Chapter Sixteen: The Result

2.2K 86 2
                                    

Alexander.

It's been a week after Kian went to my office. Hindi ako nag-hestate na gawin ang sinabi niya kase hindi naman na bago sa pamilya namin yun. Everytime we hire someone, pinapa-background check talaga namin sila. Ewan ko nga ba kung bakit di ko agad pinabackground check si Trixie e. Kase I love her? Haha.

Anyway, nandito pa rin ako sa office kahit 8 pm na. Pinauna ko ng umuwi si Xie sa bahay alam ko pagod din kase siya.

Inaantay ko na lang din si Nasi dito. Classmate ko siya nung college and ngayon ko na daw kase makukuha yung resulta.

After 2 years ata ngayon na lang ulit kami magkikita nun. Itinatawag ko lang din kase sa office nila kapag may ipapa-profile check ako or something.

Kaya sobrang nagulat ako ng tumawag siya sakin kaninang umaga na okay na daw and siya na ang bahalang magdala sa office ng result.

Nagulat naman ako ng may biglang pumasok sa opisina ko. Hindi na nga siya kumatok e. Haha. Wala pa din siyang pinagbago.

"Oh pare di ka pa rin marunong kumatok?" Tumawa ako. "Kamusta na?"

Nag-manly hug kami.

"Haha. Wala nga kase kaming pintuan sa bahay noh. Ikaw ba?" Pagbibiro niya.

"Eto palaging busy. Nakakapagod na nga e. Pero masaya naman. Buti nga pala napadaan ka."

"Eh kase nakita ko kaninang umaga nakita ko na tapos na yung tinawag mong imbestigahan namin. So naisipan ko na ang magdala dito para naman makag-kwentuhan tayo." Umupo siya sabay abot ng envelope sakin.

Agad ko namang binuksan yun. Dalawang papel ang nasa loob nito.

Trixie Marie Mendez

Mendez pala ang surname niya? May family friend din kami na Mendez e. Di kaya kamag-anak niya yun? Kaso imposible e.

21 years old

She doesn't look like a 21 year old girl. Ang liit niya kase e. Para siyang elementary. Haha.

Graduated from UP Diliman

Wow. Eh di siya na ang matalino.

BS Chemical Engineering

Siya na talaga. Ang baba ko kaya sa Chem nung highschool.

Her favorite color is purple. She loves to eat and eat and eat. She can't sleep without eating 50 ice cream or 2 gallons of ice cream a day.

Haha. Really? Naalala ko yung umorder siya sa Jollibee nung 1st time ko siyang dinala dito sa office. Tapos when I start courting her, I gave her flowers pero parang ayaw niya. Ice cream na lang daw. That's why hindi na nawawalan ng ice cream sa bahay ko.

She grew up at Tutulong Tayo Sa Bata Orphanage. She was found outside the said institution when she was still a baby. She was named Trixie Marie. No one knows what her real name is.

Kawawa naman siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na may mga magulang talaga na kayang iwan ang kanilang mga anak. Paano naaatim ng kunsensiya nila yun? Wala silang pang-buhay? Eh bakit pa sila nag-anak in the first place?

When she was 8 years old, she was adopted by a business tycoon who doesn't have a family. The man adopted 3 girls and luckily they were Trixie's friends.

Swerte pa rin siya kase may umanpon sa kanya.

The man treated them as his own daughter. He act like their real father. He send them to school. He hired 2 yaya and 2 bodyguards for each of them. He gave everything to them.

Napaka-buti ng taong umampon sa kanya. Swerte siya kase tinuring sikang tunay na anak nito.

When I say he gave EVERYTHING to them. I mean everything. Even husband. Yes. It's a fixed marriage. Her two sister was already happily married until now.

Pareho pala kami? Alam niyo ba na ang isa sa malaking problema ko ngayon ay ang nalalapit ko ng kasal? Hindi ko pa nakikilala yung babaeng papakasalan ko. Fixed marriage din kase.

Pumayag na ko sa tatay ko pero ewan ko ba. Nung nag-apply si Trixie samin. Parang nag-iba e. Tinamaan na ko sa kanya kaya nga kakausapin ko yung tatay ko pagkagaling niya sa States para sana umurong nako.

Trixie Marie is the only one left. Soon he will be married to the boy who was chosen by his father.

May kahati na pala ko. Bakit parehas kami ng kapalaran?

Napabuntong-hininga ko.

Iniligpit ko na yung resulta ng magsalita tong si Nasti

"Affected na affected ka naman pare. Haha. Nga pala may maliit na note diyan sa envelope. May hindi ata sila nasama dun sa pinaka-result. Tsaka para I have to go. May pupuntuhan pa nga pala ako." Pagpapaalam niya.

"Thanks pare." Hindi man lang kami masyadong nakapag-usap. Pre-occupied na kase yung utak ko e.

Naalala ko naman yung note na sinasabi niya kaya agad kong kinapa sa envelope.

By the way the one who adopted her is Ricardo Mendez.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.

Si Tito Ricardo? Hindi ako makapaniwala. Kaibigan siya ng daddy. Na-meet ko na siya ng naramibg beses dahil palagi siyang dumadalaw samin bago ko nag-aral sa States pero siya lang mag-isa.

Wala pa kong nami-meet sa mga anak niya. Pero sabi ni daddy na lahat daw sila ay magaganda.

Pero wait lang ha. Anak ni Tito Ricardo si Trixie Marie.

So..


Si Trixie Marie ang pakakasalan ko?

My Maid Is My Wife To Be?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon