"LIZA" (TAGALOG PSYCHO-HOROR STORY)

241 10 5
                                    

PTPA

Liza
Sa orihinal na panunulat ni : 🖊Lloyd Tan
Genre: Psychological Horror🔪

Ganadong-ganado ang dalawamput anim na taong gulang na security guard na si Ricky sa kanyang duty. dahil naassign  siya sa isang accesories store na kung saan ay pwede kang makabili ng mga ibat-ibang kakagamitan o accesories na may mukha  ng mga paborito mong artista.

si Ricky naman ay sobrang umiidolo at labis  na nababaliw sa kagandahan ni Liza Soberano, bawat teleserye, pelikula at kahit patalastas pa ay di pinapalampas ni Ricky masilayan lamang niya ang mahal niyang si Liza ay nakukumpleto na ang araw niya.

kaya masayang masaya si Ricky nang malaman niyang maaassign siyang magduty sa store na ito dahil nakita niya napakaraming accesories ni Liza ang pwede niyang mabili dito. kada sweldo ni Ricky ay sari-saring mga accesories ng kanyang idolo ang nabibili niya, na halos kalahati lagi ng sweldo nya ang nalalagas sa pamimili.

Buti nalang ay single pa si Ricky at namumuhay lang nang mag-isa kaya di siya masyadong namomoblema sa gastusin niya sa araw-araw,at kaya laging may nakalaan na pera talaga para sa koleksyon niya.

isang araw sobrang natuwa si Ricky dahil may dumating na stock sa store nila na siyang sobrang nagpasigla sa kanya, isang electric guitar na may malaking letrato ni liza ang siyang disenyo ng naturang guitara na ito. sobrang nagandahan at namangha tlaga ang binata dahil mula sa likod at harap ng katawan ng guitarang ito ay may sari saring letrato ni Liza.

halos gusto na niya itong iuwi,tinignan niya agad kung magkano ito at nagpasya siyang utangin nalang ito sa amo niya dahil kulang na kulang ang kanyang sahod at ipon para mabili ito, nagkakahalagang 30,000 pesos ang guitara kaya sobrang namoblema talaga si Ricky kung saan siya makakahanap ng ganung kalaking halaga.

kaya ang naisip niyang solusyon ay pakiusapan ang kanyang amo na utangin nalang ito, nangako siyang buwan2 niya itong babayaran sa kada sweldo niya, kahit kunin pa ang 70 percent ng sahod ay ayos lang sa kanya bastat mapa sa kanya lang ang guitara.

pero sobrang nadismaya si Ricky dahil kahit anong pilit niya ay di tlaga pumayag yung amo niya na utangin niya yung guitara. kaya mula nung araw na yun ay naging sukdulan ang galit ni Ricky, ni hindi niya tinapos ang buong araw niyang duty, agad niyang nilisan ang store at wala nang pakealam pa kahit tanggalin pa siya sa trabaho.

kinagabihan ay isang plano ang nabuo sa isipan ni Ricky, gustong gusto niya talaga makuha ang electric guitar kaya gagawin niya ang lahat kahit pa ang pinakamasamang bagay
makuha niya lang ang kanyang inaasam-asam.

kinabukasan agad na tinungo ni Ricky ang store na yun upang isagawa ang kanyang balak. pagkatapak niya palang sa pinto ay nakasalubong niya agad yung amo niya na siyang nagpaulan agad ng sermon sa kanya. balak din nito na isesante na si ricky sa trabaho.

"bat bumalik kapa dito ha?! , wala kanang babalikan dito! sesante kana sa trabaho!, wala kang galang ha di kalang napagbigyan sa gusto mo tapos lalayasan mo lang ako ng ganun?! pwes ngayon tutuparin ko na ang ginawa  mo,lumayas kana!"

matapos lahat ng sermon na natanggap ni Ricky ay wala siyang ni isang salita na ginanti sa amo niya, agad niyang binunot ang nakatagong kutsilyo mula sa tagiliran niya at walang tigil na hinundayan ng saksak ang kanyang amo sa may bahaging banda ng tiyan.

dito niya ibinuhos ang lahat ng galit niya para sa amo niya, hindi na nakapanlaban pa ang kanyang amo dahil nagulat ito sa ginawa ni Ricky sa kanya. matapos nun ay agad nang nabawian ng buhay ang kanyang amo, hinila ni Ricky ang bangkay ng kanyang amo at inilapag lang ito sa loob ng banyo. pagkatapos ay agad na tinungo ni Ricky yung pwesto na kung saan nakadisplay ang guitara, pero laking galit at pagkagulat ang kanyang naramdaman dahil wala na dun yung inaasam-asam niyang guitara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"LIZA" (TAGALOG PSYCHO-HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon