1st Person's POV
She stared at us suspiciously. Nanliliit ang mata niya sa sinagot ni Ren, mukhang may sasabihin siya nang biglang magtanong ulit ang Tita ni Klein.
"Sino naman itong isang kasama niyo? Kay gandang bata," ani Tita. Nakatingin silang lahat kay Irah na tila nailang bigla.
"I'm Irah Dean Hyes, nice to meet you." she casually replied.
"Tita ako ni Klein, I'm Martha. Magkakaibigan pala kayong apat, ngayon lang yata kita nakita hija?"
"I'm not his friend," walang ano-ano'y sagot niya, pilit akong ngumiti sa pagkagulat nila.
"Kasama ko po lang po siya Tita, medyo hindi po sila close ni Klein."
"Ay ganun ba," napapahiyang sagot niya.
"Pinag-uusapan niyo ako?" dumating si Klein na galing sa table ng mga kaibigan niya.
"Dito ako kuya, dun ka." ungot ng batang lalaki nang akmang uupo si Klein sa pwesto nito sa harap ni Irah.
"Uusog ka lang," nagtataka niyang sagot.
"Dito lang ako," nahuli ko siyang sumulyap sa tabi ko iniwas agad ang tingin.
"Kristoff, ano ba yan? Paupuin mo ang Kuya Klein mo," suway ni Tita.
"Ayaw niya sigurong tumabi kasi may maganda sa harap niya, hihihi." pang-aasar ni Ren.
"Hindi ah!"
"Suus, huli na kita! Ayan ah, nagbibinata na si Kristoff."
"Hindi nga! Mas gusto ko lang dito sa dulo para madali akong maka galaw."
"Dito na'ko." Walang choice si Klein kaya pumuwesto siya sa tabi ni Kris at ng kambal.
Nagpatuloy ang pang-aasar sa batang lalaki, nakikitawa lang ako nang biglang tumayo si Irah.
"Excuse me," hawak niya ang cellphone at tila may katawagan hanggang sa nawala na siya.
Dahil sa tawag na iyon ay naalala ko tuloy si Angeline. Pagkatapos ng dinner ngayon ay magkikita na kami, nag uumpisa na akong mabalisa at nag c-check na rin sa cellphone kung may ma-receive man.
Makikipag kita ba talaga ako? Huwag ko nalang kaya kunin ang kuwintas ko? Pero, may sentimental value ang kuwintas na iyon. Hindi naman siguro magagawa ni Angeline na ipahamak ako diba? Nangako siya at sabi niyang siya lang mag-isa at hihingi ng tulong. Para saan?
Dumating na ang buffet matapos ng ilang minuto at nakabalik na rin si Irah, nag-uumpisa na rin kaming kumain ng may biglang dineklara si Irah sakin.
"Luciel's coming," halos maibuga ko ng kinakain ng sabihin niya iyon.
"B-bakit daw?"
Jusmiyo!
She shrugged. "He'll possibly arrive later, why you so tense?" nakangisi niyang tanong.
"H-hindi.." mahina kong sagot.
Sakto naman ang pag vibrate ng cellphone ko.
From: Unknown number
Nasaan ka?
Saglit pa akong natulala kung sasagutin ang tanong niya, sa huli ay napag desisyunan kong tapusin na agad ito. Magkikita kami at kukunin ko lang ang kinuha niya sakin. Bakit niya kailangang kunin iyon tapos ibabalik lang rin pala? Gaano ba ka importante ang tulong na hinihingi niya?
Makalipas ang labin limang minuto ay hindi na ako mapakali, dadating si Luciel at hindi ko alam ang gagawin ko kapag mauna siya dito kaysa Angeline. Dapat ay wala pa siya hanggang sa makaalis si Angeline.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...