Chapter 9: The Book

52 5 1
                                    

THIRD PERSON

"Sandra anong nangyayari sayo?" nagtatakang tanong ni Miles sa kaibigan niya. Kanina niya pa napapansin ang panginginig at ang pagkatulala nito.

Nasa detention room silang lahat dahil na rin sa parusa sa kanila ni Prince Vernon. Ang detention room ay isang ordinaryong room lamang na walang kahit anong gamit at madilim but there is a strong spell that is casted in the room that weakens and puts pressure to anyone inside the room. No one can use their magic inside so they have no choice but to bear the pain of the pressure on them. Isang linggo ang pananatili ng mga babae rito kaya naman kanina pa nila minumura sina Onyx maliban nalang kay Sandra na nanatiling tulala.

"Baka naman natakot sa SRC, kung bakit ba naman kasi sa harap pa ng maraming tao natin yun ginawa?! Eh kung sa kagubatan natin sila binugbog wala sana tayo dito!" singhal nung isang kasama nila na sinang-ayunan naman ng iba.

At kanya-kanya na silang diskusyon tungkol sa nangyari habang si Miles ay nanatiling nag-aalala sa kaibigan niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto ng detention room at hindi na sana nila papansinin ito dahil baka isa lang yung estudyante na gaya nila na naparusahan pero napatayo sila nang makita ang lalaking pumasok.

"G-Gavin," nanginginig na saad nung isang babae.

Inilibot ni Gavin ang tingin sa buong kwarto at natigil ang kanyang mata kay Sandra na nanatiling nakaupo sa sahig.

"You, stand up," utos niya kay Sandra.

Kumunot ang noo niya nang hindi siya pinansin ng babae.

"I told you to stand up," bakas na ang inis sa boses niya.

Nanginginig man ay nilapitan ni Miles si Sandra at pilit hinila patayo. Alam niyang maiksi lang ang pasensya ng lalaki at baka mas lalong lumala ang parusa sa kanila pag hindi niya ito sinunod.

"S-Sandra pinapatayo ka ni Gavin. Tumayo ka na bilis."

Tila natauhan naman si Sandra nang marinig ang salitang Gavin at agad agad siyang umayos ng tayo at hinarap ang lalaking masama ang tingin sa kanya.

"A-anong kailangan m-mo," napasinghap siya nang naglakad palapit sa kanya si Gavin.

Abo't-abo't ang kaba sa puso niya lalo na nang tanungin nito ang bagay na siyang iniisip niya kanina pa.

"Anong ginawa nung babaeng yun sayo?"

Napaamang si Sandra at hindi nakasagot. Bakas sa mukha nito ang matinding takot at pagkabigla. Dahil sa reaksyong pinakita ng dalaga ay mas lalo nitong pinalakas ang kuryosidad ni Gavin tungkol sa ginawa nung babae. Siya lang ang nakapansin ng matinding takot ni Sandra kanina. Siya lang rin ang nakapansin ng titigan nung dalawa kaya alam niyang ang magandang babaeng duguan kanina ang may dahilan kung bakit nagkakaganito si Sandra.

"H-hindi ko a-alam a-ang sinasa–bi mo," naiiyak na sabi ni Sandra.

"Are you gonna tell me the truth or not–" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang sumigaw ang dalaga.

"Ayokong alalahanin yon! Ayoko! Ayoko! T-that girl!" parang baliw na sabi nito at sinasabunutan pa niya ang buhok niya.

Nagtataka man sa inaakto ng babae ay inaawat siya ng ibang kasamahan niya sa kwarto dahil sa pagwawala nito.

"Sandra! Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Miles habang pilit pinapakalma si Sandra.

"I saw it! I saw it in her eyes! My d-death! It was so gruesome and scary! Nakita ko rin ang sarili ko sa impyerno!" the girl sat helplessly on the floor as she hugged herself and cried.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prima RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon