Xyrille
Napakamalas naman talaga, bakit sarado ang pinakamagandang beach resort dito sa pilipinas? Unang bakasyon ko 'to kasama ang mga tropa ko tapos ganito pa ang mangyayare. Kakatapos lang ng CoVid19 kaya sure akong puno ang halos lahat ng resort dito sa camarines sur. "Mag private resort kaya tayo?" Napatingin kami kay Ella, nakangiti s'ya at kitang kita ang pagkasabik sa kanyang mukha.
"Mas maganda yun kaysa sa mga pampublikong resort!""'Diba kapag private mahal 'yon? Wala nga tayong malaking perang dala paano na yan?" Tanong ko sakanya.
"Xyrille,may naresearch akong private resort malapit lang dito— what if we try something new?"
"Anong name ng resort ba?" Tanong ni Ceizia.
"Filcassia Island resort! It's a private resort pero mura lang, hindi rin ito hunted or what."
Parang familiar ang private resort na 'yon, para bang napuntahan ko na before o may narinig na akong kwento tungkol sa isla na 'yon—pero sabagay baka maganda naman talaga ang resort na 'to kaya madami ng nakakaalam.
"Alam n'yo ba guys? Bago palang 'tong resort na ito, ang balita ko nga pagmamay ari ito ng isa sa pinaka mayamang negosyante dito sa pilipinas eh." Napakunot ako sa sinabi ni Ella, kung bago pa lamang ito, bakit parang pamilyar na sa'kin ang pangalang "Filcassia Island Resort"? Bakit nga ba parang napunta-"
"Tulala ka nanaman Xyrille! Ano nanaman bang iniisip mo?"pamumutol ni Khaija sa aking pag-iisip ng kung ano-ano, umiling nalamang ako at nagpatuloy sa pakikinig kay Ella.
"Mga 20 years old palang raw yung manager d'on sa resort eh, ang bata pa pero sobrang yaman na. Nabasa ko rin kanina sa facebook habang nag re-research ako tungkol sa resort nila na kakaiba raw ito, hindi mo mo makikilala ang manager at makakausap ng basta basta." Dagdag ni Ella, kita ko ang pagkamangha ng iba ko pang kasama. "I can't wait to experience their service!"
Gan'on naman talaga ang mga manager 'diba? Hindi mo naman talaga sila basta basta makakausap, depende nalang kung matigas ang ulo ng guest at may kapalpakang nagawa ang isang crew nila. Buti nalang hindi pa namin kasama si Nica, kasi kung andito na s'ya hindi s'ya papayag na hindi n'ya makausap ang manager ng pupuntahan naming resort bago kami mag book sakanila.
"So, kailan tayo pupunta?"
"Next week I think? Wala pa naman si Nica eh sabi n'ya mauna na tayo kasi marami pa s'yang gagawin sa opisina n'ya."
"As usual, kailan ba s'ya hindi naging busy? Simula n'ong iniwan s'ya ni Kace trabaho na ang palagi n'yang inaatupag, ni hindi na s'ya nakakapag relax at enjoy."
Ginawa talaga ni Nica ang pangako n'ya sa sarili n'ya, yung jowain ang trabaho. Natatawa nalang kaming apat dito kapag palagi n'yang sinasabing busy s'ya at ayaw n'yang mawalan ng oras sa kanyang trabaho kasi baka raw mag break sila ng wala sa oras.
Napag desisyunan namin na mag bakasyon sa resort na yun sa loob ng dalawang linggo, sobrang nakaka stress kasi ang quarantine at work at home, we need to relax! Hindi naman kami katulad ni Nica na hindi uso ang matulog at magpahinga, okay ngalang sakanyang magmukhang zombie eh.
"Ilang bikini ba ang dadalhin natin guys?" Pamumutol ni Ella sa aming katahimikan.
"Sa'kin, sampung two piece, t- back at one piece." Pagmamayabang ni Khaija.
"Seryoso ka sa one piece? Alin ang tatakpan mo sa dalawa?" Pagbibiro ko. "Suggest ko lang, yung nasa baba nalang tutal wala namang makikita sa pantaas."
Nagtawanan naman sila matapos kong bitawan ang mga salitang 'yon. Pake ko ba kasi sa mga piece piece na 'yan wala akong alam d'yan, ang alam ko lang na one piece yung anime o kaya yung panty or bra.