto ko mapanatawag sa text na iyon pero hindi ko pa rin mapigilan ang mag-alala lalo na't mukhang okey naman ang kompanya ayon sa mga empleyadong nakausap ko kanina.
Siguro pinagbawalan ito umalis ni Lola. Marahil ay nangangahulugan lamang iyon na galit pa rin sa 'min ang mga Hoshizora hanggang ngayon.
Ang akala ko ba, time heals wound? Napailing na lamang ako't napalagok sa hawak na wine glass.
"Kung hindi lamang ako nalulong sa sugal at ginawang kolateral ang kompanya ay hindi ka sana magiging pambayad ng utang, Anak," panghihinayang ni Daddy habang nakatingin sa 'kin. "Patawarin mo ako, Zanabelle. Alam ko namang hindi mo talaga gusto ang maikasal kay Badr-al-Din."
"C' mon, Dad, don't cry. It's okay," animoy pinapakalma ko si Daddy dahil nagsisimula na ito maging emotional dulot ng alak. "Actually, kaya pa naman sana isalba ang kompanya nang hindi nanghihingi ng tulong sa pamilya ni Badr-al-Din kung hindi lamang namatay si Mommy. At kasalanan ko 'yon, Dad."
Bigla naman dumulas ang kutsarang ginagamit ni Ace sa pagkain. Umalingawngaw ang kalansing no'n sa tiles kaya napatingin kami rito.
"I'm sorry," giit nito. "H-hindi ko sinasadya."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...