I hear your voice

6 6 0
                                    

"Gamitin mo 'to," tukoy niya sa earphone na sinasaksak sa aux slot.

Pagkasalpak ko ng earphone sa tainga ay narinig ko ang pamilyar na boses, parang boses ni Alizanabelle. Marami itong sinasabi... Parang nagbo-voice over? Like recording? I never thought na ganito rin pala kasipag mag-voice record ang kakambal ko. I thought her passion was all into writing.

Na-realize ko sa recorder na noon pa man ay idine-dedicate na pala ni Alizanabelle ang karangalan kay Justine Ace. Noon pa man ay lihim na itong nagmamahal, nasasaktan at umaasa. Sa kabila ng lahat ng sakit ay pinipilit nito maging matatag alang-alang sa 'kin na mas matimbang higit kanino man.

"Decided ka na ba talaga?"

"This time, she's going to be mine."

"If then, bakit mo 'ko dinala sa ganitong lugar? And what's with drinking so much hard alcohol?"

"Just to let you know what I am planning. Simply because you are also mean to me."

"Compliment ba 'yon?" napalagok tuloy ako sa beer at kamuntikang masamid. "Nakaka-flattered naman!"

Napaismid lamang siya't tinuloy ang pagtungga sa shot glass.

Parang nag-slow motion ang galaw niya. Dahan-dahan niyang tinutungga ang baso... Dahan-dahan siya lumulunok... Kaya pati tuloy ako ay napalunok rin. Napakagat labi ako habang pinagmamasdan ang mamasa-masa niyang manipis na labi pababa sa nakaumbok na Adam's Apple.

Sa tagpong ito ay feeling ko, napakaguwapo niya. Iyon bang sa sobrang guwapo niya ay halos babae pa ang mag-i-initiate na manligaw sa kaniya. Matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, kissable lips tapos may husky voice and masculine postures. Okey rin siya pumorma, minsan nagsusuot siya ng fancy eyeglasses para mag-nerd-nerd-an. Minsan din nakasumbrero siya. Pero pinakagusto ko kapag naka-plain white v-neck shirt, walking shorts and top-sider lang siya. Sobrang lakas kasi ng appeal niya sa gano'n. Tama lang din ang height na 5' 8 sa kaniya.

Kung pagbabasihan ethically, professional siya mag-isip tanda ng maturity niya. Minsan kuwela pero madalas romantic. Mahilig siya manorpresa at hindi mauubusan ng mga corny punchlines. Aside from being gentleman, thoughtful and loyal sa family ay goal-oriented din siyang tao. Hindi naman talaga siya kuripot, natuto lang siguro siya magtipid mula noong pinerahan ko siya.

The fact na hindi ko siya minahal is just a bluff. It's just so happened na hindi lang ako showy. Kinailangan ko siyang hiwalayan noon dahil sa takot kay Lola kaya ginawa ko na lamang dahilan na pera lang niya ang gusto ko. At noong nakipagbalikan ako sa kaniya ay dahil naman sa galit kay Alizanabelle.

Pareho kaming may lihim na galit sa kakambal ko at may lihim na pagnanasang makapaghiganti. Subalit ngayon ay halos tawanan ko na lamang ang nakaraan.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon