- Shix's POV
"Shiiiiiiix!" tawag nya.
"Oh?" May pagka-irita kong sabi.
"Sabay tayo uwi. HOHOHO." Sabi nya tas nagsasayaw-sayaw.
"Tss.. Bahala ka nga dyan. -_-" sabi ko tas tinalikuran sya.
"Oyy.. Galit ka ba dahil sa sinabi ko sayo kanina? *Sinundot-sundot tagiliran ko* ayiiie~! May pagnanasa ka saakin noh? Hahaha! Sorry! di ko naman kasi alam eh.."
Psh. =_= bakit ko ba kasi naging crush 'tong paasang-abnormal na gagong ito? Wala naman 'tong magawa sa buhay niya eh. -_-
Hinarap ko naman sya at matigas na sinabing, "Ewan ko sayo."
"Eh?! O.o Sorry na kasi. *kamot sa batok* sorry na Shix." Sabi nya 'tas nagpout.
"Yuck! Eww. 'Wag ka ngang magpout dyan Cray! Di bagay sayo! Di ka rin cute!" Tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. Kahit na hindi naman totoo. Actually, ang cute-cute nya. *O*
Teka, galit ako dba?
Okay, *takes deep breath*
Shix, galit ka, okay?
Galit ka.
"Sakit mo naman magsalita! *sings* why you gotta be so ruuuuude~? Don't you know I'm----." Pinutol ko na agad ang pagkanta nya.
"Oo! Alam kong HUMAN ka! Hindi ka ALIEN! Si Taehyung lang ang gwapong-cute alien na nakatira dito sa earth! Eh ikaw?! Saan ka ba nanggaling?! Para masipa na kita agad at makabalik ka dun sa kinaro-roonan mo! Bilis! Saan ba?! Sa Pluto, Neptune o Venus?!" Tuloy-tuloy kong sambit.
"Sorry na kasi..." nakayukong sambit nya.
"Hayst. Bahala ka na nga dyan."
'Tas naglakad na ulit.
Pakiramdam ko naman na sinusundan nya ako, kaya pinabayaan ko nalang sya.
Alam nyo kung bakit ako nagalit?
//Flashback;
Nandito kami ngayon sa garden.
Nakaupo sa damuhan habang nakatalikod. Nakasandal kami sa isa't-isa.
"Shix..." tawag nya sa akin ng pabulong.
"Hmmm?" Tanging sagot ko.
"I-I love you.." 'yun lang pala---.
T-teka, I-I love y-you?
Sinabi nya ba talaga 'yun?!
Wala na ako sa Dreamland dba?
Dba?!
Sasabihin ko na sanang 'I love you, too.'
Kaso...
"As a friend lang, ha?"
Hutaaaa! Akala ko pa naman--!
Aish! 'Wag na nga lang!
Hutakte! -___-
Assuming ka kasi masyado, Shix.
Di pa nga tapos magsalita 'yung tao eh. :|
//End of Flashback;
Oh dba? Sakit magsalita ni Gago =___=
Malapit na ako sa bahay ko ng bigla akong hinigit ni Cray 'tas niyakap.
Anyare dito?
"Shix.." pabulong nyang tawag.
"Oh?" Mahinahon ko namang sagot.
"M-mahal kita.." sabi nya naman.
Hayss. Heto na naman po tayo. :|
'Wag kang assuming, Shix.
Hinihintay ko syang sabihin na naman na, 'As a friend lang, ha?'
Pero wala akong narinig na ganung salita mula sakanya.
"Oy. Kibo-kibo rin naman dyan kung may time." Sabi nya.
"As a friend?" Sabi ko. Take note, magkayakap parin kami. Wala ata 'tong balak kumalas eh.
"Hindi."
Tss. Hindi naman pala eh.
"Okay." Kakalas na sana ako. Mas hinigpitan nya pa pagkayakap nya saakin.
"Hindi 'yun as a friend. Mahal kita, Shix. Mahal na mahal kita. Aish! Ang korni ko! Nakakabakla 'tong ginagawa ko!" Sabi nya, 'tas kumalas sa pagkayakap saakin sabay kamot sa batok. Halatang nagpapa-cute.
"Hahahaha! Mabuti't alam mong korni ka!" Tawang-tawa kong sambit.
"Tawa pa. =__=" sabi nya 'tas akmang magwo-walk-out. Ako dapat gumawa nyan dba? Sige na nga. XD pagbigyan na muna natin. Hahaha!
Agad ko naman syang niyakap.
"Huwag kang mag-alala. Mahal rin naman kita eh." Hutaaa! Napa-amin ako ng wala sa oras!
Aish! Bahala na si Batman!
"So, may pagnanasa ka nga saakin?"
Ngiting aso nyang tanong saakin.
"Hindi noh!" Sabi ko.
"Tss. Sige na nga! Pero tayo na?"
sabi nya.
"Tss. Ligaw muna." Pakipot muna ako noh :p
"Psh. Wala ng ligaw-ligaw. Mahal mo ako, mahal rin kita. So, meaning nun tayo na. Bibigay ka rin naman dba?"
"Tss. Yoko nga. Bahala ka." Sabi ko ulit bahala talaga sya dyan.
"Sige. Para mas pormal naman. Ehem. *clears throat* /lumuhod/ Shix Rayne Lee, will you be my girlfriend?"
Ngumiti muna ako tapos tumango.
Agad naman siyang tumayo 'tas niyakap ako.
"I love you, Shix Rayne Lee."
"Nado, saranghae Cray Nam Shi."
- End
BINABASA MO ANG
As a friend lang, ha? (One-Shot Story)
Teen FictionAuthor's Note: Ang mga pangalan, lugar ng pinangyarihan ay IMAHINASYON ko lamang. 'Wag po sana kayong gumaya, please? Mahaaar ko kaaaaayo :*