Kabanata 30

9.4K 200 50
                                    

''Ate, aalis na kami'' sabi ni Gela sa akin. Nginitian ko siya. Nasa loob na ng kotse si Papa at si Raney.

Simula ng kompronta namin ni Papa ay hindi niya na talaga ako kinibo. Hindi ko naman siya masisi, pero anong gagawin ko? Kahit gusto ko pang mawala ang nararamdaman ko ay hindi ko magawa. I love him, and it hurts.

''Ingat kayo'' aniko.

Sumakay na siya sa kotse at pinaandar na ito. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa makaalis sila.

Pumasok ako sa loob at inasikaso ang mga anak ko. Inakayat namin si Hazel ng nurse niya pati narin si Issa.

''Mamay, pwede ba dito ako matulog sa tabi ni Hazel?'' tanong ni Issa. Gabi na kasi. It's time for them to sleep. Nakaupo si Issa sa kama ni Hazel.

Napatingin ako sa Nurse ni Hazel.

''Pwede ba?'' tanong ko sa kanya.

''Pwede naman po siya pero baka po madali niya ang mga naka inject kay Hazel'' sagot ng Nurse. Lumingon ulit ako kay Hazel at kay Issa. Pareho silang nakasimangot.

''Sayang naman po'' dismayadong sabi ni Hazel. Nalulungkot ako para sa mga anak ko kasi kahit gusto nilang palaging magkasama ay hindi nila magawa dahil sa naging kapabayaan ko. Kung sana lang ay nalaamn ko kaagad na may ganito palang sakit ang anak ko.

''Okay lang yan. Sa susunod nalang Hazel, kapag okay ka na. Pangako palagi tayong magkatabi'' sabi niya sa kakambal niya na syang nagpangiti sa akin. Ngumiti rin si Hazel at malutong na tumango.

''Sige, kambal. Kapag magaling na ako tabi tayo sa kama at maglalaro tayo'' sabi ni Hazel at nagtawanan pa silang dalawa. Lumapit ako sa kanila at binuhat na si Issa.

''Papatulugin ko muna si Issa, anak. Tulog ka narin'' sabi ko kay Hazel. She smiled at me and nodded.

''Good night, Mamay and Issa''

''Good night, Anak''

''Good night, Kakambal.''

Lumabas na kami ni Issa sa kwarto ni Hazel at naglakad sa hallway patungo sa kwarto nito. Habang naglalakad kami ay naglilibot ang mga mata ko. Kanina ko pa kasi hindi nakikita si Sais. Mukhang nasaktan talaga ito sa sinabi ni Papa. I need to talk to him later.

''Mamay, bakit po umalis si Papa kanina? Magkaaway po ba sila ni Lolo dahil sinaktan ka ni Papa?'' tanong ni Issa na ikinasalubong ng kilay ko. Sakto namang nakapasok na kami sa kwarto niya. Inilapag ko siya sa kama at umupo sa harapan niya.

''Anak, hindi ako sinaktan ng Papa mo'' sabi ko sa kanya.

''Pero Mamay narinig ko po kayo ni Tata Raney dati. Nagtataka nga po ako kasi napakalambing po ni Papa. Super bait niya po at palagi niyang sinasabi na mahal niya tayo. Mamay hindi mo ba mahal si Papa kasi mahal mo si Papay? Mamay bakit po kayo ang asawa ni Papay tapos hindi po siya ang Papa namin? Mamay sabi ni Papa mahal ka niya'' she asked continuously.

Hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makapag salita. Hindi ako umimik at niyakap nalang ang anak ko.

My tears fell as my heart ached in pain. Mahal ko din ang Papa niyo pero hindi kami pwede. Tapos na ang oras naming dalawa. Wala ng magagawa ang pagmamahal ko. Ayaw kong masaktan si Lauro. Baka siguro kapag ayos na si Hazel at bumalik na ako kay Lauro ay mawala narin itong nararamdaman ko.

Pinahid ko ang luha ko at pinatulog na si Issa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Issa. He loves me. Kung hindi ba ako natakot at tumakbo sa kanya, kami pa kaya? Masaya na kaya kami? I am so unfair for having this thought. Mahal ako ni Lauro. He sacrificed almost everything for us.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon