Chapter 33

7.2K 107 1
                                    

Chapter 33:

"BEEP! BEEP! BEEP!"

Bigla ko nalang naramadaman na nagbeepbeep yung cp. That means my new message ako. Agad ko nang kinuha yung cp ko tapos tinignan kong sino ang nagtext.

From: BeastBoyfriend.

Bhabex? Free ka ba? Labas tayo ngayon. Kung ok lang sayo? Miss you na kasi.

To: Si Ako.

Talagang si Beastbhahex oh? Kanina lang naman kami nagkita ah? Tapos ano to? Agad-agad? Magkikita kami ulit? Nag reply ako sa kanya.

From: Si Ako.

Ano kaba? Eh kanina lang naman tayo magkasama ah? Bakit gusto mong magkita tayo ulit?

To:BeastBoyfriend.

Message sent.

Hindi nagtagal ay nagbeep na naman yung cp ko. Ang bilis namang mag reply ng mokong na yun.

From:BeastBoyfriend.

Basta. Gusto na kita muling makita. Sige na? Labas na tayo? Susunduin kita dyan sa house nyu.

To: Si Ako.

Ano? Susunduin niya ako? Dito sa bahay? Hindi pwede. Kainis naman e. Mabilis uli akong nagreply sa kanya.

From: Si Ako.

Sa kanto mo nalang ako maghihintay. Dun mo nalang ako sunduin. Sige see you later. Love u. Muaaaaah.

To:BeastBoyfriend.

Message sent.

 "BEEP! BEEP!"

From:BeastBoyfriend.

Ok. Love u too. Muaaaaah.

To: Si Ako.

Nagmadali na kaagad akong magbihis at magpaganda dahil ayokong hintayin ako dun ni Zander sa kanto. Baka pagdeskitahan pa siya dun ng mga Adik. Nagmadali na akong tumakbo papalabas ng bahay tapos tumungo na ako dun sa kanto. Hinintay ko siya dun ng ilang minuto hanggang sa dumating na siya. Nakapagtataka? Ibang sasakyan ang dala niya ha? Bumukas na yung pintuan ng sasakyan. At nang bumukas na ito ay ibang tao ang lumabas. Driver ata ni Zander? Nang makalabas na ito ay pinagbuksan niya na ng pinto si Zander. Nang buksan niya na ang pinto ay laking gulat ko ng hindi si Zander ang iniluwa ng pinto. Isang matandang mayamang lalaki ang lumabas galing sa loob ng napakagarang sasakyan. Hindi ko alam sino siya.

"Ikaw ba si Zandra? Ang girlfriend ng anak ko?" anak ko? Don't tell me? Siya ang papa ni Zander?

"Ahh. Oo nga po. Nandito po ba kayo para sunduin ako?" tanong ko sa kanya. Tapos biglang tumawa yung matanda at nagsalita.

"Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Ako? Ako na may ari ng isang kompanya susunduin ang isang pobreng katulad mo? Nandito lang ako para ibigay sayo to. Siguro sapat na yan para layuan mo na ang anak ko." Layuan?

"Sir? Ano to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Nakikita mo naman siguro diba? Malaking pera yan. Kung kulang pa yan, magsabi ka lang dadagdagan ko."  Ano to? Sinusuhulan niya akompara layuan ang anak niya?

"A Secret Identity of a Hidden Princess."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon