I was annoyed since this morning. Greyson keeps pissing me off. He's been annoying me since the moment that I woke up. What makes me more annoyed is that, I have my period right now. Kung hindi niya sa labas nilalabas, edi sana hindi na ko nagpapakahirap ngayon.
"Huwag kang ngumingiti, naiirita ako." I said before rolling my eyes on him.
"Woke up at the wrong side of the bed, hmm." He teased me more while he's still smirking. I just want to wipe that smirk off.
"Naiirita ako. Huwag mo 'kong iniinis." Sambit ko at tinignan siya ng masama.
I just heard him chuckle and I groaned in annoyance.
Before I could say anything, my phone rang, so I answered it.
"Ma'am Tanya, I would like to discuss about the flowers naman po and 'yung design nung bouquet." Elisha, our wedding planner told me.
I can even hear Greyson chuckling.
"Kapag ako nairita sa'yo, hindi na kita papakasalan. Bwiset ka." I said.
Nakita ko naman na medyo pumormal ang itsura niya at tumigil na siya sa kakatawa.
"Hey, miss Isha. I'll text you the location na lang." I said before dropping the call.
In less than a month, we'll get married. Just an intimate wedding with our friends and his family.
Halos ako na nga lang ang nagpaplano dahil medyo nahihirapan siya sa subjects ngayong semester. Okay lang naman dahil mas gusto niyang desisyon ko ang nasusunod.
Kapag tinatanong ko siya, ang palagi niyang sagot ay, "whatever you like". Naiirita na nga ako minsan.
Tinignan ko lang siya ng masama bago ako nag ayos ng sarili. Tinext ko si Elisha na sa mall sa may BGC na lang kami magkita.
Nakakamiss rin kasing gumala. Parang ang tagal ko nang hindi nakakagala.
Hinatid ako ni Greyson sa may BGC habang siya naman ay pumasok na sa school. Sana all.
Nakita kong naghihintay sa akin si Elisha. Namili lang ako ng bulaklak at ng iba't iba pa na kailangang pilian para sa kasal. Nag schedule na rin ako ng food tasting next week.
Kaunti lang naman ang bisita. Baka less than forty lang, kasama na ang mga kaklase namin at mga kaibigan.
We'll have the grand wedding once he passes the BAR and if everything goes back to normal.
I can't wait for it.
Napagdesisyunan ko na maglibot-libot sa mall para makagala sana. Ang kaso lang ay mukhang hindi nagtutugma 'yung suot ko sa klase ng pamumuhay rito. Chos.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
Любовные романыSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...