Chapter Twenty Four

18 1 0
                                    

             Third Person POV.

After 3 years!!

Pagkalipas ng tatlong taon, masasabing isang magandang pangyayari ang dumating sa kanilang magka kaibigan, kahit may mga pagsubok na dumating sa kanila kahit maraming nangyari, naging matatag at masaya parin ang kanilang samahan.
Pagkatapos ng kasal Nina Myka at Nathan syempre nag karoon sila ng anak hindi lang isa kundi kambal pa, isang lalaki at isang babae, masasabi nila Ito ang magandang biyaya ang natanggap nila, ngayon ay mag tatatlong taon na.
Ang dalawa na sina Karl at Geo syempre nag tino na dahil nakahanap ng katapat.
Si Karl ay kinasal sa kanyang asawa last year lang  na isang reporter at ngayon nasa ibang bansa sila at balita ng mga kaibigan malapit na rin manganak ang kanyang asawa.
Si Geo naman engaged narin itong taon lang. Ang girlfriend niya ay isang model na sikat din sa iba't ibang bansa. Maganda at mabait siya Kaya siya nagustuhan ni Geo.

Sina Talia at Clark naman ay ikakasal narin sa wakas sa susunod na linggo. Nagtataka kayo kung bakit nauna pa si Karl na ikasal, syempre dahil pinagpatuloy pa ni Clark ang kanyang pagaaral at pagkatapos ay nag trabaho para may maipon naman sila gusto nila sariling pera ang gagastuhin para sa bubuohin nilang pamilya ngayon palang ay matatawag na silang isang responsable magulang para sa mga anak nila.

Nandito sila Talia at Myka sa mall kasama ang kambal, may bibilhin sila para sa birthday ng kambal bukas.

Akay² ni Talia ang anak na babae ni Myka habang siya sa lalaki namang anak nito.

"Ang big girl na talaga ng inaanak ko." Sabi ni Talia habang nag lalakad sila habang namimili ng bibilihin.

"Sinabi mo pa, kung ano kasi gusto binibigay ng daddy nila, inispoiled niya masyado mga anak namin." Sabi ni Myka kaya napatawa nalang ng mahina si Talia.

"Hayaan mo na, bumabawi lang naman yon dahil minsan lang niya makasama mga anak niyo." Palagi kasi out of town itong si Nathan dahil sinasama siya ng daddy niya para siya ang susunod na mag mamanage ng business nila na restaurant.

"Teka lang, bakit hindi mo sinama ang fiance mo dito?." Ngumiti naman si Talia.

"Busy siya ngayon eh, tinatapos niya yong gawain niya sa opisina para bago yong kasal namin mag karoon pa kami ng time sa isa't Isa bilang mag boy/girlfriend tsaka birthday pa itong mga inaanak namin!" Nang gigigil niya sabi at pinisil ang cute na cute ng mga pisngi ng kambal pero mahina lang naman baka umiyak pa. Napatango naman si Myka.

" Oo nga pala, sa susunod na linggo na pala yon. Pero grabi mag effort yang si Clark ha, niregalohan ka pa talaga ng isang malaking bahay pero nakakamangha simple lang pero attractive tingnan." Dagdag pa ni Myka. Ang tinutukoy niya ay last week lang din nangyari, Ang pinapangarap na bahay ni Talia ay tinupad ni Clark. Malayo man sa bahay ng kanyang mommy at daddy ay masaya parin dahil gusto niya rin makabukod sila agad.

Naglalakad sila palabas ng mall pagkatapos mabili ang kailangan sa birthday party ng kambal bukas.

"Happy Birthday too you, Happy Birthday too you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday too you!!" Kanta ng lahat ng dumalo sa birthday ng kambal, nandito ang mga lolo at Lola nila both side. Ninang at ninong and syempre ang mga friends, Hindi man kumplito dahil Wala si Karl alam naman nila lahat at masaya din siya sa kambal.

Habang kumakain ang lahat Ito namang couple ay hindi mapakali.
"Love?" Lambing niya tawag Kay Talia habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ng dalaga.

My Mr. Playboy Secret (Complete)Where stories live. Discover now