Notice me
Written by: LlOYD WRITESSi Loraine, apatnaput siyam na taong gulang, isang kagalang-galang na clinical instructor ng mga student nurse sa isang pampublikong unibersidad ay sobrang adik sa pagvivideo sa kanyang sarili habang sumasayaw at naglilip sync ng mga sari-saring kanta. bawat videos niya ay lagi niyang pinopost sa social media dahil habol niya lagi yung maraming views at likes.
kahit sa pagselfie ay di rin siya nagpapatalo sa mga kabataan ngayon, halos mapuno na ng mga videos at photos yung memory ng cellphone niya. hilig talaga niya ang laging magpasikat sa Fb at iba pang mga social medias , dahil sobrang famous ang tingin niya sa kanyang sarili.
Napakaraming comments siyang natatanggap sa bawat post niya na pawang nagpupuri sa kanyang mga ginagawa, karamihan dito ay mga estudyante niya at ang iba naman ay mga co-teachers niya. ang di alam ni Loraine kahit puro magaganda yung mga comments sa kanya ng mga nanonood ay binabash siya ng mga ito ng palihim.
inaabangan ng mga masuging viewers niya yung susunod video o pictures na iuupload niya upang may mapagtawanan na naman sila. ang buong akala kasi ni Loraine ay manghang-mangha ang lahat sa mga ginagawa niya, kaya walang tigil siya sa pagpopost araw-gabi, linggo-linggo, at buwan2.
walang pinipiling lugar si Loraine sa pagvivideo at pagseselfie niya na minsan pag may isang tugtugin na pangsayaw sa isang restaurant o kahit saan mang pormal na lugar , ay bigla nalang itong sumasayaw at nagvivideo sa sarili. maging yung mga anak niya ay galit na galit na sa mga pinaggagawa nya.
Para sa kanila ay sobrang kahihiyan ang ginagawa ng mama nila , dahil kahit sila nga ay pawang mga teenagers palang ay di gumagawa ng nga ganung bagay sa social medias niya, nadaig pa daw sila ng nanay nila. pero balewala lang ito kay Loraine ang importante kasi sa kanya ang kanyang kasikatan.
hanggang sa isang araw kakatapos lang magrecord ni Loraine ng kanyang mga bagong videos na sayaw at lip sync, agad niya itong pinost, at sobrang nasabik siya sa dami ng likes, shares, comments at views na matatanggap mula sa mga Social media friends niya. pero kahit limang oras na ang lumipas ay sobrang nadismaya at nagalit si Loraine dahil 10 likes , 12 views at two comments lang ang natanggap ng dalawang post niya sa fb.
labis siyang nabahla at nag-alala kung bakit naging ganun ang kinalabasan ng mga bagong uploads niya,dinelete niya ang mga ito at inupload ulit dahil naisip niya na baka hindi pa online yung mga fans niya pero ganun parin yung naging resulta.
ilang araw din siyang nag upload ng upload ng mga bagong sayaw at lipsync na videos kasama narin ang selfies pero gaya nung nakaraan ay ganun parin, sobra ang binaba ng views at likes niya. dahil sa labis na kalungkutan na nadarama ay umiyak ng sobra si loraine hindi niya natanggap ang nangyari sa mga post niya. buong gabi siyang walang tigil sa pag-iyak at di muna niya binuksan ang Fb niya.
kinabukasan nang magising na si Loraine ay agad niyang sinilip ang facebook niya sa pag-asang baka bumalik na yung dami ng likes at views niya, pero sobrang galit ang kanyang naramdaman nang may nabasa siyang isang post sa newsfeed ng fb niya, may pinost ang isang co-teacher niya na siyang nagpainit ng ulo niya, alam niya na siya ang pinatatamaan nito dahil ang nilalaman ng post na ito ay
"oh ano nagulat kaba na kunti lang ang likes at views ng mga kalokohan mo? pasikat pa more, anong akala mo sa sarili mo famous?! isang kang famewhore! , feeling mo best dancer kana talaga at best singer pa?! , sus di mo lang alam laughing stuff lang namin yang mga pinaggagawa mo,pero sobrang sawa na kami kaya tumigil kana girl ha! sobrang toxic mo na, k bye!"
umani ang post na to ng napakaraming likes at comments, bawat comments ay binasa ni loraine at mas lalong umapaw ang galit niya dahil alam niya sa sarili niya na siya ang pinatamaan , pinagtatawanan at pinag-uusapan ng mga ito. sa sobrang galit ay naiyak na naman si loraine,hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanya. sobrang lungkot ang bumalot sa mundo niya nung araw na yun, buong araw at gabi siyang di kumain ,nakatulala lang siya sa kwarto at nakatingin sa kawalan. pero may isang ideya ang unti-unting gumuguhit sa isipan niya, at ito ang gusto niyang gawin sa susunod na pagpost niya sa social media.