Chapter 15: Where are we going?
Kinabukasan ay tungkol lamang sa misteryosong Flynn ang pinaguusapan nila. Umalis kasi ako kaagad nang sinabi ng host kung ano ang nilalaman ng papel. I don't want any more attention. I hate it.
The past two days went just like that. Palagi akong nasa dorm at si Yugen naman ay naliligo ng swimming pool at nagsasaya. I also haven't heard anything on what happened to Liam after that. Siguro ay pinauna na ang lahat ng napuruhan sa hospital.
Nanonood parin ako sa labanan pag gabi ngunit di na ako naka disguised. I have no plan at fighting anymore. Di na din sumali ang Student Council. Nanonood naman si Shaun sa labanan pero pag ilang minuto na ang lumilipas ay umaalis din kaagad ito.
Ngayon ay kagagaling lang namin mula sa mahabang byahe. Si Yugen ay kaagad na natulog pagkaapak lamang namin sa loob. She's tired like crazy.
Ako naman ay inayos na ang lahat ng damit. Pati na rin ang gamit ni Yugen ay inayos ko na din. Pagkatapos ay naligo ako. Alas nuwebe ng umaga ng makauwi kami. Pinahinga muna kami ng Prinical ngayong araw dahil na rin pagod ang iba.
Pagkatapos maligo ay kaagad akong nagluto ng instant ramen. Hinintay kong kumulo ang tubig bago ko nilagay ang noodles. Habang hinihintay na maluto ay may naalala ako.
I missed Japan. Siguro isang taon na rin ang nakakaraan since last punta ko don. I went there because I visited my mom. We went some nice places and ate exotic foods. My mom loves exotic foods. Pagkaalis ko don ay nabalitaan kong binisita din siya ni Kuya Kilton one month after kong umalis. Galing siyang New Zealand at binisita muna si mom sandali bago umalis.
My mom is fine. She's still doing her task as a hacker pero sa bahay niya lamang ginagawa. May mga kasama naman siyang mga A class guards and maids so she's safe. And knowing my mom, she's a retired assassin so she can take care of herself just fine.
Kumakain ako ng instant ramen ng naisipan munang magselpon. Pagkabukas ko ay may messages kaagad ni Kuya Kidd ang bumungad sa akin. Meron siyang tatlong text at limang missed call.
Oo nga pala. Tatlong araw kong di nabuksan ang phone ko. He must be furious right now since I didn't reply to his texts.
Binuksan ko ito.
From: Kidd
How's your mission? Are you treated well in there?
From: Kidd
Why aren't you replying?
From: Kidd
Baby girl, why aren't you replying? Are you mad at me or something?
Napatawa ako sa huling reply niya. He always thinks that I'm angry at him everytime I don't reply to his texts.
Kaagad naman akong nag reply.
To: Kidd
Sorry, tatlong araw ko kasing di nabuksan ang phone ko kaya di ko kaagad nabasa ang texts mo. We went to a event for three days, that's why. And don't worry, I'm not treated harshly in here.
Pagkasend non ay mabilis ko namang inubos ang instant ramen. Ilang minuto akong nagscro-scroll sa phone ko na bigla na lang may tumawag.
Unknown Number.....
Sino naman ito?
Kahit di kilala ay sinagot ko naman ito. Wrong number ata.
"Sorry but you called the wrong number" ani ko at akmang papatayin na sana ang tawag nang sumagot ito.
"I think I'm not. Come here at our headquarters immediately." di na niya ako hinintay na sumagot at kaagad na pinatay ang tawag.
How did he got my number?
YOU ARE READING
Sylvian High: School for Underground Society ✔
AksiAs the reigning top assassin, Keira Donquixote was given the most difficult task she has ever done before-that is to be a spy and seek information to the Darshall's. Ever since her family doubted the Darshall's loyalty to them, she was sent to Sylv...