Last
Sunday
Every night nag-chachat kami ni Jazzone. He's always making me happy. Alam niya na din na crush ko siya. Maybe Cijeigh told him.
"Allyshia! We missed you!" Bati namin ni Cijeigh sa kaibigan namin na si Allyshia.
Kababata ko din s'ya like Cijeigh. Cousin s'ya ni Cijeigh. Sa Manila talaga sila nakatira. Nabisita lang sila dito.
"I missed you too girls!!" We hugged each other saka kami pumasok sa house nila Cijeigh para mag snacks.
"Tita Catria ang sarap niyo po talaga magluto! I missed this!" Puri ni Allyshia sa luto ni ate Catria.
"Maiwan ko muna kayo jan. I have something to do." Paalam ni ate Catria.
"Sige po thankyou po!" Sabay namin na sagot ni Allyshia. Ate Catria whispered something kay Cijeigh before she walked away.
"Zarrine nasabi naba sayo ni Jazzone?" Tanong agad ni Cijeigh pag ka alis ni ate Catria.
"Uh? Alin?" I asked curiously.
"He's leaving for good." She replied which surprised me.
"Omyghad! Seriously? Where is he going? Kailan siya aalis? Pano mo nalaman? Sunod sunod na tanong ko.
"Chill girl. Isa isa lang." natatawang singit ni Allyshia.
I ignored her. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Cijeigh.
"Uuwi na siya sa Pangasinan. Dun talaga siya nakatira. He's with his uncle. I don't know the exact date ng alis niya. I just heard it from Ranger" Malungkot na sagot n'ya.
Hindi ako nakasagot. My mouth just formed 'oh'.
"The sad part is 2 weeks palang kayo nagkakilala, aalis na agad s'ya. You haven't even talked yet!" I looked at her with questioning look. "Kung nagtataka ka kung bakit alam ko, well.... it's because of Cijeigh's mouth." She explained then laughed.
I just lowered my gaze to my food. Nagiinit na ang aking mga mata alam kong malapit na akong maluha.
"Uh girl... you know what? I guess matagal na kayo nagkikita. There so many times na when Im with you nakikita ko din s'ya... and I think nakikita mo na din si Jazzone pero neto mo nalang siya nabigyan ng atensyon." Pagkwekwento ni Cijeigh.
"You said, sa Pangasinan talaga s'ya nakatira? Since when he arrived here?" Tanong ko.
"Uh I think before Christmas."
I just nodded saka ako nagpilit ng ngiti sa kanya.
"Remember nung nanood tayo ng live band noong new year?" Cijeigh asked.
"Y-yes."
"He's also there. I also saw him looking at us. So... I think I'm right, nagkikita na nga kayo noon pa man pero hindi n'yo nabibigyan ng atensyon pa ang isa't isa."
"Poor Zarrine." Pangaasar ni Allyshia. Siniko naman s'ya ni Cijeigh kaya nanahimik na.
"Uh... asked him kung kailan alis niya." Cijeigh suggested.
"O-okay... uh... I'm going home na girls... pasabi nalang kay ate Catria thanks for the food." Malungkot na paalam ko sakanila.
YOU ARE READING
I'll be back my baby
Kısa HikayeWhat is love..? The person you miss the most when everyone is around.