[Amber Martinez:]
What?! First time to ah.. Di pa kasi ako navovote na maging officer EVER in my life. Tas ngayon muse? Big time ahh.. XD
Ayan na, malalaman na kung sino escort ko. -.-"
"BRYLLE!!" Sino naman yun? Ang lakas ng boses eh. Panira ear drums.
"What?!" Ay, ansunget ni kuyaa... Ano nga ulit pangalan.. Uhm? Bright ba yun? Yun ba? Okie na nga yun!
"W-wala." Aba, nagblush naman si ate. XD Shenay ba yun o sona? Oy, di ako bitter noh!
"Okay, our escort is... Andrei" sabi ng prof namin. Sino namang andrei yan? Sino naman yun?? Gwapo ba? Hehe. La lang malay niyo gwapo. Eh kung gwapo man. Baka mas pursigido pa ko sa pagiging class officer ko.
"Woohoo!! Boo, yeah!!" Ahh.. Siya pala. -.-" Okay, so di siya gwapo. May itsura. Pero di gwapo. Basta yun na yun. Intindihin niyo nalang.
Natapos na ang voting at di pa din ako tinitigilan ni bugnot vince. Tsk, kanina pa to! Nakakabwisit na! Ano ba? Di ba niya maintindihan na ayaw ko sakaniya? Na ayaw ko siya makausap? At lalong lalo ng ayaw ko sakaniya, buong pagkatao niya? Bakit? Kase ayoko sakaniya!
Bahala siya. At tutal bored naman ako mantrip nga muna. Haha. Oo, ako yung tipong tao na mahilig mantrip. Kung inaakala niyo na mala anghel role ko dito. Aba! Nagkakamali kayo! :D
"Pahingi naman number mo oh.."
"17"
"Pffft!" Narinig kong may pumipigil ng tawa pero di ko yun pinansin. Wala akong oras sa mga ganito dahil gusto ko munang makinig sa prof at mukang mahihirapan ako ngayon. Pero, yung isa naman dito at itago nalang natin sa pangalang.. Bugnot vince. Ayaw parin akong tantanan.
"San ka nakatira?"
"Sa bahay."
"Hindi, lugar."
"Sa earth."
"Pfft. Wahahaha.. Tengene! Di ko na kaya!"
"Is there something you want to share Mr. Hernandez?"
"No, sir.. Pfft, continue your lesson. Sorry, it won't happen again." Pshh. People this days..
Buong math period ko tiniis presenta ni bugnot Vince. Alam niyo nakakabwisit! Langya! Ayaw ba naman akong tantanan?! Eh, kung ipatapon ko siya sa pluto?!
'As if kaya mo naman yun gawin'
Pake mo ba?! Tsk! Back to reality! Next subject na pala namin english.. At sa kaartihan ng witchy teacher namin. May kanya-kanya din pala tong seating arrangement. Banas! (  ̄ェ ̄ )7
Sana sa number #17 ako. Favorite number ko eh..
"Ms. Martinez #16. And Mr. Jackson #17" huwat?! Bat ganon? Malapit na eh!! Di ako papayag! Sakin lang ang #17! Akin lang!!
"Ah, bright??" Aba! Anak ng panda! Deadma! -.-"
"Hoy!"
"Are you talking to me?"
"Ay hindi baka sakaniya!" Sabay turo sa taas. Uto-uto namang tumingin din.. Pfft.
"Bright--."
"It's BRYLLE!" Ay! Mukang napahiya ako dun ah.. -,-"
"Fine. BRYLLE, pwede palitan ng upuan?"
"At bakit ko naman gagawin yon?"
"Dahil gusto ko?"
"No." Sayang! Akala ko pa naman papayag siya! Nagulat ako ng bigla siya g magsalita. "Bakit gusto mo dito?" Sasabihin ko ba? Parang kase ang childish ng rason ko? Nakakahiya naman kung ganon! Tanga mo Amber! Dapat tumahimik ka nalang eh!