Kababalaghan sa School ~!

1K 14 11
                                    

Rica: Ako si Rica.. Isang grade six student

Isang gabi sa kanilang bahay..

Rica: Hmmm... san ko kaya nilagay yung project namen?..

After 5 minutes..

Rica: Ayy.. oo nga pala! Naiwan ko nga pala ito sa classroom namen sa school!.. Hay.. Naku! Kailangan ko nang matapos yun.. Siguro kailangan ko talagang pumunta na sa school namen.

Napagdesisyunan ni Rica na pumunta sa kanilang school kahit madalim na at 9:00 na ng gabi. Sumakay siya ng jeep at nakarating na rin siya ng school after 15 minutes.

Rica: Haayy.. Sa wakas nakarating na rin ako!

Nang siya ay dumating nakita niyang madilim ang loob ng school, ngunit di siya nagpadala sa takot. Nang nasa harapan na siya ng gate ng school ay bigla nalang siyang nagulat dahil nagbukas ito ng mag-isa, wala namang tao nung time na yon.

Rica: Hala?!.. Baket biglang nagbukas yung gate?.. Nakakatakot naman! Kinikilabutan na ako!.. Hmmm.. Pero kailangan kong kunin ang project.. Bahala na!

Nang siya ay makapasok, binuksan niya agad ang ilaw at pinuntahan na niya ang kanilang classroom. 

Rica: Naku! Saan ko ba nilagay yun?.. Hayy.. Kailangan ko tuloy maghalungkat!

Habang naghahalungkat si Rica ay bigla nalang siyang nakarinig ng sigaw ng isang babae. Ngunit di niya ito pinansin, alam niyang ang ingay na iyon ay galing sa kanilang library. Malapit ren kasi ang library sa kanilang classroom. Sabi ren ng iba na may multo talaga sa kanilang library kaya bihira itong binubuksan.

Rica: Ayun! Nahanap ko na ren! Haayy.. salamat! Ano ba yan! Bigla naman akong naihi! Makababa nga!

Bumaba si Rica dahil nandun ang CR. Pumasok siya sa unang cubicle, ngunit nung siya ay pumasok ay bigla nalang siyang nakakita ng sulat na nagsasabing "HUMANDA KA!" Natakot siya at pumasok siya sa pangatlong cubicle, ngunit sa kasamaang-palad naka-lock ito. No choice na si Rica, kaya pumasok na siya sa gitnang cubicle.

Rica: Naku! Sana di mangyare saken yung nabasa kong kwento tungkol dun sa gitnang cubicle!

Tapos na siyang gumamit ng CR, wala namang nangyaring masama sa kanya. Ngunit nang dumaan siya sa corridor ay may nakita siyang anino ng isang lalaki, at nakita niyang palapit na ito sa kanya. Sa sobrang nerbyos ay tumakbo siya at may nakabangga siyang isang lalaki. Natakot siya, ngunit si Manong Guard lang pala ito!

Rica: Manong Guard! Tulungan niyo po ako! Buti nalang po dumating kayo!

Manong Guard: Buti nga at nagising ako. Bigla ko kasing naisip na icheck tong school kasi may nakita akong bukas na ilaw. Nagpunta ka ba sa library?

Rica: Hindi po! Baket niyo po tinatanong?

Manong Guard: Buti nalang at di ka pumunta kundi baka kulungin ka ng isang babae dun at papatayin ka. Hindi mo ba alam na marami ng namatay dito? Ganito rin ang ginawa nila, nagpunta sila dito ng gabi at nung may narinig silang sigaw ng isang babae ay pumunta sila sa library. At kinabukasan ay nakita nalang namen ang mga bangkay nila sa library.

Rica: Haayy.. buti nalang di ako nagpunta!

Manong Guard: Kapag namatay ka dito ay habang buhay ng makukulong ang kaluluwa mo sa library! Tara na at umalis na tayo dito!

Rica: Sige po Manong Guard! Salamat po talaga!

At nakaalis si Rica sa kanilang paaralan ng ligtas. Nang gabing iyon ay di siya makatulog dahil iniisip pa rin niya ang nangyare sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kababalaghan sa School ~!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon