Chapter Two

1.5K 20 0
                                    

Calli Ferrer



"You may now kiss your wife"
Tumingin ako sa taong hahalik sa akin, ayan na malapit na malapit na.Ininguso ko ang labi ko. Ayan na!

"Calli anak malilate kana! Bumangon kana dyan anong oras na!!"

Napabalikwas ako sa sunod-sunod na katok mula sa pinto.

Ay panaginip lang pala. Sayang andun na e.

Agad akong bumangon ng tumunog ang cellphone ko. Naku! Alas nwebe na pala, late na ako. Lagot nanaman ako kay Ma'am Cynthia. Siguradong uusok nanaman ang ilong at tenga nun sa galit.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Pahamak naman kasi ang panaginip ko. Pero sayang kasi malapit na sana kaming magkiss tapos napurnada pa.

Hindi na ako nag almusal, lumabas na ako ng bahay at tumakbo papuntang sakayan ng Jeep.Wala na akong pakialam kahit makabangga ako ng tao basta ang nasa isip ko lang ay ang mukha ni Ma'am Cynthia na alam kong galit na sa mga oras na ito.

Sumingit ako sa mga pasahero kahit alam kong puno na ang jeep. Pilit kong isiniksik ang pwet ko kahit malalaglag na ako sa upuan.

Pero kapag minamalas ka nga naman, naabutan pa ako ng traffic. Luminga ako sa paligid. Malapit narin naman ang coffee shop kaya bumaba na ako. Lakad takbo ang ginawa ko para umabot sa maximum late na forty five minutes dahil mababawasan nanaman ang sasahurin ko kapag nagkataon.

Paliko na ako ng kanto ng di ko napansing may paparating na kotse. Napalingon at nagulat ako dahil malapit na ang sasakyan sa direksyon ko.

Ito na ba ang katapusan ko Lord. Huhu virgin pa po ako.

Beepp! Beeeep!

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa sunud-sunod na busina ng sasakyan. Lumingon ako sa paligid ko at mangilan ngilan na rin ang nakatingin sa akin. Yung iba nagtatawanan pero yung iba naman parang wala lang.

Bumusina ulit ang sasakyan at doon ko lang na realize na kailangan ko ng umalis dahil padagdag ng padagdag ang kahihiyang natatamo ko.

Ang malas ko naman ngayong araw na to. Sana hindi ako namukhaan ng mga tao kanina.

***

"Kuya Jose. Andyan na po ba si Maam Cynthia?" bulong ko sa security guard.

"Oo.kanina ka pa nga hinahanap. Akala nga namin absent ka."

"Sige kuya salamat."

Dahan-dahan akong umatras ng makita kong nakatayo sa counter si Ma'am Cynthia.

Tatalikod na sana ako pero huli na dahil nakalapit na ito sa kinaroroonan ko. Naningkit ang mga mata nito ng makita ako.

"CALLISTA FERRER!! TAMA BA NA PUMASOK KA NG GANITONG ORAS??" sigaw nito.

Lagot na, kung nakakamatay lang ang sigaw nito siguro patay na ako ngayon.

"And look at you!Para kang bata. Ang dungis mo. Mag ayos kana don at umpisahan mo na ang trabaho mo, wag na sanang mauulit ito."

Nakayuko ako habang tumatango.

"What's going on here?"

May lumapit na babae pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makita ito dahil sumenyas agad si Ma'am Cynthia na umalis na ako.

Naabutan kong nag uusap ng palihim ang mga kasamahan ko.

"Nakita nyo ba si Ms. L?? Lalo syang gumanda noh. Ang swerte ng magiging boyfriend nya. Successful na maganda pa."

Into You ( gxg tagalog )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon