Disclaimer: This is a work of fiction. Names, places, events, or even the scenarios in this story is all about the author's imagination. I'm sorry for the grammatical errors, misplaced punctuation marks, and even for the tagalog word. I'll just edit it soon, hope you'll enjoy reading!
"Ano ba'ng tinitingnan mo diyan?" tanong sa 'kin ni Vien sabay batok.
"May naiisip lang ako," paliwanag ko na hindi man lang ininda ang pagbatok niya.
"Wow, may isip ka pala?" gulat na sabi niya habang pinamimilugan pa ng bibig.
"Dami mong alam,"
Pero seryoso na. Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Eliana Maevie Romero. High school student ako sa isang sikat na paaralan dito sa lugar namin. Ang Sherian Academy. Scholar lang ako dito kaya ako nakapasok. Pangarap ko na ito noon pa at sobrang galak ng dumating ang oras na nakatungtong ako sa paaralan na 'to.
Madalas pag walang klase ay tinutulungan ko si Nanay na magtinda sa palengke ng gulay. Maraming nakakakita sa akin doon pero hindi ko iyon ikinakahiya. Marangal ang ginagawa namin kaya walang dahilan para mahiya ako sa ginagawa.
Nandito kami ngayon ni Vien sa may waiting area. Uwian na namin pero kailangan pa namin hintayin si Louie na isa din sa kaibigan ko na lalaki. Tatlo kaming magkakaibigan at masasabi kong masaya na ako sa kanilang dalawa. Onti man pero masaya at totoo ang isa't isa.
"Ang tagal naman ng panget na 'yon," asar na sabi ni Vien habang kanina pa panay ang tingin sa bawat estudyante na dumadaan sa harap namin.
"Napaka mainipin mo,"
"Ay aba baka nakakalimutan mo na may date kami ng boyfriend ko 'no!"
"Weh? Boyfriend mo talaga? O, imagination lang?" nagpipigil na tawang tanong ko at huli na ang lahat para makailag dahil naabot niya na ang buhok ko para masabunutan.
"Aray!" angal ko.
"Palibhasa wala pang nagugustuhan kaya hindi mo alam kung ano ang pakiramdam," kinikilig na sabi niya, pabebe.
Matapos ang biruan namin ay dumating na si Louie at nang makita kaming dalawa na naghihintay ay agad siyang tumakbo sa amin papalapit.
"Sweet talaga ng mga bestfriend ko akalain mo 'yun hinintay pa talaga ako," iiling iling na sabi ng mahangin ay este ni Louie pala.
"Kapal ng mukha hindi ka naman sana talaga namin hihintayin kaso naalala ko may utang ka pa pala sa 'kin na bente," pabalang na sabi ni Vien at mukhang inis na inis na.
"Kalma bestfriend, sige ka, baka iwan ka ng imagination boyfriend mo," matapos kong marinig 'yon ay hindi ko na naiwasan na hindi matawa kaya nang masalubong ko ang mga nanggagalaiting tingin ni Vien ay agad akong huminto.
"Ang sama talaga ng ugali ng kaibigan natin 'no?" sabi ko habang nagpipigil ng paghalaklak.
"Tse! Magsama kayo parehas kayong abno!" at tuluyan na nga siyang napikon kaya nang mauna na siyang maglakad ay doon namin napakawalan ang animo'y kompetisyon sa palakasan ng halakhak.
"Pikon talaga ng babae na 'yon,"
"Sinabi mo pa," at nang unti unti kaming tumigil sa pagtawa ay inakbayan niya ako sa leeg gamit ang isang braso at ang isa naman ay pinangkuskos sa ulunan ko.
"Aray ko!" angil ko dahil pakiramdam ko biglang umapoy ang bandang ulunan ko dahil sa ginawa niya.
"Pag may nanligaw sa inyo dadaan muna sila sa 'kin," nakaakbay pa rin na sabi niya habang sinusundan namin si Vien.
Totoong parang magkakapatid na kaming tatlo. Magmula ng mag aral ako dito sila na ang nakasama ko. Unang taon ko ng sekondarya ay walang ibang tao na lumapit sa akin, wala akong naging kaibigan, dumating na rin ako sa punto ng buhay ko na pag oras na ng kainan hindi na ako bumababa kahit kumakalam na ang tiyan. Ayokong mag isa. Nahihiya akong mag isa. Akala ko matagal na panahon kong mararamdaman 'yon. Pero nagkamali ako, dahil dumating silang dalawa. Naging kaklase ko sila nung naging grade eight ako. Magmula ng makilala ko sila walang oras o 'ni minuto ang lumipas na hindi ako masaya. Nabuo kaming tatlo at 'yon ang isa sa ipinagpapasalamat ko.
Maraming beses na rin ang may mga nangutya samin dahil bakit raw namin naging kaibigan ang isa sa mga heartrob ng campus na 'to. E, hindi naman daw kami mga kagandahan at lalong hindi mayaman eh ako lang naman ang hindi mayaman sa aming tatlo 'no pero nandoon ang kaibigan namin na siyang nagtanggol samin sa lahat ng maraming tao.
Marami na kaming pinagdaanan. May oras na masaya, may oras na nabibigatan, at lalong may oras na nalulunod kami sa lungkot. Pero lahat ng 'yon hinarap naming tatlo na magkakasama. At masasabi kong lahat ng 'yon napagtagumpayan namin na siyang nakapagpatibay lalo ng pagkakaibigan namin.
"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan," tapik sa akin ni Vien habang nasa sasakyan kami ni Louie na siyang maghahatid sa amin sa bahay.
"Bakit? Masama na ba ang pagtulala?" inis na sabi ko dahil sinisira nanaman niya ang momento ko.
"Barado 101," sabat ni Louie habang nagmamaneho.
"Ikaw kanina ka pa, ah! Sapakin kaya kita?" sabay batok niya sa kaibigan kong lalaki.
"Aray! Hindi kita ihahatid!" pananakot naman ni Louie sa kanya kaya agad siyang tumigil ang nagpapacute na ngumiti.
"Eto naman hindi mabiro, sweetness ang tawag doon,"
"Corny mo manahimik ka na nga lang diyan,"
Eto ako sa likod ng sasakyan habang nakasandal ang ulo sa may pintuan. Napapangiti nalang ako sa tuwing maririnig sila na magbangayan. Totoong si Vien ay may boyfriend na at si Louie naman ay may nililigawan na na si Alessa.
Grade 10 na kami ngayon. At masasabi ko na sa campus ay marami akong natitipuhan pero wala 'ni isa doon ang pakiramdam ko na ako ay magugustuhan.
Magkakaklase kaming tatlo mula grade 8 at ngayong grade 10, malakas ata ang hatak ng kaibigan ko na 'to.Sa sobrang paglalayag ng isipan ko ay hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Simple lamang ang bahay namin. Masaya ako sa pamilya ko pero hindi hanggang sa marinig ko nanaman sila Mama at Papa na panay ang bangayan sa tuwing nakainom ito.
"Bye, sunduin ulit kita bukas, huwag kang aalis hangga't hindi kami dumadating ng pangit na 'to," turo niya kay Vien pero hindi niya siguro napansin dahil may katext nanaman ito na siguro ay ang boyfriend niya.
"Oo hihintayin ko kayo,"
"O, sige na, pumasok ka muna bago kami umalis," ganyan ang kaibigan ko.
"Salamat, mag ingat kayo," paalam ko.
"Mag ingat kamo sila," sabay nilang sabi kaya ayon nanaman sila na nagbabatukan na.
Pumasok na ako sa bahay at gabi na rin kaya naghanda na ng hapunan. Wala pa si Mama kaya nauna na akong kumain dahil hinahanap na ng katawan ko ang pahinga. Tinakpan ko muna ang mga niluto ko at saka pumanik na sa itaas. Nag iisa lang ako na anak. Lumuwag luwag ang buhay namin ng makahanap si Mama ng pwesto sa palengke na pagtitindahan ng mga gulay. Marami na ang naging suki niya at madalas pa nga na mga bumibili ng gulay sa kanya ay ang mga nagtitinda ng mga ulam sa canteen namin sa campus.
"Ang sakit ng likod ko wengya," sambit ko.
Naghilamos muna ako at nagpalit ng damit at nilabhan na rin ang uniporme ko. Nang matapos na ang lahat ng gagawin ay binagsak ko na ang katawan sa kama at wala pang ilang minuto at nakatulog na.
YOU ARE READING
Falling like the stars
RomanceIsa akong simpleng babae na mayroon na dalawang kaibigan. Masaya ako na kasama sila, ewan ko lang sila. Marami nang sumubok na mangutya sa akin pero hindi ako nagpadala dahil bukos sa sarili ko mayroon akong mga tao sa paligid ko na mas kilala kung...