Chapter Twenty Three

14 0 0
                                    

                       Talia POV.

It's been One month pagkatapos ng magising si Clark, naka labas ng ospital at ang pag graduate namin, nakaka lungkot lang dahil hindi pa siya gra-graduate at mas lalo akong nalungkot talaga ng marinig ko sa kanya na hindi niya ako maalala parang sumikip ang dibdib ko hindi makahinga pero hindi ko pinakita at pinahalata sa kanya kung ano yong nararamdaman ko, pero kahit may amnisia siya alam ko naalala niya ko sa puso niya.

At Ito na nga...

Nakatingin ako sa mga taong busy sa mga ginagawa nila, naghahanda sa araw na Ito, alam niyo kung bakit? Ito yong araw na pinakahihintay ng dalawa sina Myka at Nathan ang kasal nila. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling hotel kung saan naghahanda ang lahat, Ang yaman ng bespren ko siya talaga nag prepare nito para Kay Myka, no'ng una akala mo talaga sinong nakakadiri itong si Myka para hindian niya pero ngayon, mas lamang pa ang pagmamahal niya kayyujsa Kay Myka, Kaya talaga turuan ang puso lalo na kung pinapakita ng isang tao kung gaano niya Ito kamahal. room

"Ma'am, tapos na po kita makeup-an" Sabi ng makeup and I makeup artist na si Kath, napatingin ako sa salamin, nagulat pa ako sa nakita sa ginawa niya sa'kin, ako ba talaga 'to? Tanong ko saking sarili.
"Maganda na po kayo ma'am kaya hindi ako nahirapan sa makeup na gagamitin ko para sa'yo!" Nakangiti niya sabi. Tama siya light makeup lang ang nilagay niya pero masasabi ko perfect Ito. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.

"Salamat Kath!" Sabi ko.

Pagkatapos ko masuot ang bridesmaid gown ko syempre ako yon dahil Wala akong choice, Haha!
Si Myka kasi eh, pero dahil si Clark naman bestman na Nathan pumayag na ako, ayoko naman may maka partner siyang iba no!.
Naglakad ako sa hallway ng hotel papunta sa kwarto ni Myka.
Siguro naman ngayon tapos na siyang ayusan. Pagpasok ko sakto nagliligpit na ang makeup artist na nag ayos sa kanya, ngumiti sila sa'kin bago lumabas. Lumapit ako Kay Myka sa may malaking salamin Kaya nakita niya ako.

"Ano, handa kana ba?" Tanong ko sa kanya pero yong kamay niya hindi mapakali.

"Talia kinakabahan ako eh!" Gusto ko matawa kasi yong kamay niya nanginginig kaya hinawakan ko Ito.

"Bakit ka naman kakabahan eh Ito na yong araw na pinakahihintay niyo!" Sabi ko pa sa kanya para naman mabawasan ang kaba niya.

"Pakiramdam ko kasi, aatras si Nathan sa kasal namin!" Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ganito ba talaga pag kinakasal kung ano-ano naiisip. Tiningnan ko siya.

"Hindi mangyayari yon, Mahal ka Kaya ni Nathan at Alam mo yan!" Pagkatapos ko sabihin yon ay may kumatok sa pinto. Ang coordinator ng event.

"Ma'am, settled na po lahat sa simbahan kaya pwede na po kayo pumunta." Nagpasalamat ako bago siya lumabas.

"Tara na, 'wag muna isipin yon, masisira lang makeup mo ang ganda mo pa naman!" Napangiti naman siya sa sinabi ko.

After twenty minutes, nakarating na kami sa tapat ng simbahan, nakita naman namin ang mga tao sa labas na dahan-dahan ng papasok sa loob ng Makita ang sinasakyan namin.

"Handa kana? Wala ng atrasan to!" Sabi ko pero ngumiti lang siya.

"Matagal na namin 'tong gustong mangyari kaya handa na ako. Sisiguraduhin ko maging masaya tayo dalawa ngayong araw!"
Nakangiti niya sabi pero ako nagtataka pero hindi ko nalang pinansin yon.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan ng may kumatok at may sinabi mag prepare na para sa pagpasok.
Lumabas ako ng sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan si Myka ng pinto. Inayos ko ang sa baba niya gown para maging comfortable siya.
Nauna ako pumasok sa loob dahil nga bridesmaid ako. Pati ako kinakabahan na makaharap uli si Clark pagkatapos ng tatlong araw na hindi kami nagkita.
Pagpasok ko agad ko siya hinanap at di naman ako nabigo dahil nakita ko siya dapit sa may altar kasama niya ang groom, gosh ang gwapo nila pariho, dumagdag pa ang tuxido nila suot ngayon nakangiti siya sa'kin ngayon at ganon din ako sa kanya.

My Mr. Playboy Secret (Complete)Where stories live. Discover now