Chapter 15 (part 3)

262 6 7
                                    

"Good morning sir."

"Good morning tito Zach"

Magkasabay namin ni Rhed na binati si tito Zach. Dahil nag-wo-work ako dito sa company, kailangan ko pa rin siyang tawaging sir. On the other hand, Rhed is a visitor, and a business associate kaya pwede niyang tawaging tito si tito Zach.

"Good morning Ianne, Dr. Rhed Bautista. Please sit down. May hinihintay pa tayo before we start this meeting."

Naupo ako sa couch, yoon lang kasi ang available na upuan. Rhed sat next to me. Hindi naman maiiwasan na makaharap ang mga taong ayaw kong makita.

"Goodmorning Miss Sevilla"

The one who greeted me while giving me a very cold stare is Mr. Loard Montaverde. The person who doesn't like me the most. I don't know why he despised me. Dahil ba sa naging general manager ako agad noon? No wonder his daughter despise me as well.

"Goodmorning sir."

"Hello Vanity. Ang tagal na nating hindi nagkita. Kumusta ka naman?"

I looked at the person who is infront of me. Bakit ba nandito itong bitch na babaeng ito? At wow ha ang galing pumlastic. Tupperware lang ang peg? Well then honey, two can play your game.

"Hello to you too Mikaella. How are you? Oo nga ang tagal na nating hindi nagkita. What are you doing here? Are you also planning to invest in the hotel?"

Naramdaman kong hinawakan ni Rhed ang binti ko. Halata bang nang gigigil ako dito sa asong kaharap ko? Mahirap din palang maging plastic.

"No, hindi ako mag-iinvest. Actually, I will let tito Zach explain later kung bakit ako nandito."

I looked at tito Zach. He looked sour. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagtawag sa kanya ni Mikaella ng tito. What more if dad na ang tawag sa kanya? Baka masuka siya.

Then I turned my stare towards the old Montaverde. He is smiling stupidly. Maybe because he is so proud of his daughter calling the CEO, 'tito'. He is so cunning, making me want to punch him straight in the face.

"How about you Jullian? Anong ginagawa mo rito?"

Well, Don't wonder kung bakit sila close. Aside from being in the same social circle, nagsayaw na sila before. Noong gabi ng ball. I still remember kung paano niya iniwan si Wess para lang makipaglandian kay Rhed.

"I came as my dad's representative. Balak kasi niyang mag-invest dito sa hotel. Dad said na it is a good to invest in business and he chose Empress view."

"Hmm."

Napangiti ako. Natatawa na kasi ako. Akalain mo yun? Walang masabi si Mikaella. She doesn't even look interested. Para lang siguro mapansin siya ni Rhed. Kalandi talaga nitong asong to.

"Good morning sir. Sorry for being late. Kailangan ko pa kasing tapusin yung meeting ko with other investors."

Nilingon ko yung dumating. Ah si Wess lang pala. Ano bang meron dito sa meeting na ito? Bakit parang double date?

"It's ok. 8 minutes ka lang namang late. Sit down Wess."

Umupo naman siya sa tabi ni Mikaella. Aba, hindi man lang nagulat si Wess kung bakit nandito ang girlfriend niya at ang matandang Montaverde. Alam niya ba kung tungkol saan ang meeting? Wait hindi din nagulat si Rhed na nandito si Mikaella. Ako lang ang clueless?

"Good morning Sir."

Nakatingin sya sa papa ni Mikaella. Aba sir ang tawag niya, not tito. Sabagay office premise.

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon