Unexpected Encounter

0 0 0
                                    

May mga tao sa mundo na hindi  naniniwala sa destiny,kasi iniisip nila na imposibleng magtagpo ulit ang dalawang taong nagtagpo na dati pero sabi nga nila walang imposible kay tadhana.

Katulad na lang ni Andrew at Gara. Si Gara ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay isang babae na naghinhintay ng isang lalaki na magmamahal sa kanya ng totoo. Si Andrew naman ay isang gwapo at masungit na lalaki. Si Andrew ay isang artista,pinipilit niya ang sarili na makalimutan ang isang babae na subrang minahal niya.

Si andrew ay may isang commitment na dapat niyang gawin. June 15,2009 may gaganapin na isang mall show si andrew at marami syang artista nakasama sa show. Isa sa kasama niya ay idolo ni Gara kaya pumunta dun si Gara kung saan gaganapin ang show nila Andrew. Ilang oras lang nag simula na ang show (Makalipas ang 3 oras natapos na ang show)
pagkatapos ng show pumunta si Gara sa grupo nila Andrew at nagtanong siya sa idolo niya kung pwede siyang magpapapicture at pumayag naman ang idolo niya nagpapicture siya pero sabi ni Gara lulubosin niya na kaya nagpapicture din siya kay Andrew. Yan ang unang pagtatagpo ni Andrew at Gara.

(Limang Taon ang nakalipas)

June 16, 2015 nag tagpo ulit si Gara at Andrew. Si Gara ay nag audition sa isang teleserye at natanggap siya. Samatalang si Andre ay isa pa ring artista. Sa di inaasahan magiging ka  Loveteam pala ni Andrew si Gara sa isang Teleserye. maraming nagmahal at kinilig sa kanilang dalawa pero nung panahon na yun hindi pa pala nakaka move on si Andrew sa Ex girlfriend niya. Isang gabi nakita ni Gara na umiiyak si andrew at nilapitan niya ito at tinanong kung ok lng siya sinagot naman siya ni andrew at sabi ni andrew ok lang siya ngunit bakas sa mga mata ni andrew na hindi siya maayos kaya sabi ni Gara kung kailangan mo ng kausap o karamay andito lang ako. At ng gabing yun kweninto ni Andrew kay Gara ang lahat ng nangyare sa kanila ng Ex girlfriend niya.ayun kay andrew naghiwalay sila ng girlfriend niya dahil hindi niya ito mabigyan ng oras sabi pa ni andrew ang susunod na mamahalin niya ay ibibigay niya lahat ng oras niya. Pinakingan siya ni Gara at halos maluha luha din si Gara at sabay sabi kay Andrew na makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin ka at kayang tumbasan ang pagmamahal mo para sa kanya. at nagtinginan silang dalawa ni Andrew. Simula ng gabing iyon naging magkaibigan na si Andrew at Gara. Marami na silang nagawang teleserye together,mas nakilala nila ang isa't isa hindi namamalayan ni andrew na unti unti niya na palang nakakalimutan ang ex girlfriend niya dahil kay Gara. Isang araw nagkaroon ng guesting sila andrew at gara at tinanong sila kung totoo bang nagkita na sila dati ngunit sa tagal ng panahon hindi na ito maalala ni gara at andrew sinabi nila sa nag iinterview sa kanila na hindi nila alam,isang fan ang nagsabi na nagkita na daw sila dati dahil nakita nila ang picture na pinost ni Gara sa kanyang Facebook Account noon at ipinakita nila ito kay gara at andrew ng makita ito ni gara at andrew hindi maipinta ang kanilang mga mukha sa tuwa. Ng makita nila ito subrang natawa sila dahil nagkita na pala si dati at pinagtagpo ulit sila ngayon.

Ilang araw ang nakalipas ng biglang napagtanto ni Andrew na nakamoveon na siya sa ex niya at palagi niyang naaalala si gara. Unti unti na palang nahulog ang loob ni andrew kay gara niyaya ni andrew si gara na mag date at pumayag din si gara nahulog na din pala ang loob ni gara kay andrew. Habang nag dadate sila tinanong ni andrew si gara kung pwede daw siyang manligaw at agad naman siyang sinagot ni gara ng Oo.

Sumapit ang January 5 birthday ni Andrew sinurpresa siya ni gara at ng araw din na iyon ay sinagot na din siya ni gara subrang tuwang tuwa si andrew at naiyak na lang siya sa subrang tuwa at sabi niya ni andrew kay gara....

Andrew: Maraming salamat Gara pangako aalagaan kita,ibibigay ko lahat ng oras ko sayo,hinding hindi kita iiwan at susuportahan kita sa lahat ng gusto mo.

Naiyak din si gara pero para kay andrew yun ang best gift na natanggap niya sa buong buhay niya.

(Ilang buwan ang nakalipas)

Nagbago lahat nawalan ng oras si andrew kay gara lahat ng ipinangako niya hindi natupad.Palaging trabaho na lang ang inaatupag ni andrea at nakalimutan niya na si gara sa tuwing aayain siya ni gara na lumubas sila ay palagi niyang sinasabi na marami pa daw siyang gagawin. Hanggang isang araw napagod na lang si gara niyaya niya si andrew na magkita sila at magusap.ilang minuto lang dumating na si andrew sa tagpuan nila

Andrew: Gara bakit may problema ka ba?anong paguusapan natin?

Gara: Andrew ayoko na pagod na ako

Andrew: Anong pagod kana?Ayaw mona ba sakin?nakikipag hiwalay kana ba?

Gara: Andrew mahal kita. Pero hindi kona kaya subrang sakit na alam mo oras mo lang naman yung kailangan ko pero hindi mo maibigay sakin yun,palagi ka na lang trabaho hindi mona ako pinapansin,ayoko man gawin to pero andrew pagod na kung intindihin ka,pagod na kung humingi ng atensyon mo....

Andrew: Pero gara hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko!

Gara: Alam mo andrew kung ayaw mo kong mawala sa buhay sana noon pa lang binigyan mo na ko ng atensyon mo alam mo andrew nasasaktan na rin ako ehhh..andrew kung mahal mo talaga ako palalayain mo ko,hahayaan mo ko

Andrew: Pero Gara....

Gara: Tama na andrew hindi kona kaya..paalam makakahanap ka rin ng mamahalin ka higit sa pagmamahal na binigay ko sayo, pero sana kapag dumating yung babaeng yun bigyan mo sya ng oras at atensyon mo mahalin mo siya higit sa pagmamahal na binigay ko sayo.tandaan mo andrew andito pa din ako kung kailangan mo ng karamay o makakausap tandaan mo na MAHAL NA MAHAL KITA...

(umalis na si gara)
(Umaga)

Interviewer: Andrew totoo bang wala na o tapos na kayo ni Gara

Andrew: Opo

Interviewer: Bakit?Sa anong dahilan?

Andrew: Ahmm..No comment na po muna ako jan....

(Naluluha na si andrew ngunit pinipigilan niya na tumulo ito)

(umalis na din si andrew)

Makalipas ang taon hindi na sila nagkita ngunit umaasa pa rin si andrew na babalik si gara sa kanya

Andrew to Gara: If it's meant to be it will find it's way

naniniwala si andrew na magtatagpo ulit sila ni gara,katulad ng pagtatagpo nila noon...ngunit sabi ni andrew sa muling pagkikita nila ay sana wala pang nagmamay ari sa puso ni gara..

Alam niyo may mga taong pinagtatagpo ng tadhana ngunit pinaghihiwalay din pero hindi porket pinaghiwalay kayo ehhh hindi na kayo para sa isa't isa may mga taong pinagtagpo ngunit pinaghihiwalay para subukin ang katatagan nila...wag kayong matakot maiwan ng isang tao dahil kung kayo talaga malay mo magkita ulit kayo sa dulo.

Katulad ni Gara at andrew...at malay natin sa huli magkita ulit si andrew at gara walang imposible sa taong nagmamahal at naniniwala sa tadhana....

Hope you like my story and hope you enjoy reading thank you😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected EncounterWhere stories live. Discover now