Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya, hindi ko na napigilang maiyak, wala akong mapaglalabasan ng mga ito. Sakto at absent ang next teacher namin kaya maaga kaming nadismiss. Pumunta kami ni Jameson sa garden ng school, para tahimik.
"tell me what your problem is." Jameson demanded. I inhaled a large amount of air, para pakalmahin ang sarili kong kagagaling lang sa pag-iyak. "anong meron sainyo ni Xyra ?" I calmly asked, Jameson looked away before he faked a cough and answered my question. "Xyra's my ex." nabigla ako sa sinagot niya. "she want me back." dugtong niya.
"at pumayag ka naman ?" naiinis na tanong ko. "of course not-" "pero hinayaan mong halikan ka niya." pagputol ko sa sinasabi niya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, tss. "hinayaan mong halikan ka diba ? Hindi ka manlang kumibo, hindi ka manlang nagpumig-" "because that's the only thing she wants, titigilan niya na 'ko pagkatapos no'n" mahinahong pagpapaliwanag niya.
"no..." umiling-iling ako. "Jameson, alam mong may girlfriend ka. Hindi mo hahayaang halikan ka ng iba kung alam mong may nagmamay-ari na sa'yo-" "Chandria, hinayaan kong gawin niya 'yon para tigi-" "Jameson madaming mas maayos na usapan para tigilan ka na niya !!! Pwede niyong pag-usapan ng maayos 'yon, madaming ibang way na pwede mong gawin para tigilan ka niya !!!" I exclaimed at him.
"at isa pa, ex ? Pa'nong naging ex mo 'yon ? Your mother once said na, wala ka pang ibang ipinapakilalang babae sakanila kundi ako." napayuko siya. "bakit hin-" "kami pa nung nililigawan kita." napatayo ako sa sinabi niya. "at ako pa pala ngayon yung pangalawa ?!" A tear fell from my left eye. "Chandria hindi gano'n-" "eh ano ?!"
"matagal ko nang gustong makipaghiwalay sakan'ya pero ayaw niya, nung niligawan kita wala na akong nararamdaman para sakan'ya no'n" "pero pinagsabay mo kami" "hindi gano'n, Chandria..." tiningnan ko lang siya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "nagkaro'n kami ng usapan, na pag pumayag ka nang ligawan kita, wala na yung sa'min, tapos na. Malinaw ang usapan namin na 'yon, kaya hindi ko rin alam kung bakit naghahabol parin siya sa'kin hanggang ngayon."
Tumayo si Jameson, saka niya hinawakan ang mga kamay ko. "pero Chandria maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal kita, at handa akong isuko ang lahat, 'wag ka lang mawala sa'kin" he kissed me on my forehead. "I love you so much." I hugged him back after he said those words.
Naalala ko bigla ang mga sinabi sa'kin ni papa. Kailangang malaman din ni Jameson ang tungkol doon. "what's bothering you ?" he asked. "gusto ni papa na maghiwalay na tayo." natahimik kami pareho matapos kong sabihin 'yon. "nakikita ka niya bilang distraction sa pag-aaral ko." pinunasan ko ng pisngi ko dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagtulo.
"paano niya naman nasabi 'yon ?" pagtatanong niya. Tumingin muna ako sakanua ng matagal-tagal bago ko inisa-isa sakan'ya yung mga nangyari.
"nung nakita kong hinalikan ka ni Xyra, sobra akong nasaktan kasi hinayaan mo siyang gawin 'yon sa'yo. Ayun yung araw na hindi ako sumabay sa'yo pauwi."
"naiwan ko no'n yung flashdrive ko, at sabi ni Brace, may nangialam no'n nang maiwan ko sa comlab, may nagdelete nung file na naglalaman nung project natin sa computer."
"alam kong gusto mo akong tulungan, akala ko din nakatulong ka. Sorry sa term, pero mali yung mga nilagay mo sa charts ko no'n. Ang daming kulang." "paanong kulang ? Eh-" "eh ano ?" "s-sabi ni Xyra, tama daw 'yon, kung gusto ko daw bumawi sa'yo, ako nalang yung tumapos ng project mo para hindi ka mahirapan. H-Hindi ko naman alam na mali pala yung mga nilagay niya doon"
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...