CHAPTER 25

39 5 0
                                    


Mykka POV.

Inunat-unat ko ang kamay ko habang pababa ng hagdan, ang malaking ngiti ko pagkagising ay napalitan ng kunot-noo at inis na pakiramdam ng bilang bumungad saken ang lalaking to..

Lalagpasan ko na sana ito ng mahuli nito ang pala-pulsuhan ko kaya binalingan ko ito ng may nagtatanong na mata pero imbes na pansinin ay kinaladkad ako nito sa ibang direksyon..

"Let me go!" Halos ibigay ko ang aking lakas makatakas lang sa lalaking to pero tila para isang pader ang taong to "Saan mo ba ko dadalhin?"

Tila hangin lang ako, para syang walang naririnig kaya imbes na magsayang ng lakas at laway ay nagpadala na ako dito.

Ilang minuto ay tumigil kami, napagtanto ko na dinala nya ako sa teritoryo nya. Sa likod ng isang building malayo sa ibang kung saan dito nangyari ang buhatan na naganap noong nakaraang araw lang

Binitawan nya ko, ganun agad ng ngiwi ko ng makita ang bakas ng kamay nito sa pala-pulsuhan ko kaya hinimas-himas ko ito..

"How did you know each other?" Tinignan ko ito pero nakatalikod lang ito saken habang nakapamulsa ang dalawang kamay "What?"

"Sino bang tinutukoy mo?" Himas paden ang kamay ko

"Niko" napatigil ako sa paghimas ng marinig ang pangalang sinambit nya

'Pano napasok si Niko dito?'

"Where did you know each other?" Tanong nanaman nito

"Noong first class ko lang sya nakilala after that diko na ulit sya nakita pa"

"So, you are the cute girl that he telling to me past few days, huh?" Tsaka nya ko binalingan, napayuko naman ako ng maramdaman ang init ng pisngi ko

"He said that I'm a cute?" May ngiti kong tanong, di ko naman makita ang itsura ng kaharap dahil sa nakayuko ako

"Yeah" walang kasigla-sigla nyang sagot na lalong kinapula ng pisngi ko "..and I think he's wrong" ang kaninang kilig ay napalitan ng pagkainis dahil sa lalaking to

Tumunghay ako dito at bumungad saken ang malademonyong ngisi ng lalaking to kaya ang inis na naramdaman ay naging doble. Gusto ko syang pagbuhatan ng kamay, sipain, sapakin o lahat man ng pwedeng pananakit sa mga peste pero napagtanto ko na hindi ito gagana lalo na hari ng unggoy na ito..

'Baka lalo akong mapahiya kapag ginawa ko ang binabalak ko..'

"What?" Napaigtad ako ng marinig ang sinabi nya, ganun na pala ako katagal na nakatitig sa hari ng mga unggoy na ito

"Anong what?" Tinanggal ko ang tignin sya kanya at nilipat sa paligid na hanggang ngayon ay hangang-hanga paden ako dahil sa ganda

"You staring at me" bakas na may pagmamayabang na sambit nito, napairap nalang ako

"Ano bang sinasabi mo?" Napa-atras ako ng lumapit sya saken "H-hoy! A-anong binabalak mo ha!"

Nginisihan lang ako nito habang tuloy lang sa paglapit kaya patuloy lang den ako sa pag-atras, may pagkakataon na nagkakamali ako ng apak kaya natatapilok ako.

Halos lumuwa ang mata ko ng maramdaman ang malamig na bagay sa likod ko. Napapikit ako ng mahipo ang malamig na bagay at don ako kinabahan ng malamang pader pala ang nasa likod ko

"And now your trap" di parin mawala ang ngisi nitong nang-aasar "How did you escape from me, huh?"

Balak ko sanang tumakbo pero hinarang nya ang mga braso nya sa parehong gilid ng mukha ko, pinaggigitnaan ako.

ILWMr.TB 1: Inlove With Mr. Tsinong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon